*2 weeks later*
Tryout na sa mga sports ngayon sa EU. Na sabi ko naman na si Hailee ay naglalaro ng Badminton and si Cady is naglalaro ng football. Well, magagaling silang dalawa dun because simula palang Grade 4 sila nagsimula na silang maglaro nun. May bago kayang mangyayari sakanila for this school year. ;)
•Cady's POV•
Whoo! Tryout pala ngayon. So pagkabangon ko ng kama nagayos na ko agad ng uniform ko sa football. Then maya maya tapos na ko sa pagaayos ng gamit and ng sarili. Medyo maaga pa pero nagpahatid na ko agad sa school. Yung mga varsity kasi dati yung katulong ni Coach Trias, coach namin sa football. Pero kami rin titignan ni Coach kung magaling parin kami. Ako ang captain ball. So nung 1st year kami nakarating yung team namin sa City Meet. Then nung 2nd year is sa STCAA Meet na. So this year umaasa kami na makaabot ng Palarong Pambansa.
Umm ganito kasi yun. So yun sa Imus, Cavite kami. And sa first round makikipaglaban kami sa mga schools sa loob ng district namin, District 2 kami. Second round makakalaban na namin yung mga nagchampion sa ibang district, ang 1 at 3 then pagnanalo kami ulit daretcho na kami sa STCAA. Dun makakalaban namin is yung mga nanalo sa CALABARZON. Then ang pinakamataas is Palarong Pambansa. Dun makakalaban na namin ang mga nanalo bawat Region sa buong bansa.
HAHA Medyo mahaba habang eksplanasyon noh? Basta ganun po yan. :) Anyway, pagdating ko dun naglaro na ko sa football field magisa. HAHA Ayun takbo takbo lang habang nagtetraining magisa. Then napadaan ako sa bag ko na nakalapag sa isang bench. Narinig ko na nagriring yung phone ko. Si Hailee..
"Hey! Nasan ka?" tanong ni Hailee sakin.
"Nandito sa football field. Ikaw nasan ka?" sabi ko sakanya.
"Sabi na e. HAHA natatanaw na kita." sagot niya sakin.
Hinanap ko siya and natanaw ko rin siya. Kinawayan niya ko tapos binaba ko na yung phone and kinawayan ko rin siya.
•Hailee's POV•
HAHA Maaga-aga pa ah. 6:40 akong nakarating sa school kasi expect ko na si Cady maaga nanamang magpapapawis. HAHA
"Aba ang aga mo ata. May sakit ka ba?" sabi sakin ni Cady nung nakalapit na ko sakanya.
"To naman! Alam ko na kasi na maaga ka nanaman dito!" sabi ko sakanya then hinampas ko siya. xD
"Aray! Lagi ka namang nakahampas e!" sabi sakin ni Cady tapos pikon na yung itsura. Tapos bigla niya piningot yung ilong ko. Mga 7 seconds niya rin siguro hawak yung ilong ko. Kumakalas ako pero ang lakas niya e. HAHA Nung nakakalas ako bigla kong tumakbo then sinipa ko yung bola habang tumatakbo ako. Medyo marunong ako ng football kasi tinuruan ako ni Cady, pero hindi kasing galing niya. Ako naman tinuruan ko rin siya magbadminton.
BINABASA MO ANG
You Are Still My BFF
Teen FictionThis story is about sa magbestfriend. We'll see kung paano susubukin ang kanilang pagkakaibigan. At kung matutupad ba nila yung pagiging magBestfriend Forever nila?