A damsel's morning

1 0 0
                                    


"Angel, bumaba ka nga at buksan mo yung store." Sabi ni Mrs. Martha Almonte, ang ina ni Angel, habang ito ay may kausap sa telepono.

"Opo ma, pero pagkatapos ko nalang pong maghugas ng mga pinggan. Malapit na po akong matapos."

Hindi ito nagustuhan ni Mrs. Martha ang kanyang sinabi kaya nilapitan niya ito at hinawakan ng mahigpit ang kanang braso ni Angel.

"Alam mo, Angel, na kapag may sinabi akong gawin mo, gawin mo agad. Buksan mo na yung store." Kasabay ng mahinang tulak sa kanya. "Buti at may hawak kang mga pinggan ko kundi, di lang yan aabutin mo sa akin."

"Sorry po." Dali-daling nagpunas ang dalaga sa kanyang mga kamay.

"Ang aga-aga pinapainit mo ang ulo ko."

Pababa na si Angel ng makasalubong ang kanyang ka-edad at tunay na anak ni Mrs Martha, si Kris.

"Oh ang aga aga mo atang umuwi, Kris." Sambit ni Angel. Hindi umuwi si Kris kagabi kaya nasabi niya ito.

"Eto nanaman..ang pinaka-pakealamera. It's none of your business, fallen angel." umismid si Kris sa kanya. Padabog ito habang pa-suray-suray ang pag akyat sa hagdan.

Kris is a carefree woman and a very pretty on. Mas maganda ito kay Angel, alam niya iyon. At kahit meron siyang desenteng trabaho, she would sometimes, well most of the time, umaga na kung makauwi. And yes, "fallen angel" ang minsa'y tawag nito sa kanya. Alam din ni Kris ang katotohanang merong mga pakpak si Angel. 

Noong una ay takot sila kay Angel at baka magsumbong ito na hindi maganda ang trato nila sa dalaga. Pero kalaunan ay nawala ang takot na iyon dahil alam nilang hindi kaya ni Angel ang gawin iyon at mas lalong takot itong isiwalat ang totoong pagkatao nito.

Hindi napansin ni Angel na sinundan pala siya ni Kris sa store. Isang stationery and book store ang negosyo ng pamilya Almonte. Kaya naman nakahiligan ni Angel ang pagbabasa ng libro.

"Alam mo Angel, ganda mo sana. Kaso medyo, tanga ka lang. Lalo na dyan sa boyfriend mo." Patawang sabi ni Kris. "All right, it's none of my business. Haha, well goodluck! Just a "not-sisterly" reminder."

"Anong tungkol kay.." hindi na natapos ni Angel ang sasabihin pagkat nakaakyat na si Kris.

Hindi na rin ito inisip ang sinabi ng dalagita. Umakyat na rin ito at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DAMSEL: Angel's WingsWhere stories live. Discover now