Prologue

36 1 0
                                    

Narito ako ngayon sa tapat ng bahay ng pogi kong boyfriend. Susurprisahin ko sya dahil ngayon ang unang taon namin bilang magkasintahan.

Kinuntsaba ko na ang magulang nya, dahil alam naman nilang may relasyon kami. Nagpapasalamat nga ako dahil kahit ganito lang ako, nerd, pangit at mataba e, tanggap pa rin nila ako.. tanggap nya ako.

Pumasok rin ako agad sa loob. Halos lahat e, ayos na. Air balloons, Rose Petals, Cake at ang regalo ko. Pictures nya ang halos kinabit ko sa balloons. Wala kasi kaming picture na dalawa. Ewan ko ba, ayaw ko kasi at ayaw nya rin.

"Tita, nai-text mo na po sya?" Tanong ko sa mommy nya. Wala kasi sya rito. Ang sabi ni tita ay lumabas lang raw. Baka raw may surpresa rin sakin e. Napangiti naman ako.

"Oo iha. Papunta na raw sya. May kasama raw, e. Maupo ka muna riyan." Nakangiti nyang sambit. Maski sila alam kong nae-excite na rin.

"Aba e, ang swerte naman ng anak ko sayo, iha. Sinurpresa mo pa sya." Nakangiting sambit ni tito, Daddy nya.

"Mas maswerte ho ako, tito." Nakangiti kong sambit. Agad na naglakbay ang isip ko at inalala ang unang panliligaw nya sa'kin. Ika-tatlong buwan ng panliligaw nya ay sinagot ko na sya. Kilala kasi sya sa pagiging Babaero o Playboy sa school dahil sa gwapo ito ay maraming napapasagot at pinaglalaruan. Kaya pinagdudahan ko syang isa ako sa paglalaruan nya kaya pinahirapan ko sya ng husto. Hindi ako maganda pero marunong akong magmahal. Kaya ayokong nasasaktan ako. Mula kasi nung freshmen palang kami ay crush ko na sya pero hindi ibig sabihin nun ay sa simpleng panliligaw nya ay sasagutin ko na sya.

"Nako, Ate! Mas maswerte si Kuya sayo! Dahil ang bait bait mong tao." Banat ng bunsong kapatid nyang ilang taon lang rin ang agwat sakanya.

"Nako, di naman." Nakangiti kong sambit. Ang bait kasi ng pamilya nya. Sobra akong nasiyahan noong una nya akong ipinakilala sa pamilya nya. Limang Buwan na rin kaming magkasintahan, nun. Takot na takot ako nun baka di ako magustuhan ng Pamilya nya. Pero mali ako, higit na mabait sila. Nakakatuwa lang isipon na kahit marami na syang naging ka-fling ay ako palang ang naipapakilala nya sa kanyang Pamilya. Marangya ang buhay ng Pamilya nya. May-ari sila ng isang Toy Industry sa Malabon at Isang sikat na Hotel sa Maynila.

"Mayaman na, napaka-humble pa!" Pangbibida ulit sa'kin ng kanyang kapatid.

Marangya ang buhay namin dahil sa Dalawampung Hotel ang pagmamay-ari ng pamilya namin. Bukod dun, kabilang ang Pamilya namin sa nagmamay-ari ng sikat na Mall sa Canada.

"Naku! Mas mayaman kayo." Pangbibida ko rin sakanila. Sasagot pa sana sya ng naki-singit si Tita at sinabing papunta na sya rito.

Nagsimula na silang magtago at gayun rin ako. Ang plano ko ay Lights off. Pagkapasok nya ay dun na makikita ang lahat ng dekorasyon na ginawa namin sa kwarto nya.

Nakapatay na ang ilaw.

Bzzzt! Bzzzt!

Sinagot ko ang tawag ng nag-iisa kong bestfriend.

"Oy! Bakit wala ka rito?" Nagtataka kong tanong.

"Bes! 'Wag mo na  kaya 'yan itul-"

"Ma, nasan kayo?" Sigaw nya sa baba. Andyan na sya.

