Chapter 1 : THE NOTE

31 3 0
                                    

*Zurixxche*

So ,ito pala ang UDIE.
Sa nakikita ko parang mas maganda pa ang UP. Dahil kanina lang, pagpasok ng kotse namin, sira-sira na ang gate niyon. Idagdag pa ang maraming building na may kalumaan na, at sa tingin ko ay mga classrooms. Lahat ng iyon ay two-storey.

Tssk. Mas gusto ko pang bunalik sa Amerika, kung bakit pa kasi palipat-lipat ng tirahan. Hmmmm........

Habang naglalakad at patingin-tingin sa mga building, di ko namalayan na may makasalubong pala ako.

"Hey! Tumingin ka sa daraanan mo!"asik nito sa akin ,na isang babaeng parang nagmamadali ,nahulog tuloy ang gamit niya.

Kapag minamalas ka nga naman.
Ano ba'to? Puro kamalasan ang hatid ng university nato sakin! Shit! Una, ang napipintong pagkikita namin ng ex ko.
Pangalawa nabangga pa ako at kailangan ko pang kunin tong dala kong kahon. At ang babae!!ni hindi man lang ako tinulungan , fuck that face!
Nilingun ko ito at nakita kong parang takot ito at walang tigil sa kalilingon sa likod, animoy may sumusunod sa kaniya, kaya kung kani-kanino siya nababangga,.  Tssk,Weird Girl!!

Susundan ko pa sana ng tingin ang babae nang biglang may nambatok sa akin. SHIT! Sino 'tong pangatlong  malas sa buhay ko?  Nang lingunin ko ito, ang mukhang nakita ko ay walang iba kundi si Maxcine Andrea Romualdez.  Ang talagang malas sa buhay ko.

"Hoy!  Dora, dito ka rin mag-aaral? " anitong nakangisi pa.

Nakaugalian na nitong tawagin akong Dora. Ang dahilan nito ay dahil lagi daw akong may dalang bagpack.   Eh, ano naman kung may dala?  Bakit Dora? Pwede namang Diego.

"Nakita mong nandito ako, natatanong kapa? " panonopla ko.

"Eh ,baka napasyal lang "

"Kita mong may dala akong kahon"

"Eh,  Malay ko ba?  Baka relief goods 'yan"

"Mukha bang Evacuation Center ang school na ito?"

"Bakit sa Evacuation Center lang ba pwedeng magbigay ng relief goods? " pagmamaktul nito

"Tch. "

Siyempre, di na ako nagsalita baka bukas pa kami matapos. Agad na tinapos ko ang pagkuha sa mga gamit ko para pumunta sa dorm ko.  At sunod ng sunod parin ang baboy sa likod ko.      Di ko na siya pinansin. Isa lang ang nasa isip ko, ang magpahinga at matulog sa malambot na kama.

*Maxcine*

Ang exciting ng school days!  Puro ko kasi kakilala ang mga transferee sa school year na ito.
Lahat kasi sila schoolmate ko sa dati naming skwelahan. Una, sina JM at MJ, iisa lang ang room naming tatlo . Lahat kasi ng room doon , lima ang pwedeng mag-occupy at ang pang-apat ay itong si Dora, na walang ibang ginawa kundi sumimangot.

"Hoi! Dora, baka nangangawit ka na diyan sa dala mo? " baling ko sa kasama Kong nagkadaugaga sa pagbitbit ng dalawang kahon.

"Kaya ko ito! "giit nito.

"Mukhang di mo kaya, eh tulungan na kita. "pagbobulontaryo ko parin. Mukha kasing nahihirapan ito.

"Bingi ka ba? Sabing kaya ko nato!  "giit parin nito.

Hahaha, ano bang problema ng Dora nato ?tssk, baka nawawala ang mapa, di alam kung saan ang punta, Bwahahaha don't  worry dora ,you don't need the map cause I'm the map!

Walang sabi-sabing kinuha ko ang isang kahon at nagmamadaling tumakbo.

"Hoy!  Baboy! Bumalik ka! Ang gamit ko!" narinig ko pang sigaw niya.
Mataba ako pero maganda pa Kay Mary Jhen Tssk. Diko na siya pinansin tumakbo na ako patungung room namin.

CLOSE CLUESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon