Once upon sa Jeepney

25 0 0
                                    

"RAAAAAIIIINNN GISING NAAAA!!"
Jusko ayan na naman si mama kala mo walang kapitbahay kung makasigaw

Monday na naman at ibig sabihin may pasok na naman HAYTH! Ang sakit pa ng mata ko pano napuyat napasarap ang pag lalaro ng LOL hanggang 3am

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at dumeretso sa kusina

"Anooo pano pa ko makakakain eh wala na -,-" tumayo na lang ako at nag ayos ng gamit

"Sige ma pasok na lang ako" kinuha ko na yung bag ko at umalis dahil 15 mins. Nalang ay late na ko.

Inayos ko na lang yung buhok ko habang naglalakad ako sa daan papuntang sakayan ng jeep.
Lagi akong sumasakay sa mga wala pang tao na jeep para masarap ang tulog ko.

"Kuya bayad po istudyanteng pogi hihi"
Wala kasing tao kaya malakas loob ko.

Pag sumasakay ako ng jeep nakakatulog na ko pagkatapos dumaan ng jeep sa DELPAN street kasi lagi akong nagbabaka sakali na makita ko yung crush ko si MEGAN ka school mate ko at one year ahead sa akin.

"Oh PACO PACO PACO!" Sigaw
ng driver habang nagtatawag ng pasahero

At ayun na sya si MEGAN ang girl of my dreams. Ang perfect ng bagsak ng buhok niyang mahaba. Ang kinis ng legs niya kahit mahaba ang palda. Yung pag bukas at sara ng mata niya akala mo slow motion. Ngunit kapansin pansin ang pagkalungkot sa muka niya na ni minsan hindi ko nakitang nagbago.

Sakto namang sumakay din sa jeep na sinasakyan ko si Megan. Na tila bang nawala yung gutom ko.

"Megan" di ko namalayang sabi ko

"Ha?" Sabi niya

"Ha? Bakit wala naman akong sinasabi ah baliw ka ba teh?" Naku anu ba tong mga lumalabas sa bibig ko jusko. Ang EPIC FAIL ko lage. Ako na ata ang taong pinaka awkward sa mundo.

Umirap sya at tumingin sa kabilang direksyon at naka masid sa bintana.
Pero sa sinpleng ganun ang talaga ng tama ko sa kanya. At siguradong di na ko makakatulog.

Ang dami kong tanong sa isip ko habang nakatingin sa kanya. na kung bakit lagi syang malungkot o galit sa mundo siguro araw araw siyang may period haha. Pero bakit nga kaya.

At nakarating nadin sa school sa wakas. Pinapauna ko si Megan ngunit inirapan lang ako.

Sa totoo lang marami na kong bad shot moment dito eh. Isang beses nga siguro puyat tong si Megan. Eh sakto kasama ko yung kaklase ko sa jeep. Mahimbing ang tulog ni Megan sa sobrang himbing mejo tumulo na yung laway niya. Unang tumawa yung kaklase ko. Pinipigilan kong tumawa talaga kaso di ko nakayanan "hahahahahaha lawaaay" ang lumabas sa bibig ko nung pagkakataong yun. Sa kasawiang palad nagising ko si Megan. at binigyan ako ng malatigreng tingin. Hays awkward na bad shot pa.

"Ate MAAAAAY waaaiiit" sigaw ko sa lady guard namin dahil sinasara niya na yung gate.

"Hay naku pasaway ka talagang bata ka" sagot ni ate may sabay pinapasok ako. Ganun talaga pag pogi haha

Dahil sa pag takbo ko upang makaabot at di mapagsarahan ng gate di ko na napansin si Megan. Kaya tumingin ako sa pila ng mga late pero wala siya.
San kaya sya nag punta?

Buong araw akong napapa isip talaga tungkol kay Megan. San kaya siya nag punta?

Nung lunch break nga namin hinanap ko sya sa corridor ng girl's building kung san sya laging nakatambay pero wala siya dun.

Madalas siyang di pumapasok lalo na kung malalate na sya. Bakit kaya ano?

Pag uwi ko ng bahay nag online agad Ako sa fb at nakakita ng isang himala
"Megan Reyes confirmed your friend request ......."

Once upon sa JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon