KYLE'S POV:
"MAHIRAP BA SAYONG UMUPO NALANG DYAN NANG WALANG SINASABI!?" malakas na sigaw ko sa kanya
"Eh bakit ka sumisigaw?" naiinis na tanong naman niya sakin
"Ang kulit-kulit mo kasi" mahinahon na sabi ko nalang sa kanya
I tried my best to stay calm!
I swallowed my pride and kept doing things that I had never done before, which made me cringe at my own actions.
"Anong ako ang makulit? Di ba sinabi ko sayo kanina na mag driver ako at di ko kailangang sumabay sayo pero ikaw yung nagpumilit na sunduin ako" naiinis na sagot niya sakin habang nag drive ako
Okay pa kanina kaso napuno na talaga ako nung bigla niyang sinabi na ipadrive nalang daw namin sa driver niya yung sasakyan dahil sa wala siyang tiwala talaga sakin.
Ako na nga itong nag magandang loob na sunduin siya pero ganto pa ang ipapalit niya sa kabutihan ko.
Sinubukan kong maging mabait at malamig ang ulo kaso hindi ko na talaga kayang mag pigil.
"I woke up early just to come and pick you up on time at your house because I don't want you to regret your decision! I was being nice to you, but instead of thanking us, you just discriminated against my driving skills!" naiinis na sabi ko sa kanya habang patuloy ako sa pagmamaneho
Naka sakay na siya kanina dito sa sasakyan ko nung bigla niyang sabihin yun at maliitin yung kakayanan ko mag drive.
Ewan ko rin pero naiinis nalang talaga ako kasi sobrang kulit niya. Yung ayaw talaga niyang magpatalo! Tapos akmang bababa na sana siya sa sobrang inis sakin pero agad ko namang pinatakbo yung sasakyan ko para di na siya makababa. Kaya hanggang ngayon nagtatalo pa rin kami dahil sa ginawa ko.
"I have my own reason why I don't want to ride in the same car with you" seryosong sabi niya at sakto namang naka red light kaya nama lumingon ako sa kanya
"What is that?" curious na tanong ko naman sa kanya habang seryosong naka tingin sa kanya
"Sa totoo lang kinakabahan kasi ako dahil baka mamaya may makita satin sa school! At ayaw kong mapag-usapan! Ayaw kong nasa akin na naman ang atensyon nung mga ibang students" seryosong sabi niya sakin kaya naman napangiti nalang ako dahil sa itsura niya ngayon
"Kahit naman hindi ka sumabay sakin palagi ka namang pinag-uusapan sa school! At kahit na ano pang gawin mo sayo pa rin naka baling ang atensyon nilang lahat" sagot ko naman sa kanya kaya tuloy siya napaisip
And when the traffic light turned green, I started driving again, and she stayed quiet.
"Don't worry, because they will never dare to create an issue about us because they are all aware that I have a girlfriend, and even if I don't, they know that you don't match my type of girl" seryosong sabi ko sa kanya habang nagmamaneho
"Whatever!" sarcastic na sagot naman niya habang magkasalubong yung kilang niya kaya naman ngumiti nalang ako dahil sa para siyang bata sa itsura niya ngayon
"Basta ibaba mo ako dun sa may kanto before ng school" sabi niya ulit kaya tumango nalang ako
Kahit kailan talaga napaka arte nitong babaeng to!!
ALYANNA'S POV:
Habang patuloy sa pagmamaneho itong kasama ko ay hindi ko maiwasang mainis dahil sa kanina pa kasi siya bumabahing baka mamaya mahawa pa ako sa virus na kung anong meron siya.
"Ano ba!" naiinis na suway ko sa kanya tsaka ko siya inabutan nang tissue
"Paano kasi pumasok ka lang dito sa kotse ko bigla na akong sinipon!" seryosong sagot maman niya sakin kaya ngumisi ako