Angel is a 25 year-old girl, a born angel. A literal one. She had wings na na-kokontrol nya at pwede niyang itago at ilabas kahit anong oras. She didn't know kung ano ang dahilan bakit meron siyang mga pakpak. True. It's very much impossible for an ordinary person na magkaroon ng ganito. Pero hindi, Angel has them.
Maganda si Angel, yung gandang nakakabighani dahil may ma-amo itong mukha. Iba ang charm nito pero yun nga lang, hindi siya ganoon kahilig sa pag aayos. Kaya naman, meron siyang buhaghag na buhok na medyo may wave din. Mahilig din itong magbasa ng libro, halos lahat na yata ng library sa lugar nila ay napuntahan na niya. Kaya lang, hindi ito nakapagtapos ng college dahil hindi na natustusan ang kanyang pag-aaral.
And so she looked for answers sa mga libraries na napuntahan niya. She would read myths and legends, goddesses, and stories about fallen angels. Pero alam niya na hindi dapat siya naghahanap ng kasagutan sa mga lugar na ito. Alam na alam niya kung saan dapat siya naghahanap. Alam niya kung sino ang hahanapin niya, yun ay ang tunay na mga magulang niya.
Pero wala siyang time para gawin ang bagay na iyon, Lalo na't sobrang abala ang dalaga sa paninilbihan sa mga inakala niyang tunay na pamilya niya.
YOU ARE READING
DAMSEL: Angel's Wings
FantasyI'm Angel Almonte, a 25 year old half-human, half-being. Charot! Half-human kasi tao ako. Half-angel kasi, may pakpak ako. As in literal na mga pakpak! Alam ko na-iintriga kayo kung bakit ako may pakpak. Ako rin nga naiintriga kung bakit ako meron...