Even If It Hurts (One-Shot)

13 3 3
                                    

Even If It Hurts (One-Shot)


Masaya ako. Walang mapagsidlan ang saya ko. Gusto kong magmura dahil sa labis na saya. Ngunit sa hindi ko sinasadyang pagpikit ay ang pagtulo ng luha kong pilit kong pinipigilan. Kabaliktaran ng sinasabi ko ngayon ang tunay kong nararamdaman. Ang sakit na paulit-ulit sinasaksak ang puso ko ay nakakapanghina ng husto.

"Sinagot ko na siya, Ate! Kung makikita mo lamang ang saya sa mga mata niya ng marinig niya iyon mula sa akin!" Masayang saad ng nakababatang kapatid ko sa akin na nakakapalungkot sa akin.

How can I be happy? Kung ang taong minamahal ngayon ng pinakamamahal kong kapatid ay ang lalaking minamahal ko ng higit pa sa buhay ko.

"I... I am glad to hear that Joseanna. You look good together." Halos pumiyok ang boses ko sa pagbanggit ng katagang iyon.

"Pero 'wag mong sabihin kay daddy ha? Baka magalit 'yun." Mahinang saad niya.

Tumango ako at nginitian siya. "Oo naman bunso. Love ka ni Ate e," Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang kanyang pisngi. "Now, sleep baby. You need to sleep."

Nginitian nya ako bago dahan-dahang pumikit. Kinumutan ko siya at lumabas na. Sa paglabas ko ay nakita ko si mama na naghihintay sa akin.

"How is she?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman siya, ma."

Malungkot akong ngumiti sa kanya at napansin niya ito. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Alam kong masakit ito para sayo, anak. Pero hindi namin kayang saktan ang damdamin ng kapatid mo." Naluluhang wika ni mama.

Muling tumulo ang mga luha ko at niyakap ko siya ng mas mahigpit. Si mama at papa ay alam ang sitwasyon na pinagdadaanan ko. I was torn between my happiness and my sister's. Bumitiw ako sa yakap at nagpaalam na pupunta na sa kwarto. Pagkapasok ko ay napaluha ulit ako. Hindi ka pa pagod na tumulo? Ang sakit sakit. Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at it was a message from Callen.

Callen:

Good evening, my. Sinagot na ako ni Joseanna :( Kailan ba natin sasabihin sa kanyang tayo na? Masaya ako na sinagot niya ako gaya ng ipinangako ko para sa ikakasaya ng kapatid mo. Pero masaya ka ba dito, my? Basta ano man ang mangyari. Mahal na mahal kita, Roseanna. Tandaan mo yan.

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko bago magtipa ng mensahe.

Ako:

Mahal na mahal din kita, Callen. Aayusin ko to para sa atin.

Mabilis din naman siyang nagreply.

Callen:

Aayusin natin 'to. Matulog ka na, my. I love you.

Even If It Hurts (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon