The story

592 20 30
                                    

"Kyna, If I die. will you still love me?" sabi nya habang tinitingan ang mga bituin sa langit. Magkatabi kayong nakahiga sa damuhan habang tinitingnan ang langit.

Nagulat ka sa tanong sayo ni Luhan. Pero ngumiti ka pa din at sinagot yung tanong nya.

“Luhan naman. Alam mo namang ikaw lang yung mamahalin ko diba? Naalala mo pa ba yung wish natin? Sinulat pa nga natin yun sa mga lock natin sa Namsan diba? Tutuparin ko yung wish kong yun.” Sabi mo at ipinikit ang iyong mga mata para maalala bawat detalye ng nangyari sa araw na yun.

*flashback

Masaya kayong sumakay sa elevator para makapunta sa Namsan Tower. Unang beses mo palang kasi pumunta dun at si Luhan ang kasama mo.

“Waahhh.. Ang ganda naman dito.” Sabi mo nang makita ang view ng Seoul mula sa namsan tower.

“Nakikita mo ba yun?” sabi ni Luhan at tinuro yung beach na kitang kita ninyo.



“Dyan tayo magpapakasal. At sa araw na yun gusto ko suot suot mo ang wedding dress ng mama mo.” Nakatingin ka lang kay Luhan nung sinabi nya yun. Habang nakatingin ka sa kanya ay tumingin din sayo sayo at nagsmile. Bigla kang nagblush sa eye contact nyo. Isang ngiti lang nya buo na ang araw nyo. Isang ngiti lang nya nagbablush ka na. Ganyan mo sya kamahal. Even small acts of him make you love him more.

“Tara, may ipapakita ako sayo.” Hinatak ka nya papunta sa isang lugar na puno ng mga hiling at pangako ng mga tao. Hinawakan mo yung isang lock dun.

“Ano to?” tanong mo sa kanya. Hinatak ka na naman nya saka pumunta kayo sa nagtitinda ng mga lock. Pumili si Luhan ng lock at ganun din naman ang ginawa mo. Matapos nyong bilhin yung mga lock na napili nyo ay sinulatan nyo yun ng mga wish ninyo.

“Anong sinulat mo?” tanong sayo ni Luhan.

“Sana makasama ko si Luhan habambuhay.” Pagkasabi mo nun biglang lumungkot yung mukha nya. Alam nya kasi na malabong mangyari yun. Alam nya na yung wish mo, mananatiling wish nalang habambuhay. Nalaman kasi nya na may taning na ang buhay nya at ilang months nalang sya mabubuhay.

“Ano Sayo?” tanong mo sa kanya.

“Simple lang. Gusto kong makapunta sa inyo. Sa pilipinas.”

*End of flashback

 

Minulat mo yung mga mata mo at napangiti sa naalala mo.

“Luhan.. Bukas diba 2nd anniversary na antin? May 10 na diba bukas? Pumunta ulit tayo dun.. Bawat anniversary natin pumunta tayo dun. Bawat Anniversary natin pumunta tayo dun!” Excited na excited mong sabi.

“Y—“

 

“Omo! 10:12 na! Tara uwi na tayo!” Hindi nya natapos yung sasabihin nya ng bigla kang nagsalita at tumayo.

“S-sige” sabi nya at tumayo na din.

Habang naglalakad kayo papunta sa kotse nya, may binigay sya sayong red rose.

“Kyna, gusto kong ibigay sayo yan para hind mo makalimutang mahal kita. Please don’t forget that.”

 

 

“Luhan, Bakit kung magsalita ka dyan eh parang aalis ka?” nagtataka ka na kasi sa mga pinagsasabi ng boyfriend mo.

How I lost him (Luhan One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon