Sinclaire's P.O.V
"Yaya, pwede mo ba akong samahan sa isang coffee shop?" malakas ang buhos ng ulan ngayon pero gusto ko talagang pumunta.
"Ha? Pero malakas ang ulan baka may mangyaring masama lang sa atin kung lalabas tayo." Paliwanag ni ate jovi. Sayang naman gusto ko makatikim nung ikinukwento ng kapatid kong si xyrell ano nga bang tawag don? Frappe?
"Ate jovi, sige na please saglit lang naman tayo bibili lang tayo ng frappe alam mo ba yun? Yung kinukwento ni xyrell."
"Ahhh oo parang gusto ko nga rin nun ansarap tingnan eh" sa sinasabi ni ate jovi ngayon mukhang napakasarap nganun.
"Gusto mo rin naman pala eh edi tara na bumili na tayo wag mo nalang sabihin kay mama at papa." Yehey! Makakalabas narin ako at makakakain ng frappe.
"Aishh oh sige na nga mo halika na at bibihisan kita." Umakyat na kami ni ate jovi sa kwarto ko.
Isang black na long sleeves ang ipinasuot sa akin. Alam kong maganda ito base sa paliwanag ni ate jovi bagay raw kasi sakin ang kulay itim na damit.
"Bilisan na natin para makauwi narin tayo ng maaga." Inalalayan ako ni yaya papunta sa kotse. Paglabas ko palang ng bahay ay naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin paborito ko talaga ang tag ulan malamig at kalmado ang paligid walang maingay.
"Yaya, malapit naba tayo?" Tanong ko kay ate jovi.
"Dadaan muna tayo sa boutique ng tita madie mo. Nag text kasi sakin si maam na bumili raw ako ng damit na isusuot mo para sa party na dadaluhan ninyo sa sabado" ha? Wala pang sinasabi sakin si mama na aattend sila ng party na kasama ako.
"Ahhh okay, bilisan nalang natin" aattend ako ng party? Parang masaya yun ahh. Kung matuloy man yun ayun ang pinaka unang beses na dadalo ako sa isang party.
"Sasama kapa ba sakin sa loob or hindi na?" Tanong sakin ni yaya habang inaayos ang gamit niya.
"Hmm hindi na mag iintay nalang ako rito." Sabi ko sa kaniya. Pumayag naman siya at sinabihan ako na wag lalabas ng kotse.
Narinig kong binuksan na ni ate jovi ang pintuan aalis na siya.Nag intay ako ng ilang minuto. Pinapakiramdaman ko kung nandiyan pa siya at nang maramdaman kong wala kinausap ko si kuya rommel na driver namin.
"Kuya, pwede ba akong pumunta sa cr?" Sa totoo lang hindi naman talaga sa cr ang balak kong puntahan. Maglalakad lakad lang muna ako.
"Ha? Oh sige pero sasamahan kita papunta doon" hmm kung sabihin ko nalang kaya na hindi naman talaga ako naiihi kundi gusto kong maglakad lakad.
"Ayy kuya, sa totoo lang hindi talaga sa cr ang gusto kong puntahan gusto ko lang maglakad lakad pwede mo ba akong samahan?" Sabi ko sa kaniya.
"Ahh baka kasi mapagalitan ako niyan eh kung lalabas tayo pero kung gusto mo talaga edi sige basta saglit lang tayo ha? Saka bat ba gusto mong maglakad lakad ngayon eh ansama ng panahon?" Bakit nga ba gusto ko? Aishhh bahala na.
"Wala lang alam mo na naman na paborito ko ang tag ulan kaya gustong gusto ko lumabas sa ganitong panahon saka hindi naman ako kagaya ni xyrell na laging nakakalabas ng bahay." Paliwanag ko alam niyo ba minsan hindi ko mapigilan na hindi maiinggit sa kapatid kong si xyrell.
Si xyrell ang nakatatanda kong kapatid actually ilang oras lang ang pagitan ng edad namin. huli kong nakita ang mukha niya noong 12 years old palang kami bago ako tuluyang mabulag. Maganda siya at mabait kaya siguro minahal siya ng boyfriend niyang si alecxander. Kababata ko si alec hindi niya kilala si xyrell dahil nasa america kami ng magkakilala kami at aaminin ko simula pagkabata may gusto ako kay alec pero nitong nakaraang taon ay naging sila ng kapatid ko kaya itinigil ko ang nararamdaman ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Downpour
Teen Fiction"It's just a passing downpour It's how i feel After i met you, I haven't lost The happy memories in the rain When the rain stop let's meet again We will smile again and be together" Date started: 10/12/17 This book is a work of fiction. Names, cha...