"Yaaahhh! Tayo na dyan Tzuyu! Isang practice na lang!" pilit saakin nila Jihyo. Ayoko na. Pagod na ako. Sakit na ng mga paa ko. Jusko
"Isa na lang last na ah."
Sakit na talaga ng mga paa ko. Di ko na kaya. Kung di lang to para sa grades di na ako sasali. Nagtataka siguro kayo kung bakit nag dance major ako. Ito lang kasi yung major na walang Math. I hate math sobra. Kung pwede nga lang ako i-enroll sa school na walang math eh doon ako. Kaso wala. Dance Major lang ang walang Math na subject kaya kahit labag sa kalooban ko, nag dance major ako para makaligtas sa mga problems sa math.
KYAAAAAAAAHHHHH!
MAGPEPERFORM NA ANG EXOOOOO!
ANG POPOGI nilaaaa!!
Sigawan ulit ang mga estudyante habang pababa sila sa kanilang mga classroom. Sa may quadrangle kaming lahat nagprapractice. Sino pa nga ba ang titiliian nila kundi ang EXO. Yung mga mokong. Todo ngiti naman sila. Kung alam niyo lang ugali nila. Aish
"Oh san ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Jihyo
"Aalis na. Sa lugar kung saan walang tao. Nakakairita. Di ako interesado na panoorin mga bugok na yan" tsaka ako umalis. Dumiretso ako sa rooftop. Medyo makulimlim kaya magandang tumambay doon. Inilapag ko ang kamay ko sa magkabilang side tsaka nagpaikot-ikot na parang bata. Nakakarelax. Ang sarap sa feeling.
"Choi Tzuyu"
"Ay Kabayong Bakla!"
"Di ako bakla. Ang ganda dito ano? Nakakarelax"
Halos mapatulala ako sa lalaking nagsalita habang naglalakad papunta sa direksiyon ko. Ngayon ko lang siya nakita ah.
"Sino ka?"
"Yook Sungjae"
Tsaka niya nilahad ang palad niya para makipag shakehands.
"Dance Major din ako. Section 1 nga lang."
Pagpapaliwanag niya. Tumango lang ako bilang sagot. Tsaka tumingin sa baba. Dumarami na ang tao sa quadrangle. Patuloy pa rin na sumasayaw ang mga bugok. Infairness magagaling naman sila. Sabay sabay pa.
"Balita ko you're not in good terms ah" Ang daldal naman nitong taong ito
"Tsismoso ka rin ano?" biro ko. Napatawa naman siya. "Parang ang yayabang kasi nila. Mayabang naman talaga. Lalo na yung baekhyun na yun."
"Oo nga. Tsaka nasabi rin ni Papa na nag away daw kayo ni Chanyeol sa may office ng Principal noong nagshoot kayo. Director si Papa ng school"
Papa? Yah. So anak siya ng Director.
"Oo anak niya ako. Pati yun di mo alam?" matawa tawa niyang sabi.
"Hindi. Akala ko kasi binata pa siya. Bakit mo pala ako kilala?"
"syempre naman. Sino bang hindi makakakilala sa amazona ng school. Hahaha! Yung suplada na mataray na halos buong araw libro lang ang inaatupag"
"hays. Try niyo kasing magbasa. Maganda kaya"
"Mas maganda ka"
Napatulala ako sa kawalan sa sinambit niyang iyon at konting pagbilis ng tibok ng puso ko. Nanatili pa rin siyang nakatitig saakin.
"Ah. Hahaha! Ano ka ba.syempre binibiro lang kita" awkwardness alert. Na aw-awkward'an ako sa sitwasyon namin ngayon.
"Yah! Choi Tzuyu! Tawag na tayong lahat may i a-announce daw si Pri—... Oh. Nakakaistorbo yata ako"