Noong una laging pumapasok sa isip ko
Ang mga tanong tungkol sa kung paano ako mapapalapit sa iyo
Kaya't sabi ko sa sarili ko
Tiyaga! Sipag! Lakas!
Dahil ayokong mauwi sa daan na kung saan ang mga naiiwan ang lumulunan
Ayoko maging talunan, iwanan, duwag at marami pang iba
Na malalagay sa lugar na ang mga iwanan ang lumulunan
Kaya't ikaw ang dahilan ko sa pagpasok sa umaga
Ngunit hindi mapalapit sa iyo
Kaya't inabot na ko ng dapithapon
Dapithapon na kung saan hindi parin kita nakausap
Kaya't lagi kong dinarasal ng paulit ulit sa Diyos
"Progreso ay taasan
Kasawian ay babaan
Ligaya sa dalawang tao ay umusbong
Parang sabay naming tinatakbuhan ang sumbong"
Kung mapapalapit at pakakapagtalastasan sa iyo
Ang mga katagang ito ang maririnig mo
Na nanggagaling sa puso ko:
Kahit na abutin ako ng dekada
Kahit na abutin ako ng pagsabog ng mundo
Kahit na talikuran ko pa ang dignidad ko
Kahit na kalabanin ko pa ang lahat
Gagawin ko kasi mahal na mahal kita!
Kaya't sana.... sana magkaroon ako ng puwesto sa puso mo
Ayokong maging iwanan dahil isa akong duwag
Duwag na nagresulta sa katangahan
Kaya't tinatagan ko ang sarili ko
Mula sa mapait na mundong ito
Kaya't nagsisi ako dahil duwag ako!
Kaya't pangako ay ito
Pangako ay ito...
Gagawin ko ang lahat para lang sa iyo
Para lang sa oo mo
Dahil nahumaling ako sa mukha mo
Sa boses mo
Na parang isa kang diwata
Nasa batis ay nananahan
At kung magiging tayo man
Sana mahalin mo ko kung sino ako
Hindi kung ano ako
Dahil pinapangako ko sa harap ng diyos at magulang mo
Mamahalin kita ng todo at totoo
Hindi kita sasaktan ng sukdulan
Dahil pangako ay ito...
Hinding hindi na kita bibitawan
Bawat paggalaw ng mga kamay ng orasan
Ilulustay ko para lang sa iyo
Kahit pumuti man ang buhok kong ito
Mamahalin kita ng todo araw at gabi
Mamahalin kita kaysa sa pagmamahalan ng umaga at buwan
Na parang wala ng bukas
Na parang katapusan na ng mundo
Dahil sa pangako na ito
Mamahalin kita ng todo't totoo
Pangako ay ito sa iyo, Sinta!
BINABASA MO ANG
Ang tula na inaalay ko para sa'yo
PoetryTULA NG MGA SALITANG WALANG SAYSAY Highest Ranking ever reached: 3rd in Poetry Highest Ranking this 2018: 17th in Spoken Word Poetry