[THE MAN]
Sa isang medyo madilim na silid, nakaupo ang isang pigura.Habang ipinupokpok ang dulo ng ballpen sa isang malinis na papel, may nakakubling ngiti sa labi. Kahit di gaanong nakikita ang mukha, maaninag sa mukha nito ang isang mabangis at mabagsik na nilalang.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki.
"Sir ,what are we gonna do?"tanong nito.
"It's time, Rod. Let's open it? "
"Beg your pardon? "nagtatakang tanong nito.
Tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa lalaki. May gumuhit na ngiti sa labi nito.
"Open the classroom at the old building. "
Napamaang ang lalaki. Tila di sigurado sa narinig.
"Matagal nang ipinasirado iyon. 'Wag mong sabihin----"natigilan ito.
"Yes, let's open Section 666."
[SCHOOLMATE]
"Mom!Sinabi ko na sa inyo na ayaw ko sa school na iyon"
Nagdadabog na tugon ni Zurixxche matapos sabihin ng kaniyang Mommy ang tungkol sa University na papasukan niya. Only one week left before the summer ends . At sa tingin ni zurixxche ay dalawang linggo lang iyon. Bakit nga ba? Sa kadahilanang mahigit isang buwan at tatlong linggo siyang nagpabalik-balik mula Amerika hanggang dito sa Pilipinas. Kababalik lang nila galing US ,dahil tagaroon ang stepfather niya na isang Americans national."Zurixxche Claigh Veloso, that's final. At wala ka nang magagawa pa! " saad ng mommy niya.
"Pero mom, wala silang Criminology na course doon. Ma bo-bore lang ako. "
"Kaya nga kita ipapa-enroll doon. Bakit ba kasi gusto mong maging detective? Ano bang makukuha mo 'nyan? Wala namang ibang ginagawa ang mga detective kundi pumunta sa mga crime scene at maghanap ng mga ebedensya. Kapag walang nahanap, gumagawa ng kung anong estorya para gawing alibi!"paglilitanya ng mommy niya.
Suko na siya, wala talaga siyang kapanalo-panalo sa mommy niya, pati hilig niya sinisiraan into. Gusto kasi nitong Business Administration ang ipakuha sa kaniya. At dahil hyperactive siyang tao, ayaw niyang walang ginagawa. Kaya ngayon wala na siyang choice kundi sundin ang gusto ng Mommy niya.
Gusto nitong mag-aaral siya sa University Of Don Ignacio Echavez o UDIE. Natatawa parin siya sa pangalan ng school.
Ang Baduy!!
Nakita ng mommy niya ang isang flyer na binigay sa kaniya ng isang babae sa isang cafe, na nilagay niya sa table ng library nila. Binasa nito iyon at isinuggest nito sa kaniya na iyon daw ang pag-eenrollan niya sa darating na pasukan. Binasa niya iyon at sa lahat ng kurso na nandoon, wala ang gusto niya -----CRIMINOLOGY."Tumawag pala ang tita Nannette mo kanina! "napabaling siya sa kaniyang Ina na abala sa paghahalo ng niluluto nitong adobo, habang siya ay nakapanlumbaba sa dining table.
"Yeah, ano raw sabi niya? "
"Sa UDIE daw niya papasukin si Jhon mher at Mary Jane sa darating na pasukan. "
Napamaang siya. Si JM at MJ ay kambal. At ang pagkagulat niya ay sanhi na napipintong pagkikita nila ng ex niyang dalawang taon na niyang kinalimutan. Kung ano ang dahilan ay di na niya kayang balikan pa.
"Baka may dapat pa kayong ayusin ni Mary Jane, anak"napatitig siya sa kaniyang Ina, dahil sa pagdidiin ng pangalan ng kaniyang ex.
"Please, MOM! I don't want to talk about it. "
"Okay, so sa UDIE ka na papasok ha? "
Heto na naman.
Agad na tumayo siya at tumungo sa kaniyang silid."Yeah yeah.Okay whatever! Tssk."
-Janieyxs
Hi guys ,I hope u like it!