7. Rude Girl

5.2K 95 2
                                    

Reica's Pov

'Be my girlfriend...

Paulit ulit na nagreplay sa utak ko ang scene kung saan tinanong sakin yan ni Blaze.

Para sa mga may normal na pag iisip ay siguradong maiinsulto sa pangtitirip na iyon ng leader ng Black Phoenix. Kaso abnormal ako kaya heto ako pasimpleng kinikilig.

Kasalanan ko ba e NBSB ako at first time may nagsabi sakin nun! Babae lang ako at marupok ang puso ko pero hinde ibig sabihin nun ay papatulan ko ang trip ni Blaze.

Di pa ako ganun katanga!

"Friend, can you consider accepting Blaze's request?"

Nagulat ako sa tanong na un ni Annie. Absent ang prof namin kaya heto kami at nagpapatay ng oras sa classroom.

Pinaliwanag ko dito at kay BFF ang lahat lahat ng naganap sa Hotshots. Di makapaniwala si Annie na kapatid ko ang sikat na leader ng Black Spider na sumundo sakin sa Hotshots at sa alok sakin ni Blaze na maging fake girlfriend nito. May gusto raw itong alisin na insekto.

Bwisit na lalake un! Gawin ba akong Baygon?! E kung gawin ko syang katol para maging bagay kami?

Ano ba yan nagiging weird na naman akong mag isip!

"Okay ka lang Annie? Ayoko ng gulo no? Alam mo namang mortal na kaaway ni Kuya Kayne ang Blaze na un. Saka ayoko ring magpagamit sa trip ng mokong na un!"

"Imagine being the girlfriend of the Cold Prince of SIA? Wow! Kahit kunwari lang but still kakainggitan ka ng lahat ng babae dito sa school! You will be the Princess of the Black Spider as well as the Princess of Black Phoenix!" Tila naiinggit na sabi pa nito.

"Ayoko pa rin Annie. Gusto ko lang ng tahimik na buhay..."

"You wish! You are already the infamous princess of Black Spider whether you like it or not! Okay ganito na lang, do this as a favor for me? Please?"

I looked at Annie seriously. Ano bang ganap nito at pilit ako nitong tinutulak kay Blaze?

Bumuntong hininga ito.

"I admit matagal ko ng crush si Blaze since elementary days pa. But he never bothered to give me a single glance. Di ba wala ka namang gusto kay Blaze?"

"Oo naman! Di naman ako baliw para magkagusto dun no?!" Depensa ko.

Nagliwanag ang mukha ni Annie.

"Then accept his request. Pag naging kayo at least I will be given a chance to get close to him. This is my last try para mapansin nya ako because he will be graduating na next year. Can you do this for me Reica? Please?" nagsusumamong sabi ni Annie.

How can I say no to Annie's pleading face? I considered her as one of my beshie next to BFF who wasnt afraid with my barbaric brothers.

Un ba talaga ang dahilan sa pagpayag ko sa pagiging girlfriend ni Blaze?

Di ko na lang pinansin ang tanong na iyon ng utak ko.

Nakangiting hinila ako ni Annie patungo sa building nila Blaze habang taimtim akong nagdasal na hindi sana ako magsisi sa gagawin kong desisyon.
__________________________________________

"Annie wag na lang kaya. Balik na tayo sa room natin..." aya ko dito pagkatapos ng ilang minutong pagkakaupo sa bench.

Hinihintay namin ang labasan nila Blaze.

"We are already here Rei so there's no backing out! You already promised to me that you will be Blaze's fake girlfriend at the same time ilalakad mo ako sa kanya"

Ang Astig kong Prinsesa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon