4. Di Ka Kagandahan

5.5K 95 3
                                    

Reica's Pov

Tapos na kaming mag lunch at naglalakad na kami pabalik sa classroom namin. Kaso ayaw akong tantanan ni BFF na sige ang pag hampas sa braso ko.

"Aray, aray, aray ko naman Beshie! Ang sakit nun a!" panay ang ilag ko sa pag hampas nito sa akin matapos kong makwento sa kanila ang nangyari kaninang umaga.

"How dare you hurt my Prince Charming Trystan? Ni langaw or lamok di ko pinapadapuan un e tapos sisipain mo lang?" Inis na sita ni BFF. Di pa nakatiis kinurot pa ako nito sa tagiliran.

Wala akong magawa kundi magtago sa likuran ni Annie na natatawa lang sa amin.

See kung paano kadie hard fan ni Trystan Ventura ang BFF ko? Manang mana talaga si BFF kay Tita Minerva, mommy ni Beshie pagdating sa pagiging deboto sa isang artista.

"Kala ko ba si Kuya Kayne ang love of your life mo Beshie? Pinagtataksilan mo si Kuya!"

"Manahimik ka! Future husband ko si Kayne. Si Trystan naman ang prince charming ko na hanggang pangarap ko lang. Mag kaiba un!" With matching pameywang un habang sinasabi un ni Beshie.

Naks! Ang tindi rin ng fighting spirit ni Beshie sa Kuya Kayne ko. Never say die kahit ilang beses na syang binasted ni Kuya!

"Uy magtigil na nga kayong dalawa." Saway sa amin ni Annie. "Pero seriously speaking, talaga bang nakaharap mo un big three ng Black Phoenix?" Excited na tila kinikilig pa na tanong ni Annie.

"How I wish na binangungot lang ako kanina ! Kaso confirmed nga di ba? Sabi nga ni Kyle pinaghahanap nila ako e!" Reklamo ko.

All of a sudden narinig namin ang pagtitilian ng mga estudyante.

"Ang Black Phoenix! Gosh ang gwagwapo nila!"

Muntikan na kaming madaganan sa stampede ng mga estudyanteng sabik masulyapan ang grupo.

Samantalang ako ay sobrang kabadong nagtago sa likuran nila Annie at BFF.

"BFF natuntun na ba nila ako?" Takot kong bulong dito.

"Beshie wag kang assuming ha? Di ka kagandahan!"pagtataray ni BFF.

"Pero..."

"Reica pano ka nila makikilala e nakanerdy look ka ngayon? Aside from the fact that there a lot of students here who wanted to see them. Imposibleng makita ka pa nila okay?" Explain ni Annie.

"Tama si Annie! Wag kang praning! I want to see my Prince Charming and check how much damage you've given to him."

Wala na akong nagawa sa paghila nito sa akin sa mga nagkakagulong estudyante.

Una kong nakita si Kyle na proud na proud na naglalakad.

Feelingero talaga ang kambal ko! Nakikisakay lang naman sya sa kasikatan ng mga kasama nya!

Sunod kong napansin si Aaron Cortez na bahagyang nakasmile sa mga nagkakagulong estudyante.

Hmp! Ayan na naman sya! Nagpapanggap na mabait e nasa loob naman ang kulo!

"Oh my God ayan na ang Prince Charming ko si Trystan! Di ko tuloy makita ang mga mata nya dahil sa shade nya! Pero ang gwapo nya pa rin!" Tili ni BFF pagkatapos ako bigyan ng matalim na tingin.

Ewan ko sa BFF ko kung ano nakita sa jologs na unggoy na to! Ang lapad ng ngiti at akala mo ang bait bait sa mga fans nya! Uy! Wag kayong uto uto dyan! Ang sama kaya ng ugali ng idol nyo!

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mamataan ko si Blaze Hunter Sullivan. Kahit nakasimangot sya at madilim ang mukha ay sige pa rin ang pagswoon ng mga estudyante dito.

Ang Astig kong Prinsesa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon