Baekhyun's POV
"Okay here's the contract manager Jing" pag aabot ni Bigboss kay manager
Rules
1. NO GIRLFRIEND
2. NO DATINGhalos mapatawa kaming lahat sa rules na binigay. Ang basic naman nito
"Seriously? That's all?" matawa tawang tanong ni Suho. Siya kasi ang inatasang maging leader ng group dahil siya ang pinakamatanda
"Yes that's all" kampanteng sagot ng Boss
"After na ng Exam niyo ang promotion niyo ng Bagong Album niyo. So after exam asahan niyong magiging busy tayong lahat at marami tayong promotions okay? That's all. Have a good day boys!"
Pagkasabi niyang iyon umalis na siya. Kami naman nag party party sa loob ng office niya
"Sa wakas nagka album din tayo Hyung" pagyakap ko kay Suho.
"Yah group Hug!" sigaw naman ni Chanyeol
"GROUP HUGGGG!"
"Work hard ah" pag papaalala ni manager. Tumango naman kaming lahat at nag bow
"Yung Tzuyu pala na kaibigan mo Baekhyun. Maganda siya diba?" pang aasar saakin ni Manager Jing. Maganda ba siya? Ang alam ko mas maganda si Jihyo. Ahihihihi!
"Type ni Baekhyun iyon! " sabat naman ni Kai
"Yah! Kaibigan ko lang yun. Mas type ko yung kaibigan niya" namumula kong sabi sabay takip ng mukha ko. Gosh. Nakakabading
"Woah! Si Jihyo? Wow naman! Swerte mo naman! Ang galing niya sa art!" sabi naman ni Sehun
"Yah! Magtigil nga kayo. Rule #1 & 2 . Wag niyong kakalimutan!" paalala ni Manager Jing
"Opo. NO GIRLFRIEND & NO DATING!" sabay sabay naming sabi
-
Tzuyu's POV"Game na!" pagyayaya ko ulit sa kanilang mag practice
"Woah? Himala di ka nagbabasa ah. Nag vo-volunteer ka pa!" di makapaniwalang sabi ni Jihyo
"Naks naman. Inspirado ka ata ah!" panunukso ni Momo
"Hindi ah! Gusto ko lang talaga ma exempt sa exam!"
"Sabagay. Game na!"
Nagpra practice kami ngayon sa isang studio dito sa company nila mama. Pinayagan naman kami agad dahil wala namang gumagamit.
Medyo madali lang yung mga steps na tinuro ni Momo kaya mabilis lang kami natapos
"Paano yung damit?" tanong naman ni Mina
"Saakin na" sagot ko.
"Wow! Yaman ah!" manghang sabi ni Sana
"Sinabi mo pa!" sabat naman ni Jihyo
"Hindi ah!" pagtatanggi ko
"Bukas na yung sayaw diba?" pagtatanong ko. Tumango naman si Dahyun "Tara sa bahay. Magsukat tayo ng damit. Sleepover gusto niyo?"
"Seryoso? Taraaaaa!" nagulat kaming lahat sa sigaw ni Dahyun. Pati si manong guard nagulat din. 'Sorry po'I mouthed. Ngumiti lang yung guard tsaka namin binilisan ang pagpasok sa elevator. Kahiya si Dahyun. Hahaha!
*Ting!*
Pagbaba namin sa may ground floor sakto namang pababa sa hagdan ang EXO
"Woah Tzuyu!" pagbati agad saakin ni Baekhyun. Lumapit naman siya saakin at nakipag fist bomb