-One-
Buti nalang mabilis magpatakbo yung tricycle driver na nasakyan ko. Kaya lang hindi siya kasing gwapo ni Troy kaya malabong magkagusto ako sa kanya tulad ng pagkagusto sa kanya ni Ela. But I’m not closing my door with them, malay mo. You can never tell.
At dahil maaga pa ako ng 10 minutes, umakyat kaagad ako sa room ko. Grabe, pagpasok ko palang andami ko na agad nakitang prospect. Ang daming magagandang nilalang na matatagpuan ditto.
At dahil expected ko na madami akong makikita ditto, may criteria ako na kailngan ipasa ng mga lalaki para magustuhan ko sila:
[ ] Gangster/Casanova/Pervert
Syempre, unang una yan sa list ko. Hindi pwedeng mawala yan. Kasi yan naman talaga ang pakay ko sa pagpasok ditto. This is my mission. Kailangan mainlove sila sakin, pero hindi ko wawasakin yung puso nila, tulad ng gustong gawin ni Nami dun sa nabasa kong kwento.
[ ] Lub. Dub. Lub. Dub. Lub. Dub and butterflies
Gosh, kailangan maramdaman ko din itong mga ito! Iniisip ko palang na titibok ng ganito puso ko, naeexcite na ako, kailangan ba 548 yung hearbeat ko? Baka mamatay naman ako nun. Tsaka yung butterflies, gusto ko maranasan yun. Sikreto lang natin to, pero NBSB kasi ako, strict parents e.
[ ] Bestfriend
Kailangan ko din pala ng bestfriend. Mukhang mahihirapan ako ditto. Kasi pagpasok ko palang kanina, ang sama na ng tingin nila sakin. Ang init ng pagtanggap nila, para silang naasiwa na ewan. Pero wala akong pakialam. Mga inggit lang sila.
Sa totoo lang, yang tatlo lang naman na yan ang hanap ko. Kapag nakumpleto ko yang tatlo na yan, solve na ako. Pwede ko na masabing worth it ang isang taon na ipapasok ko as HS student.
“Hi!” bati sakin ng isang lalaki
“Hello!” sabi ko naman, be nice. First day ko kailangan ko makakuha ng friends. Ang hirap ng walang kaibigan.
“New student ka din ba?” tanong niya sakin. Actually cute siya e. may dimples at ang puti with his chinito eyes. Kaya lang parehas kami, may braces at nerdy ang itsura.
“uhh. Yeah! Shanna nga pala” I extended my hand.
“Chris. Pero Christopher real name ko. Buti nalang may nakilala agad ako, ang hirap naman kasi makipagkaibigan sa kanila, masyadong matataas ang tingin nila sa sarili nila” Sabi niya sabay ngiti. Ayos to! Mukhang may magiging bestfriend na agad ako aa! One down! Mamaya kapag recess na, tsaka ako maglilibot at hahanapin ko si happiness!
Nagkwentuhan lang kami ni Chris, actually, magaan loob ko sa kanya, kasi siguro, parehas kaming scholar? Kung ako 100% scholarship, siya naman 75%. Siya pala yung pangalawa sa akin na nakakuha ng mataas na percentage sa ranking.
“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!” natigil yung usapan naming nung may narinig kaming magiritan.
“nandyan na sila! Shocks! Buti nalang ditto sila napunta sa section natin!” sabi ng babae na kinikilig kilig pa.
At syempre, dahil malakas yung radar ko, may nasense agad ako.
“Ito na ata sila.” Bulong ko sa sarili ko
“kilala mo sila?” tanong sakin ni Chris.
“aa.. hindi e.”sabi ko. Hindi ko naman kasi kilala, hello. Parehas kaming transferee.
Hanggang may pumasok na isang matangkad na lalaki. Unang tingin mo palang sa kanya, maangas na. may hikaw nga siya sa tenga e. bawal yun ditto sa room.
“Grabe! Ang bango ni Prince Gino ano?!” sabi ng mga babae sa harap ko. Dumaan kasi sa harap nila yung Prince Gino na yun. Sayang, di ko naamoy.
“Gino Sy, ang babaero sa grupo. Madaming nagkakagusto diyan, habulin e. pero stick to one” sabi ni Chris.
“ ayan naman si Warren Sevilla, matalino at member ng varsity” sabay pasok ng isang Moreno na lalaki, medyo ,mas matangkad ako sa kanya. Pero ayos lang, gwapo! Tall dark and handsome.
“ano tawag sa kanya ditto?” tanong ko curiosity
“Prince Ren. Yan naman si Jean*pronounce as John* Macabasco. Ang pinakajoker sa grupo nila, madami din nagkakagusto diyan, pero taken na.” sabi ng katabi ko. Nakatingin lang ako sa mga naggwapuhang lalaki na dumadaan sa harap namin.
“last but not the least, si Prince Trix. Trixel pangalan niya, pero ayaw niyang patawag ng ganun, kasi ang bading daw pakinggan, pero tahimik lang yan. Tulad sa iba, habulin silang lahat. Sikat sila sa buong school, kasi bukod sa mayaman, pareparehas silang model.” Sabi niya, shock naman ako dun.biruin mo may kaklase akong apat na naggagandahang lalaki.
“uy Chris! Andito ka na pala! Sipag natin aa!” sabi nung sino nga ba to. A si Prince Jean. Hala ka, nakikiprince na din ako.
“welcome back Pre!” sabi naman nung Ren.
Kung kanina, hanggang tingin lang ako, ngayon naman, nasa harap ko na silang lahat! Letche! Duduguin ako ditto e. ang sasarap nilang lahat tignan. Mga anghel na nakapalibot sakin at nakangiti.
“siya pala si Prince Chris na sinasabi nila” narinig kong bulungan sa likod. So, ang nerd na sinasabi ko kanina, ay isa rin palang Prince sa school na to. Gosh, ang tigas ng mukha ko. Pero ang bait niya sakin kanina. Oh my! Kaibigan ko, sikat! YES!
“Okay Class! Go back to your seat na. We are going to start our class. Ako nga pala si Sir blah blah blah” pogi ni Sir, kaya lang wala akong interes sa mga mas matanda sakin.
Imbis na making ako, bumulong ako sa katabi ko.
“hindi mo sinabi na isa ka pala sa mga Prince ditto, kaya pala ang dami mong alam Prince Chris.” Sabi ko sa kanya
“wag mo nga akong tawaging Prince, nakakailang, isa pa di naman kami prinsepe, yung mga fans lang natawag samin niyan” sabi niya ng pabulong
“e fans niyo ako, kaya Prince na din tawag ko sa inyo, ang galling din ng grupo niyo” sabi ko sa kanya. Mukha siguro kaming baliw, magkatabi lang kami, nagbubulungan pa.
“ano ka ba?! diba magkaibigan tayo? Kaya Chris nalang.” Sabi niya sabay killer smile na nakakamatay.
“Oh, I guess, may nakikisabay sa discussion ko ditto sa harap. Care to share something Miss?” narinig ko nalang na sabi ng Teacher namin, nung una, di ko gets, pero nung nakita kong lahat sila nakaharap sila sakin, naintindihan ko na.
“sorry sir” sabi ko nalang/
“since na excited ka naman na makipagusap, sa’yo na natin sisimulan ang pagpapakilala.” Sabi niya.
“ uhm, aah. Good Morning guys, I’m Shanna Reyes, 15 years old nakatira diyan sa University Dorm” nagulat ako ng pumalakpak si Prince Ren, hala ka! Bat siya pumalakpak. Nagpalakpakan din tuloy yung ibang classmate ko.
“Guys, ako nga pala si Warren, 15 years old, from the beautiful place of Manila” sabay nagtawanan ulit yung mga classmate ko. Grabe, ganito pala ditto, ginagawa nilang biro. Pero at least Masaya.
Ganito lang ginawa namin buong araw, pakilala ditto, pakilala doon. So, far, inaalalayan ako ni Chris. Sasamahan niya nga ako mamayang lunch e.
A/N:
Sana suportahan niyo itong bago kong gawa. Tulungan niyo ako ipakalat. HAHAHAHA
Vote. Like and Comment! :) Salamat
BINABASA MO ANG
-==The Cliché Story==-
RomanceShanna is a reader of stories in Wattpad. She's a hopeless romantic girl whom she believes that she can find her true love by doing what's all been written in the stories that she have read. Let's see if she will succeed for the search in her Gangst...