Chapter 1: Beginning

187 9 0
                                    

Marx/Innocent Man's POV

I hope kilala niyo na ako. Well kakagising ko lang dahil sa bunganga ng kapatid kong si Mikee

Oo. Siya yung makulit kong kapatid naligo na ako pagkatapos ay nagsuot na ako ng uniform

"Oh kuya tapos ka na pala" sabi ng kapatid ko

"Pano naman akong hindi magigising kung ang ingay ingay mo" sabi ko

"Wow huh. Kuya huh. Di porket tahimik ka na" sabi niya at binigayan pa ako ng tinging nakakaasar

"Oo na. Oo na. Anong oras na ba?" Sabi ko

"4:30" sagot niya kaya agad nanlaki ang mata ko

"4:30?" Tanong ko

"Opo kuya" sabi niya

"Ang aga aga pa ba't mo ko ginising?" Sabi ko

"Hindi ko namang sinabing papasok na tayo eh. Ang akin lang, pakikuha po yung cellphone ko naiwan ko kasi dito kagabi" sabi niya. At di na ata napigilang tumawa

"Ah ganon" sabi ko at binatukan ko siya

"Ouch! Kuya!" Sabi niya

"Naninira ka ng tulog huh" sabi ko

"Sorry na kuya" sabi niya

"Oo na." Sabi ko at niyakap ko siya "Mahal naman kita eh, di ba kapatid" sabi ko

"Bati na tayo?" Tanong nya kaya tumango ako

"Yey thank you kuya" sabi niya

"Your welcome" sabi ko

"Balik ka na dun" sabi ko at kumalas sa yakap icloclose ko na sana yung pinto pero bigla nyang hinawakan ang braso ko

"Balik ka na d----" di ko na tinuloy yung sasabihin ko ng nagsalita siya

"Cellphone" sabi nya

"Huh?"

"Kuya, yung cellphone ko" sabi nya. Ah naalala ko na kaya pumasok ako sa loob at kinuha ang cellphone nya. Tsaka ko binigay sa kanya

"Sige bye na" sabi ko

"Bye kuya" sabi naman nya

Klinose ko yung pinto tsaka humiga ako. Ang aga ko pa namang nagising. Makapagcellphone na nga lang

IF INNOCENT MAN MEETS A BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon