Chapter 2

29 0 0
                                    

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hindi na rin kumikirot ang ulo ko. Pero ang kabog sa dibdib ko ay di pa rin nawawala. Paulit-ulit ring nagfa-flashback ang mukha ni Luke na yun.

Ang mga mata nyang iyon. Mga matang nagpapa-alala sakin na nakita ko na ito noon. Hindi ko rin mawari pero nung nakita ko sya ay may kaunting kirot ang puso ko.

Maaari ring kilala ni Mommy kung sino sya sa buhay ko dahil kilala nya ito.

"Ma, sino yung Luke kanina?" Tanong ko habang nakatingin sa labas.

"Ah, kaklase mo ata dati. Mabuti nga't naaalala ko pa sya."

Napatango nalang ako. May part sakin na hindi naniniwala sa sinabi nyang iyon pero wala na akong magagawa. Baka nga ay kaklase ko lang iyon non.

"Gusto mo bang mag-shopping anak?" Napalingon naman ako ng tanungin ako ni Daddy. Spoiled talaga ako sakanila.

"Hindi na po, Dad. Next month nalang po ako bibili sa Canada." Ibinalik ko rin agad ang tingin ko sa labas.

"Oo nga pala. May show ka next month. Magsabi ka lang samin kung kelan ka aalis dahil sasabay kami ni Mommy mo." Nakangiting saad ni Daddy.

Napatingin ako sakanila at nakangiting tumango.

Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Siguro ay iidlip muna ako. Napagod rin ako kanina sa di malamang dahilan at medyo antok pa rin ako.

7 pm ay nagising na ako. Naligo ako at nagbihis ng pangtulog. Bumaba rin ako dahil gusto kong makasabay kumain sina Mommy.

Nang makababa ako ay nakita ko sila sa Dining Room. Nagluluto pala si Mommy. Chef pala ang kurso nya dati. At si Daddy naman ay business ang kurso. Ako? Gusto kong mag-business rin. Gusto kong manahin ang company ni Daddy. Ayokong mapunta sa iba ang pinaghirapan nila.

"Mom, Dad. Good Evening po." Lumapit ako sakanila at yumakap.

"Hi anak. Kamusta yung tulog mo?" Nakangiting sabi ni Mommy.

"Maayos naman po. Hmm. Bango Mommy ah? Mukhang masarap!" Nakangiti kong sabi habang inaamoy-amoy ang luto nyang adobong manok. Ang paborito ko.

"Syempre anak. Niluto ko ito para sayo. Bukas pa naman ang unang araw mo sa pag-pasok." Nakangiting sabi ni Mommy.

Hindi naman siguro ako mahihirapang habulin ang lessons dahil July pa lang ngayon.

Nang matapos ni Mommy ang niluluto nya ay kumain na agad kami. Nasa hapag kainan kami ay di namin mapigilan ang lambingan.

"Hmm, anak. May ipapakiusap sana kami ni Daddy mo." Tawag sakin ni Mommy.

Napatingin ako sakanila.

"Ano po iyon?"

"Anak, kasi ano.." Sabi ni mommy na parang kinakabahan.

Ano kaya iyon?

"Anak, ang alam ng iba ay nung naaksidente ka ay namatay ka." Sabi ni Daddy.

Hindi ako nagsalita. Gusto ko silang pakinggan.

"Kaya ngayong bumalik ka na... Wala pa ring masyadong nakakakilala sayo dahil malayo ang ipinagbago ng mukha at katawan mo."

Hindi pa rin ako nagsalita. Oo, mataba ako dati. Yun ang alam ko nung nagising ako sa Hospital ng Canada. Wala akong maalala nun pero pinaalala naman sakin ni Mommy ang ibang detalye. Ang sabi nya'y na-aksidente ako dahil sa nawalan ng break ang sasakyan ko.

"Sinabi namin sa iba na inampon ka namin.." Papahina ang boses ni Daddy pero narinig ko parin ito.

Hindi ako nagsalita. Naiintindihan ko sila. Ayaw lang nilang ipaalam sa lahat na bumalik na ako. Na hindi ako patay.

Seducing My Ex BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon