Ito ang mga tanong na hanggang ngayon nananatiling walang sagot.....
Pagsinabi ko bang mahal kita, maguusap pa rin ba tayo katulad ng dati?
Pagsinabi ko bang mahal kita, maglalaban pa rin ba tayo sa keyboard at messages?
Pagsinabi ko ba at inamin ko sa iyo na crush kita, hindi ba tayo magiging ilang sa isa't isa?
Dahil hindi ko na kayang patagalin itong nararamdaman ko para sa iyo
Gusto ko nang sabihin sa iyo dahil punumpuno na ng feelings itong puso kong ito
hindi man ikaw ang una kong minahal pero pangako ay ito....
mamahalin kita ng todo at totoo kaysa sa mga minahal kong iba
Mamahalin kita mula ulo hanggang paa
Hindi kita sasaktan, pangako iyan
kaya't mahal, mamahalin kita kahit anong mangyari
Pero kapag sinabi ko ba ito sa, mamahalin mo rin ba ako?
Kahit anong mangyari handa akong maghintay
abutin man ako ng mga dekada sa paghihintay sa iyo
itutuloy ko kasi ganoon kita kamahal
Kaya sasabihin ko ito sa iyo
atakihin man ako ng anxiety ko
Kapag sinabi ko bang mahal kita, tatanggapin mo ko kung sino ako?
Sana magkaroon na ng sagot ang mga tanong na ito....
BINABASA MO ANG
Ang tula na inaalay ko para sa'yo
PoetryTULA NG MGA SALITANG WALANG SAYSAY Highest Ranking ever reached: 3rd in Poetry Highest Ranking this 2018: 17th in Spoken Word Poetry