First time kong gumawa ng one-shot story. Naisipan ko kasing magtry na gumawa ng sarili kong story.
There's no harm in trying naman diba?,hehe
sana magustuhan nyo. :)
******
One-sided love ba talaga ang nararamdaman ko para kay CJ? Hindi naman siguro masamang pangarapin ang taong gusto mo kahit alam mo namang wala siyang pakialam sayo at wala rin siyang interest sayo. haaayyyy
Hanggang imagination nalang siguro ako pagdating kay CJ malabs.
"Hoy Yannie!, ano ka ba naman, kanina pa ako nagkekwento sayo dito tapos hindi ka manlang nakikinig, parang baliw na ako na kinakausap ang isang taong wala sa sarili!" kawawang eardrums, huhu, grabe naman kasi kung makasigaw tong si Lianne, ang bestfriend ko since elemantary.
andito kami ngayon sa canteen lunch break kasi
"Ay sorry naman po hah, ang gwapo kasi ni CJ eh, hindi siya mawala sa isip ko.hehe" sabi ko
"Ayan kana naman, puro ka nalang CJ, since 1styear highschool pa lang tayo crush na crush mo na siya hanggang ngayong 4thyear
na tayo, siya parin? walang pagbabago?" sabi ni Lianne with matching taas ng kanang kilay niya.
"Sus, anong magagawa ko bhest, ang lakas ng tama niya sakin eh, lalo na seatmate pa kami ngayon, hihi" - ako
"Ewan ko sayo, kumain na nga lang tayo." - siya
***
Excited akong pumunta sa classroom dahil malapit nang magtime at syempre makakatabi ko na naman si CJ koh ^_^
yun nga lang tahimik lang kami pagmagkatabi na kami, nag-uusap lang kami kapag may itatanong ako sa kanya na related sa mga subjects namin.
Kung wala akong tanong at sasabihin sa kanya hindi rin kami nag-uusap. pero kahit ganun okay lang sakin. may pagka silent-type yun eh.
Almost 4years ko na siyang crush,uhmm, pero I think Im inlove with him. hehe
paano ako hindi maiinlove dun eh ang gwapo niya,basketball player siya at siya ang 3pointer sa basketball team ng school namin plus kasama din siya sa top5 ,
tapos ang pula ng lips niya,kissable lips, hehe
anu ba yan,kung ano-anu nalang ang nasa isip ko
^___________________^
hindi ko talaga mapigilang ngumiti kapag naiisip ko siya,
tumingin ako sa direksyon kung saan si Lianne, binigyan nya lang ako ng hwag-kang-masyadong-magimagine look.,alam niya talaga kung sino ang nasa isip ko eh,tss haha
Time na,bakit wala pa rin si CJ malabs? siguro binisita na naman niya yung girlfriend niya o baka may date yun, taken na ata siya eh.,yun ang pagkakaalam ko.
haaaaaay!, ang swerte naman ng girl na yun, wala na talaga akong pag-asa kay CJ.
booooooooorrriiiiing, wala kasi si CJ absent siya, hindi ko siya nakita T_T
pagkatapos ng dismissal umuwi na ako,kasama ko si Lianne.
"haha, bhest absent si crush mo ngayon hah!" sabi ni Lianne, inaasar na naman niya ako.
"heh!, may bukas pa naman at magkikita na naman kami noh."- ako
"sige, sabi mo eh, may date yun siguro kaya absent siya, maganda kaya yung girlfriend niya?" - Lianne
"ay naku, bestfriend ba talaga kita?, hindi halata eh."sabi ko
hanggang sa makauwi kami nag aasaran lang kami, ganun kami eh,haha