I

100 5 0
                                    

Chapter One: Meet Junior

" I can do what I what, and be what ever I am"

- Fluffybannie


"I hate to go.." JR said finishing the song.

Ibinaling nya ang atensyon nya sa mga tao panay ang palakpak na puno ng galak sa kanilang mga mukha. Nasa entablado sya ng Bistro ng kaibigan nyang si Khalil. Siguro nga nababawas bawasan na Ang stage fright nya.

Suki na kasi nya boses nya ang micropono rito at karagdagang kita para sa pinag iipunan nya. Menor de Edad palang sya ay kailangan nya nang magbanat ng buto dahil sa kahirapan ng buhay.

Ibinaba nya ang hawak nyang gitara at nag bow habang may matamis na ngiti. Bumaba sya upang makihalubilo sa mga kustomer at pagbigyan ang ibang gustong kumuha ng litrato kasama sya. Ganon naman lagi ang ganap at walang bago.

Her name circulated when she went viral on Facebook, noong nakatambay lang sila ng mga tropa nya sa kantuhan at kumakanta. Actually, puro katangaahang lyrics lang ang sinasabi nila but her voice captured the hearts of netizens.

Napadako ang tingin nya sa lalaking naka itim na jacket na nakatitig sa kanya. Lagi nya itong nahuhuling kosumusulyap sa kanya, ngunit ikinibit balikat nya lang ito. Ewan, siguro masyadong syang gwapo.

Nuxx.

Pumasok sa sya sa loob ng office ni Boss K at umapir sa kanya Ang mga tauhan nito. Yan ang tinatawag na same vibes, magaling din kase syang makisama.

Pamilya na ang trato ng staff nila Khalil sa kanya, siguro dahil feeling close ito at laging chill. At tsaka madaling makahatak ng customer ito.

Suki narin sya ng mga singing contest pag may pyestahan, ngunit saglit nyang tinigilan. Lie low muna sya dahil nahuli sya ng ama nya noong isang linggo. Mainit pa naman ang dugo nito sa kanya.

May pagkamasculine kasi si JR kaya di tanggap ng ama. Dati kasi itong sundalo kaya't napakalupit nito. Di Naman lubos maisip kung bakit Ang init ng dugo nito sa mga kagaya nyang  di akma sa traditional na kinalakihan ng ama nito.

Apat silang magkakapatid at ampon silang dalawa ng kapatid nyang si RJ. Masipag mag aral ito at kasalukuyang nagtatapos ng kolehiyo bilang isang teacher. Mas matanda ito ng limang taon kay JR.

Nag kanya-kanya ang magkakapatid dahil sila ay minamaltrato. Namatay kasi ang kanilang Ina apat na taon na ang nakalilipas at isinisisi nito sa magkakapatid Ang dahilan.

Umalis na ang dalawa at tumira sa probinsya kasama ang lolo't lola at nasa Manila naman si RJ at nag dodorm maliban kay JR dahil di nya maiwanan ang ama.

Masaya naman sya sa buhay nya. Marami syang kaibigan dahil magaling syang makisama, madiskarte tipikal na tibo, maparaan. Maroon naman syang mga kaibigan na di sya iiwan at kasama sa hirap o ginhawa.

Of course, di naman maiiwasang walang kontrabida sa buhay. Well lahat naman may ups and downs ikaw nalang Bahala tumanggap nito swabengly.

Pumasok na sya sa kwartong kinalalagyan ng amo nyang si Khalil upang magpaalam dahil dalawang Araw na syang magleleave.. Syempre baka ma-beastmode na naman ang erpats nya sya ang mapag initan dahil sa di nya paguwi.

But Khalil was sleeping for Pete's sake! Niyugyog nya ito sa balikat but still tulog mantika parin. Tumayo na sya at sumigaw.

"Babye Bossing!!" Sigaw nito dahil upang mapatakip ng tenga at mabistong nagtutulog-tulugan lang sya.

I knew it! JR thought.

The man slowly looked up. "I'm just kidding okay? Ayaw ko pa kasing umalis ka" Nakangisi nyang sabi.

Heart AttackWhere stories live. Discover now