"Bes? Tatawag nalang ako uli ha?"

"Pero-"

"Sige na bes, Labyu! Bye."

Pagkatapos nun ay binababa ko na ang tawag. Nag-umpisa na rin akong kabahan. Naririnig ko kasi ang footstep nya. May kasama nga sya. Habang papa-akyat ay patuloy pa rin sya sa pagsigaw na hinahanap nya ang kanyang mga magulang.

Nang maramdaman kong malapit na sya sa kwarto ay agad akong lumapit sa tapat ng pinto. Aaaahan kong pag-bukas nya ng ilaw ay ako agad ang kanyang makikita.

"Sigurado ka na ba rito?" Tinig iyon ng babae. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
"Oo naman. Siguradong-sigurado na ako. Alam mo namang mahal na mahal kita." Para akong pinagbagsakan ng Langit at Lupa ng marinig ko ang boses nya. Agad kong tiningnan ang pinagtataguan ng parents nya. Baka sakaling narinig kasi nila ang mga tinig na nasa labas. Luckily, hindi nila napansin o narinig.

Bago pa man sila makalapit sa pinto ng babae nya. Ay inilapag ko na ang cake. At nagmadaling magpaalam sa magulang nya na may emergency akong pupuntahan. Nakakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila pero hinayaan ko nalang. Masakit man sa'kin pero kailangan kong gawin 'to. Dahil kung hindi, ay alam kong madi-disappoint nya ang parents nya. Dali-dali akong lumabas sa pinto at nakita ko silang dalawa na naghahalikan. Hindi ako nagkakamali. Ang babaeng kanyang kasama ay ang isa sa Bestfriend ko.

Napatigil sila ng makita nila ako. MASAKIT. Oo, pero mas masakit pag nalaman ng mga magulang nya ang ginawa nya sa'kin pagnagkataon.

Wala silang masabi. Ganun rin ako. Pero akmang magsasalita sila ay naririnig ko ang footstep ng mga tao aa loob ng kwarto.

"Happy Anniversary, Love. I love you." Mahina kong bulong at niyakap sya. Tumutulo man ang mga luha ko'y di ko na inalintana. Sapagkat alam kong ito na ang huling yakap ko.

Pagkatapos kong gawin yun ay hinila ko na ang bestfriend ko.

Nang makakababa kami ay umiiyak sya sa harap ko. Ang sakit. Ang sakit sakit isipin na trinaydor ka ng bestfriend mo.

"Sshh. Tama na 'yan. Hayaan mo't di naman ako magagalit. Wala akong balak na gambalain kayo." Nakangiti kong pang-aalo sakanya.

Hindi ko na sya hinintay na sumagot. Tumakbo na ako agad sa kotse ko. Hindi ko na pinigil ang mga luha ko. Habang nagmamaneho ay iyak lang ako ng iyak. Matagal ko ng alam na may gusto ang bestfriend ko sakanya. Pero hindi ko akalaing magkakaganon. Ang sakit. Ang hirap isipin.

Tumawag nalang ako kay Mommy. I need a break.

"Anak? Ano iyon?"
"M-Ma? F-Favor naman o?" Tahimik ko itong sinabi habang humikbi.
"Anong nangyari anak? Bakit ka umiiyak? Sino-"
"Ma, pwede bang dun muna ako sa Canada?"
"Anak..."
Matagal ng gusto ni Mommy na puminta kami sa Canada. Ngunit hindi ako pumapayag.
"M-Ma, huwag mo rin po ipaalam sa iba ang pag-alis kong it-"

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang matanda na nasa kalsada.

Bumusina ako ngunit tila wala syang narinig. Tinry ko rin apakan ang break ng sasakyan ko ngunit hindi ito gumagana.

Medyo nanlalabo pa ang mata ko dahil sa pag-iyak.

Akala ko wala na akong choice. Buti at may nakita akong likuan.

Pero bigla kong nakasalubong ang malaking sasakyan.

*boogsh!*

Unti-unti ring dumilim ang palibot ko.

Happy Anniversary, Love. I will always love you.

Seducing My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon