53

143 7 0
                                    


----------a/n:
may halong bisaya words ang chapter na ito. but don't worry kasi nilagyan ko naman ng translations pero di naman ako sure kung yun ba talaga ang translation nun sa tagalong lol haha. pero maiintindihan niyo pa rin naman hehe. sa mga nakabasa na po ng fallen away, mamahalin niyo po ulit sila zach at shayne sa chapter na ito <3 okay, i just can't forget about them. aside sa iyon ang pinakauna kong story ay, mahal na mahal ko talaga ang markdy <3 hehe. kaya di ko sila kailanman makakalimutan aheuheue. ZacharyShayne <3 kahit jeje at jelly ace yung markdy, maraming sumuporta kaya heto ang gift ko sa inyo! another scene for zach and shayne! hehe :))

---

Hindi ko pa rin matanggap na walang pakealam si Jaguar sa akin pero nag-aactingan naman siyang meron. Nakakainis nga eh kasi hindi ko siya mabasa. Napaka-complicated niya. Minsan okay, madalas hindi. Ewan ko ba, pero ang alam ko, mahal ko siya. 'Yun lang 'yun. At oo, inaamin ko, medyo masakit sa akin ang pag-ignore sa kanya sa mga chat. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan ko at nagawa ko 'yun sa kanya. Dapat nga maging masaya ako kasi sa wakas, pansin na niya ako pero ako na naman itong nang-iignore. Ewan ko ba sa sarili ko, ang gulo ko masyado.

Nakaupo lang ako sa sofa ngayon habang pinapanood ko ang mga trabahante ng taga-PLDT na inaayos ang wifi namin. Meron daw kasing problema sa modem namin kaya kailangan daw nilang ayusin. Eh, yung nag-wawifi naman ako, wala namang problema ah? Tsk, malay ko ba kung ano ang nasa isip ng mga ito. Parang sinasadya lang talaga eh para hindi na ako maka-wifi.

Nakabusangot ang mukha ko habang tinitignan ang mga trabahante habang si mama naman ay on eyes doon sa mukhang mas bata pa sakanya. Tsk, mama, may asawa ka na po.

Umirap ako sa kawalan bago nagbuga ng hininga. Tinanaw ko ang labas ng gate namin at inisip na pumunta nalang kaya ako sa net cafe since mukhang matagal pa bago ito maaayos ng mga 'to. Hindi talaga ako mapapakali 'pag hindi ako maka-fb. Pastilan!

"Ma," tumayo ako at nilapitan si mama.

"Bakit, anak?" mom queried but still her eyes were on that guy again. I rolled my eyes.

"Ga-i kog k'warta bi. Mag-internetan ko. 'Di gyud ma-da kung 'di ko maka-fb," sabi ko sabay halukipkip. (Translation: Bigyan mo 'ko ng pera. Pupunta ako sa net cafe. Hindi ko kaya 'pag 'di ako makapag-fb.)

Umirap sa mama bago bumuntong-hininga, "Pastilan gyud bataa, tsk," kinuha niya ang maliit na wallet niya sa bulsa bago siya naglahad ng fifty pesos sa akin. (Translation: Ewan ko talaga sayong bata ka, tsk,)

Lumapad agad ang ngiti ko bago ko kinuha ang pera at niyakap si mama. "Yey, salamat, ma!" sabi ko at agad kumaripas ng takbo palabas ng gate, narinig ko pa ang halakhak ng iilang mga trabahante doon, kasama na iyong natitipuhan ni mama pero umirap nalang ako at hindi nalang sila pinansin.

Saktong paglabas ko ng gate, nakita ko si Shayne kasama si Zachary. Ningitian ko sila. "Hoy, kanus-a pa mo magpakasal, ha?" tanong ko. (Translation: Hoy, kailan pa kayo magpapakasal, ha?)

Bagong lipat lang sila dito noong isang linggo at kakagraduate lang nila sa college noong isang taon. Sabi nila, live in na daw sila. At magpapakasal na rin daw sila sooner or later. At oo, madali akong nakapag-close kay Shayne kasi madalas akong pinapapunta ni mama sa bahay nila para bigyan sila ng pagkain. Ewan ko ba kay mama at bakit kinalaingan bigyan ng pagkain ang mga bagong salta.

Mabait silang pareho at hindi ko maiwasang mainggit minsan kay Shayne kasi ang swerte niya kay Zachary. Si Zach pa nga mismo ang bumili sa bahay nila dito. Dito na rin daw nila balak mamalagi hanggan kailan.

Ngumiti si Shayne sa akin pero hindi siya sumagot.

"Basin ugma na, Vira," sagot ni Zach. (Translation: Siguro bukas na, Vira,)

Lumapad naman agad ang ngiti ko. Zach's arm immediately snaked around Shayne's waist. Hinampas naman ni Shayne si Zach sa balikat. "Ano ba! H'wag ka ngang mag-loko ng gan'yan!" sigaw ni Shayne bago niya ako binalingan ng ngiti. "H'wag kang maniwala sa gagong 'to, Vir,"

"Gago? Anong gago? Ginago ba kita?" natatawang tanong ni Zach.

"Heh! Tumahimik ka!" hinampas niya ulit si Zach. "Alis na kami, Vir, ah? Pupunta kami sa grocery, eh, ikaw ba? Saan punta mo?" ngumiti si Shayne.

"Ah, sa net cafe lang, Shayne," kahit mas matanda si Shayne sa akin, gustuhin ko mang tawagin siyang Ate pero ayaw daw niya since magkalapit lang daw naman kami ng edad. Pumayag nalang ako.

"Net cafe? Pero bakit? May ipapaprint ka? Malapit na kayong grumaduate ah,"

"Nawalan kami ng wifi,"

"Ah... sa bahay ka nalang namin! Free pa at hindi ka na rin makakagastos!" sagot niya at agad lumapad ang ngiti ko. "Pero ayos lang ba sayong ikaw lang mag-isa doon? Aalis pa kami,"

"Oo naman!" sagot ko agad at mabilis na dinaluhan ng pasasalamat si Shayne. She murmured her welcome before we went together to their house.

Pagkatapos n'un, agad din naman silang umalis nang naka-connect na ako sa wifi. Nagpasalamat ulit ako bago ko nakitang umalis na silang pareho while Zach's arm was still on Shayne's waist.

"They looked so perfect," I murmured before I saw them both got out from their gate. I waved my hands at them. They smiled and disappeared from my sight.

Lumakad ako mula sa pinto at isinirado ang gate nila. Pumasok ulit ako at isinirado naman ang pinto. Umupo ako sa sofa bago bumuntong-hininga. "I wish I'll have my own version of Zachary," I whispered before I logged in to my account and was surprised to see alot of notifications coming from our friendship of Jupiter Im.

bucket list.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon