Grab car(2)

349 4 0
                                    

After 2 years

"Malapit na ako Love wait lang talaga"
Sabi ko at tumakbo na papuntang Resto

Pagpasok ko nakita ko kaagad ang Fiance ko.

"Love,Sorry talaga traffic" Sabi ko and gave her a peck in the lips

"Okay lang love,Tara kain na tayo" Sabi nya

She is my Fiance Alyssa Valdez

Yup,Bago ako matulog nung araw na yun tinext ko na agad sya and as the tine goes by Naging textmates na kami.After almost 5 months na naging friends kami I asked her if pwede ba akong manligaw sakanya and she said yes naman then halos 7 months ako nanligaw sakanya bago nya ako sinagot.

Then nung Anniversary namin na last month nag propose na ako sakanya cause I'm sure na sya na talaga ang the one ko and buti nalang she said yes and next month ay ikakasal na kami sa ibang bansa

Basta ang sure ako.I'm ready to build a family with my Alyssan

After naming kumain dumeritso na kami sa condo nya

Ako na ang nagdrive.

"Love?"Tawag nya kaya tumingin ako sakanya saglit at pinaginterwine ang kamay namin bago sumagot

" Hmmm"

"Gusto ko love na bago tayo bumalik sa pilipinas mag pa IVF na at gusto ko ako ang magbuntis,Okay lang ba sayo yun love?"Tanong nya kay napangiti naman ako

Gusto na din nyang magkapamilya

"Oo naman love,Naisip ko na din yan eh.Pero love" Nagred light naman kaya tumingin na ako sakanya

"Pero ano?"Tanong nya ng nakakunot noo

"Pwede bang mauna mamaya ang honeymoon?"Sabi ko at tinaas baba pa ang kilay ko kaya nakatanggap ako nang malakas na hampas at namula naman sya

"Love naman eh ang dumi ng utak mo.Siguro katawan lang habol mo sakin noh?!!"Sigaw nya habang naka pout pa kaya natawa ako.

" Oo naman!Sarap eh"Pagbiro ko sakanya kaya binawi nya yung kamay nya at sumimangot

"Bahala ka sa buhay mo!Break na tayo"Sigaw nya sakin habang nakasimagot pa

Sakto namang nandito na kami sa condo nya kaya tumingin na ako sakanya

"Love" pag tawag ko pero hindi nya ako pinansin kay nag side hug ako sakanya habang naktingin sa mata nya

"Love,Alam mo namang mahal kita hindi dahil sa katawan mo pero dahil ikaw ang tinitibok ng puso ko.Hindi ako nagpakahirap manligaw sayo para lang dyan sa katawan mo kundi dahil ikaw ang gusto ko ang gusto kong makasama habang buhay at ikaw ang maging mommy ng mga anak ko at higit sa lahat gusto ko ikaw ang katabi ko sa kama habang nakahawak ako sa kamay mo tapos maputi na ang buhok natin at inaantay na kunin nya tayo.Gusto ko ikaw ang katabi sa huling hininga ko.Mahal na mahal kita love" sabi ko sakanya kaya nag blush naman sya

"Yiee si love kinikilig"Sabi ko at kumalas sa pagyakap

"Oo na ikaw na sweet pero Mahal na mahal din kita love" Sabi nya at hinalikan ako sa labi

Bumaba na kami ng kotse at magkahawak kamay na pumunta sa condo nya

Pagkalabas namin ng elevator may nakita kami sa harap ng unit nya na nakatayong babae

Matangkad.Maikli ang buhok.Maputi at Maganda

Pag kakita ng babae kay alyssa bigla itong tumakbo at niyakap si aly pero hindi binitawan ni aly ang kamay ko

"Babe" Tawag nya kay Aly kay kumunot ang noo ko at kumalas naman si aly sa yakap nya

"Mika"Cold na sabi ni Aly kaya napatigin naman ako sa babae

So ikaw pala si mika reyes

"Babe please sorry talaga babe hindi ko sinadya ang nangyari samin ni Jerome.Please babe it was all a mistake.Bumalik kana sa akin babe.2 years ka nang nawala at hindi ko kayang mabuhay pa mas tumagal pa" Sabi nung mika at tumulo na yung luha nya

Kapal ng muhka nito hindi nya ba ako nakikita at yung kamay namin ni Ly na magkahawak

"The time na nakita ko kayo Mika lumuhod ako sa harap mo at nagpakaawa para sabihin mong hindi mo iyon sinadya pero wala kang sinabi ni hindi mo nga ako pinigilan umalis nun eh tapos ngayon babalik ka at sasabibin na mahal mo pa ako tapos gusto mo maging tayo ulit.Aba!Ang kapal naman ata ng muhka mo nun"Galit na sabi ni Ly kaya mas lalong umiyak si Mika

" Please babe kung gusto mo ako ang manliligaw babe and papatunayan ko na mahal na mahal kita babe"Sagot naman ni mika

"Pansensya na mika pero hind na kita mahal"Sabi ni Ly at tumigin sakin kaya napatingin narin sakin si mika

"Mika,She is Dennise Michelle Lazaro ang Fiance ko and ikakasal na kamj next month.Pasensya kana mika dahil hindi ko kayang ipagpalit ang taong mahal na mahal ko para lang sa taong linoko at sinaktan ako.Nakamove on naka ako mika kaya sana mag move on ka narin" Sabi ni ly at ngitian ako kaya ngumiti narin ako

Pag tingin ko kay mika para namang naguho ang mundo nya sa sinabu ni Ly

Kung ibang tao sana sya maawa ako sakanya pero ang mahal ko ang gusto nyang makuha

"Papasok na kami mika" Sabi ni aly

Tumigin naman ng masama si Mika sakin kay kumulo ang dugo ko

"Nga pala mika thank you dahil hindi mo pinigilan si Aly nung araw na yun kaya dahil sayo nagkakilala kami.Thank you for giving me my Soulmate"Sabi ko at ngitian sya ng peke at mas lalong sumama ang tingin nya sakin

" Bye bye"Sabi ko na para pang nangaasar kaya napikon na din sya

Pumasok na kami ni Aly sa condo

Pagkasarado ko ng pinto hinalikan agad ako ni Aly kaya tumugon narin ako

"I think tama ka mas maganda kung mauuna ang honeymoon" Sabi nya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko at hinalikan ko ulit sya

Tama nga ang sabi nila darating at darating talaga ang taong para sayo sa tamang panahon

And I'm excited to start a family with my fiance alyssa valdez

I never thought that one of my passengers is my soulmate and I'm lucky to be alyssa's Grab driver

The End

Imagination (UAAP One shots)Where stories live. Discover now