69

119 7 0
                                    



"I'm sorry pero hindi talaga ako makikipagkita sa isang taong hindi ko kilala," I murmured before I turned off my phone.

Narinig kong biglang bumukas ang gate sa labas ng bahay nila Shayne, alam kong sila na agad iyon kaya agad akong kumaripas ng takbo palabas ng bahay nila at nakita kong marami silang dalang mga plastic bags. Agad ko silang tinulungan. "H'wag na, Vira!" sabi ni Zach. "Kaya ko na ito." sabi niya pa.

"No, tutulungan ko kayo." sabi ko at kinuha pa ang iilang plastic bags saka tuluyang pumasok ulit sa bahay nila. "Pasasalamat ko na rin ito sa pagpapa-connect niyo ng wifi sa akin." ngiti ko.

"Kanina pa 'yang pasasalamat na 'yan. Sabing you're welcome na nga eh," tawa ni Shayne.

"Hindi ako magsasawang magpapasalamat kung gan'un," tumawa na rin ako bago nila nilapag ang dala nilang pastic bags sa counter table, gan'un na rin ang ginawa ko. "Uuwi na nga pala ako," sabi ko bigla at natigilan naman si Shayne.

"Ha? Bakit naman? H'wag muna. Magluluto pa si Zach. Kain ka muna,"

"Ay, 'wag na. May luto na si mama. At'saka, may bisita kasi ako ngayon kaya kailangan ko ng mag-ayos," tiningnan ko ang cellphone ko, "Six-forty na at seven siya dadating,"

"Hmm. Sino ba 'yan at gan'un ka-importante?" Shayne playfully grinned at me. I laughed a little.

"Baka boyfriend," sabi ni Zach at tumingin si Shayne sa kanya. "Wala siyang boyfriend!" tumingin ulit si Shayne sa akin, "Well, baka manliligaw... meron?" ngumiti ulit si Shayne ng mapaglaro.

Agad akong lumingo-lingo, "Ay naku, Shayne, wala 'no!"

"Kung gan'un, sino nga siya?"

"A friend," simpleng sagot ko.

"A friend? Eh, friend mo rin naman ako ah? Kami. Pero bakit kailangan mong umalis at siya ang piliin?" she arched a brow. I pursed my lips.

"Shayne..."

Tumawa siya sa pagtawag ko, "Joke lang, Vir! Alam ko. So, go. You need to be in time,"

Wait, anong alam niya? What?

Tinulak ako ni Shayne palabas ng bahay, leaving Zach in the kitchen area, "Alam ko sa mga mata mo, nababasa ko, kung gaano ka-importante ang taong iyan," she winked at me bago niya iminuwestra ang gate sa akin. She smiled at pilit na rin akong ngumiti. "See you again!" sigaw niya bago ako umalis at nagmamadaling tumakbo papunta ulit sa bahay.

bucket list.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon