ONE

26 3 3
                                    

" Let's break up" sabi ni chloe kay isaiah.

"Ha? Pero bakit? Anong ginawa ko may masama ba akong nagawa sayo?" Tarantang saad naman ni isaiah. Totoong nagulat siya sa sinabi ng nobya.

"Wala naman, actually pinaglaruan lang talaga kita i dont have any feelings for you. Inutusan lang ako na gawin kang bf for a mean time so that i can have jacob as my own bf." Gumuho ang mundo ni isaiah sa narinig mula sa kaniyang nobya. Lubos niya kasi itong mahal kahit pa na kailan lang naging sila.

"P-pero b-bakit ganun?" Nangingilid na ang luha ni isaiah sa sobrang sakit ng nadarama niya ngayon.

"Haysss tumigil kana sa tingin mo ba papatol ako sa kagaya mo?? Tingnan mo nga ang sarili mo nakakasuka." Napatingin naman kaagad si isaiah sa sarili.

"Ano naman ang problema sakin? Bakit ba ganiyan kayo?" Tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina pang gustong kumawala sa mata ni isaiah.

"Duhh, tinatanong pa ba yan? Look at your self your disgusting and your poor hindi ka bagay sakin na maganda at mayaman" mataray na sabi ni chloe.

"Maganda ka nga kaso yang ugali mo walang wala sa ganda ng mukha mo" matapang na sabi ni isaiah.

"What? How dare you to say that to me you worthless piece of trash!" Halatang galit na galit na si chloe dahil sa sinabi ni isaiah.

"Oo, mabuti na lang talaga ngayon alam ko na niloloko mo lang pala ako maraming salamat sa lahat. Sana hindi na ako muling makatagpo ng babaeng katulad mo." Matigas na sabi ni isaiah. Sa pagpatak ng luha na tumutulo mula sa kaniyang mata ay siya ring pag bagsak ng ulan mula sa kalangitan.

*kring kring (tunog ng ringtone ng cp ni isaiah)

Habang naglalakadlakad bigla na lamang tumunog ang cellphone ni isaiah. Ang tumatawag pala ay ang kaniyang ina napaigting kaagad si isaiah ng makita ang pangalan ng nanay sa cellphone niya.

"Hello?" Kaagad na sabi ni isaiah.

("Hello? Anak? Hmmm may extra kabang pera riyan kailangan ko kasi ng pera ngayon hayaan mo kapag nakuha ko na yung pera na makukuha ko babayaran kaagad kita.")

"Nay, diba ho kakapadala ko lang sa inyo? Alam niyo naman siguro ang kalagayan namin ni itay rito di lang kayo ang nangangaylangan." Wala ng pake kung magalit man ang kaniyang ina sapagkat iniwan naman siya nito at sumama sa ibang lalaki.

("Aba! Ganiyan kaba pinalaki ng tatay mo!? Ganiyan pala kasama ang ugali mo sana hindi na lang kita naging anak letse!")

*toot toot -call end-

Mas lalo pang lumala ang sakit na nararamdaman ni isaiah sa oras na ito. Lagi kasing ganon ang kaniyang ina tatawag lang ito kapag kailangan nito ng pera ni hindi man lang nag aabalang kamustahin kung kamusta na ba ang kaniyang anak.

Nang marating ang isang waiting shed pinili na lang muna ni isaiah na tumigil muna rito hanggang tumila ang ulan. Mistulang parang nasa isang pelikula si isaiah dahil sa mga problemang kinakaharap niya. Kung minsan nga napapaisip siya kung bakit ba ganito siya isang di kagwapuhang lalake at madalas na na-bubully sa eskwelahan hinahayaan niya nalang ito dahil sabi ng kaniyang itay kung kaniya itong papatulan ay para na rin niyang ginaya ang mga ito mga taong walang ginawa kung hindi manakit at makasakit ng ibang tao.

Nagulat na lamang si isaiah ng bigla siyang may naramdamang kamay na nakahawak sa kaniyang kamay. Napatingin siya rito at nakita ang isang magandang babae na nakatingin sa mga ulap.

"Alam ko ang nararamdaman mo" biglang nagsalita ang babae.

"H-ha?" Nauutal sa saad ni isaiah.

"Ang sabi ko alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Dumating rin ako sa ganiyang sitwasyon." Napatingin siya ng muling magsalita ang babae. Tulad ng kanina nakatingin parin ito sa mga ulap sa kalangitan.

"Anong meron sa mga ulap? Kanina kapa kasi nakatitig diyan"

"Ha? Ay pasensya kana akala ko nakaharap ako ngayon sa isang building" natatawang sabi ng babae kay isaiah. Naguluhan naman si isaiah sa sinabi ng babae.

"Maiwan na kita kailangan ko na kasing umuwi" pag papaalam ni isaiah sa babae.

"Maaari ba akong humingi ng pabor?"

"Ha? Hmm sige "

"Maaari mo ba akong ihatid sa isang coffee shop?" Nakangiting saad ng babae habang nakatingin parin sa kalangitan.

" napakalapit lang naman ng coffee shop mula rito sa waiting shed kaya bakit pa kitang kailangan samahan?"

"Ayy ganun ba? Hahahha sige na nga maraming salamat sana matagpuan mo na ang babaeng nararapat sayo." Saad ng babae saka umalis. Napansin ni isaiah na tatawid ito ngunit may sasakyang papalapit.

*beep beep

" letche! Kung magpapakamatay kayo wag kayong mangdamay!" Galit na galit na sabi ng driver ng kotseng muntik nang makasagasa sa babae.

"Pasensya na ho kayo" pag hingi ng tawad ni isaiah sa driver. Nang makaalis na ito hinarap niya ang babae.

"Anong problema mo!? Magpapakamatay ka ba?" hindi mapigilan ni isaiah na mainis sa na nangyari.

"Hahaha bakit naman ako magpapakamatay? Eh duon lang din naman ang patutunguhan ko sa huli." Nakangiting saad ng babae. Napansin ni isaiah na totoo ang sinasabi nito.

"Tara na, ihahatid kita" saad ni isaiah at hinawakan sa kamay ang babae dahil baka mangyari na naman ang naganap kanina.

Nang marating na nila ang coffee shop nag paalam na si isaiah rito.

"Paalam na hanggang sa muli nating pagkikita"

"Hmm sige, aasahan ko iyan at siya nga pala maraming salamat sa pagligtas mo sa akin kanina kung hindi mo siguro ako hinayaang makatawid baka nasagasaan at ang malala ay mamatay ang bulag na katulad ko."

"Siya nga pala ako si sinclaire" pagpapakilala ng babae ngumiti ito bago tumalikod saka tinawag ang isang lalaking nakatayo sa gilid tinitigan lang ni isaiah ang paglaho nito kasabay ang mag mas malakas na pagbuhos ng ulan.

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either a product of author's imaginations, or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events or locales are entirely coincidental.

A/n
Halooo😊 sana magustuhan niyo to 😂😂

Downpour Where stories live. Discover now