Chapter 3: All about Him

11 0 0
                                    

Mga ilang weeks na rin ang nakalipas at wala na kaming komunikasyon sa isa't isa. Trinay ko na rin syang imessage pero wala paring nangyari.

Tinignan ko yung mga picture ko sa  fb. At dun nakita ko yung picture namin nung guy na ginamit nya na nakaedit. Sa kakatitig ko dun sa picture na yun or should I say dun sa lalaki, bigla tuloy akong nacurious sa kanya. Kaya sinearch ko yung pangalan nung lalaki sa facebook. And just like what I thought madami talagang users/posers. Di naman celebrity yung lalaki pero kahit public figure lang sya, ang dami nyang mga fans.

Clinick ko yung isang account/profile/ at tinignan ko yung pictures. Sa pictures na yun andun din yung pictures na ginamit ni Kevin. Tingin lang ako ng tingin ng mga picture nya at binasa ko rin yung comments sa pics nya. Pero yung karamihan na babasa kong words ay "pogi", "gwapo" at "cute", may nag "i love u", at meron ding "paaccept po". Well pogi, gwapo at cute na man talaga sya ^-^ hahaha to be honest talaga. Let's say na naattract na talaga ako? Nevermind.

Mga ilang oras na din yung lumipas sa kakakulikot ko sa pics nya, sa kakatingin at kakabasa ng mga post and comment. Tinignan ko na rin ung sa about nya pati na rin yung sa ibang account/user(at sa kung ano pang ibang tawag nun) nya.

May nakita na rin akong mga pic nya na malalaman mo yung tungkol sa kanya. Tulad na lang kung san sya nag-aaral, yung mga relatives and friends nya, anong kurso nya at kung anu-ano pa. At isa pa alam ko na rin yung totoong account nya talaga bali dalawa sya at In-add as friend ko rin sya. Kung nagtataka kayo kung pano ko nalaman, syempre magaling ako ^-^ hahaha sa totoo talaga dahil sa kakabasa ng comments sa pics nya.

Nabasa ko kasi yung kalokohang convo nila ng mga kaibigan nya, alam nyo naman siguro yung ibig kung sabihin kasi diba may kalokahan talaga pag may kaibigan kang close na close mo kya sa pagiging close kung anu-ano na lang yung nasasabing words. Palagi kayang may pamention mention pang nalalaman yung link yung kulay blue na font sa name nila, kaya ayun nalaman ko. May sinabi pa nga yung kaibigan nya na "i-accept mo daw sya oh. sumisikat na talaga ah ^-^" tas yung reply naman nya "anong sumisikat ka dyan..." basta masasabi mo talaga na sa kanya talaga yung account na yun.

Pero na pansin ko lang dun sa guy di sya gaanung nakikipagcommunicate sa mga fans nya. Nagreresponse lang sya pag na mention ng mga kaibigan nya yung mga fans nya. Pero halata talagang mayaman sila pano na man kasi nagtatag-lish sila pag nag-uusap.

In-add ko rin yung mga kaibigan nya at saka napapansin ko rin puro nakaprivate yung pictures nila ah sikat siguro pero di ko kilala, ano ba talaga -_-. 

" Ate! Tama na daw yan kakain na tayo. Di mo talaga ako pinagamit no -3- Buong araw ka na andyan. Hanggang ngayon di ka parin tapos dyan. Ano ba kasing yang kalokohang ginagawa mo? Di mo man ako pinapasok -3- " Angel

" Wag ka ngang bastang-basta tumitingin dito. Binilhan ka na nga nila mama ng bagong cellphone. San na yun? epal talaga to " Ako

" Ano sabi mo? " Angel

" Wala. Tara labas " Ako

" Nga pala napano na yung Kevin mo ^-^ hehehe? " Angel

" Kevin mo dyan! Wag mo ngang bastang-basta ibabanggit yun baka marinig pa tayo nila mama at papa " Ako

" Napano nga " Angel

" Basta kwento ko na lang sayo mamaya " Ako

=============================================================================

Mga ilang weeks na rin ang nakalipas.

Nag-open na naman ako ngayon sa facebook.

Oh~ daming notifications~

*click*

-_-

grabe ah~

grabe talaga...

grabe talagang tong Angel na to daming pinopost puro status na man. Sana di ko na lang inaccept yung pafamily family thingy na yun. Ayan tuloy kung ano yung pinost nya natatanggap ko.

Scroll

scroll

scroll

Oy~ sa wakas inaccept na rin ako~

Kung nagtataka kayo. Well siguro di na man kayo nagtataka. Kung sa mga nagtataka na lang. In-accept na nya ako, yung guy. Mga ilang weeks na rin ah~ ngayon pa lang inaccept. Eh yung mga kaibigan nya inaccept na aq. Well baka busy lang. Di ko rin kailangang magtaka kasi ang hirap din ng course na kihuha nya eh.

Tika lang bat ako nagkakaganito -_- ? Wala na man kaming relasyon at ska di nya ako kilala at ska di nya pa ako nakita. Lady Gaga lang -_- ? 

Makatingin na nga lang ng mga post.

scroll

scroll

scroll

scroll

scroll

Grabe din ah scroll ako ng scroll dito. Pano ba naman walang nakakaattract ng attention. MakapagYoutube na nga lang.

Search...

Jung Sung Ha...

Enter.

Oy~ ^-^ yepie~ May bagong cover sya...

*click*

*playing*

( sorry walang video, not valid daw kasi )

* tune of my heart will go on*

Favorite ko talaga itong kanta na to. Kahit na nakakaiyak. Naalala ko kasi yung nangyari sa TITANIC, diba yung MY HEART WILL GO ON ang theme song. Kaya nga minsan na sasabi ko sa sarili ko na nakakatakot pa lang sumakay ng barko >< . At ska kawawa ka pag nasa cabin ka nakastay, ewan lang kung cabin ba yun basta yung room na nasa underground na may aircon basta yun ganun kasi yung pagkadescribe ni mama eh. Ang hirap naman kasing magExplain di pa nakasakay ng barko eh. Basta nakakatakot talaga kung dun ka nakastay kasi para kang matatrap kasi dun mauunang mapasokan ng tubig dagat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's My InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon