CHAPTER 5 :THE NEW TEAMMATE

12 2 0
                                    

*Zurixxche*

Nakanganga parin ang mga kaklase ko pati na rin ang teacher namin matatapos akong sumagot. Tila di kapani-paniwala
.Napansin ko rin si JM na nakatingala sa akin na nakanganga. Maging si Maxcine na genius when it comes to Science, nagulat. Pero si MJ parang normal lang.

Well, nalaman ko ang sagot mula rin sa libro niya. Kagabi hinalughog ko ang buong school, naghahanap ng ebidensya para matukoy kung sino si Marvie. Magaling akong magkalikot ng mga locks. Nabuksan ko ang office ng faculty sa UDIE. At nabuklat ko ang libro ni sir Kurt dahil tanging iyon lang ang librong nakita ko sa desk nito. Binuksan ko iyon at nakita ko ang nakatuping pahina na may nakasulat about outer space. May sentence at paragraphs na naka-highlight doon. At may nakasulat na "Question for the late of the Day". So,naisip ko na baka-malate ako kinabukasan, minemorize ko nalang.

"Pwede na poba akong umupo sir? "Tanong ko sa professor  naming parang isda na inilabas sa aquarium .

"O-okay.  Sit down,  M-mister V-veloso!. "Anito na makahuma.

Umupo agad ako, pero di ako nakinig. Marami kasi akong iniisp, lalong lalo na sa nakita ko kanina.

Sino kaya ang taong iyon?

Sa tingin ko may kinalaman siya sa kaso ni Anna. Sa pag-iimbestiga ko kagabi wala akong nakitang kahina-hinala sa mga teacher. Nang inilibot ko ang paningin sa buong classroom, napagawi ang tingin ko sa babaeng nasa sulok. It's Zoanne. Magkaklase pala kami? Nang magsalubong ang mga Mata namin, bigla nalang itong umiwas. Suspicious ,huh?  Well, kakausapin ko siya. Maaring may alam siya sa kaso na ito. Hihintayin ko munang matapos ang first period.

Naghintay ako ng isang oras bago natapos ang first subject. Nang nakalabas na si Sir Kurt ay agad itong sumunod. Tiningnan ko lang siya. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi muna ako susunod. Nagpaalam sa akin ang kambal para bumili sa canteen.

May isa pa akong gustong makausap. Ang babaeng nakabangga ko noong isang araw. Noong una akala ko ito at si Anna ay iisa, Hindi pala kambal niya pala ito. Her name is Ynna Mendez. Nagtanong tanong ako tungkol sa kaniya at napag-alaman Kong umalis na ito ng UDIE. Parang may tinatakasan. Sa tingin ko siya ang una Kong suspect, pangalawa ay si Zoanne.  At sa ngayon uunahin ko ang nasa malapit. Nawala ang isip ko sa paggawa ng plano ng may nambatok sakin. At alam ko na kung sino.

"Dora, ang lagkit mo kung tumingin sa chicks ah! Lumalabas 'yang pagkamanyak mo! "Nang-iinis na sabi ni Maxcine.

"Tomboy ka ba? "tanong ko. Nawe-weirduhan na ako sa babaeng 'to. She has a complex personality, mahirap siyang i-describe if she's straight or not. At dahil sa tanong ko, nakatikim na naman ako ng suntok.

"Sira ka ba? Straight ako no! "naka-ingos na turan into.

"May babae bang nanununtok? Nambabatok? Eh, physical bullying na itong ginagawa mo sakin! "angil ko rito.

"O siya, di na ako mananakit. Pero, may gusto ka ba noon sa babaeng iyon?....Hoy!! baka malimutan mong may kaso pa tayong iso-solve! Tapusin mo muna!! "akala ko nalimutan na niya ang kaso ni anna, di pa pala.

Teka.... Para di ako mahalata na nag-iimbestiga tungkol kay Anna sa harap ni Zoanne, at para makausap  ko siya at para di niya isipin na may gusto ako sa kaniya kaya ako lumalapit.... I need a girlfriend. Yung kunwa-kunwari lang. Pero sino?  Di pwede si MJ, may past kami at ayaw ko nang balikan 'yun. What if si Max? Yes! Si Max, dahil sa tingin ko tibo ang babaeng to.

"O, anong nginingiti-ngiti mo diyan? Ano na namang  kademonyohan ang naiisip mo? "curious na tanong nito.

"Well, may ipapagawa ako sayo! "hinila ko siya palabas. Aakto sana itong babawiin ang kamay pero hinigpitan ko ang paghawak sa kaniya "Wag ka nang kumontra. Just play nice. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLOSE CLUESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon