CHAPTER ONE

23 0 0
                                    

PRESENT TIME

AA’s POV (Alexa Anica Villegas)

“Anak mag ingat ka ha?” sabi ni lola sa akin. Yup na kina lola ako nakitira kasama ko naman si Papa Carl ang pinakagwapong papa sa balat nang lupa. Echos!

“Oo nay!” Nanay naman ang tawag ko sa lola ko. Wala eh nasanay akong nanay eh! May asawa na ang papa ko. Sabi ni nanay ay iba daw ang mama ko. Namatay daw ang mama ko noong ipinanganak ako. At ang pangalan naman niya ay Angelica. Maski picture niya ay di ko nakita kasi sabi kasi ni nanay hindi daw pwede kasi masasaktan daw si papa kasi di ito matanggap na namatay ang mama ko. At ngayon nga ay may bagong mama na ako. Maldita siya at hindi ko siya gusto si Tita Grace. May anak sila ni papa si Catherine Villegas. Magkasunod lang kami nang edad. I’m 17 at 16 siya.

First day of college ko ngayon habang nasa fourth year naman ang anak ni papa. Bale half sister na kami. Maganda din si Catherine natural kamukha kasi ni papa eh ang gwapo nang papa ko eh! Ako? Ewan. Sabi ni nanay kamukhang-kamukha ko raw ang nanay ko. Oo nalang kasi di ko naman kasi nakita yun si papa lang. At sabi ni nanay magandang-maganda raw ako. Dapat lang no? Apo niya ako kailangan magsupport naman siya sa akin.

Simpleng mamayan lang naman ako ng Pilipinas. Si nanay ay mananahi. Si papa naman ay manager ng isang mall. At yung maldita niyang asawa ay housewife. Maldita si Tita Grace. Iwan ko kung bakit mainit ang dugo nun sa akin buti na nga lang nandiyan si nanay eh lagi niya akong ipinagtatanggol sa bruhang asawa ni papa. At heto ako ngayon naglalakad patungo sa iskinita upang sumakay nang tricycle.

“Hi AA! Papasok kana?” sabi nang kababata kong si Jake. Ang bakla nang pangalan eh Jake!

“Ahh oo! Sabay na tayo” siya si Jake Hernani ang kababata ko. Close na talaga kami simula nong nasa mga bayag pa kami nang aming itay. Joke lang! Close nga talaga kami. And pareho ang kursong kinuha naming. Bachelor of Science in Mechanical Engineering. At nag-aaral naman kami sa Xavier Academy. Dun na ako nag-aaral simula noong elementary pa ako at opo pang mayaman ang academy nay an at dahil nga isa kami sa naghihirap sa bansang ito ay scholar po ako doon bale maintain lang nang grade ang kailangan naming gawin doon. At opo scholar po kami ni Jake. Siya nga yung valedictorian namin at pang 1st honourable mention lang ang utak ko sa batch namin. Mabuti nayun eh 1’600 kaming nag graduate at yung tatlo lang yung valedictorian, salutarion at 1st honourable ang makakatanggap ng scholarship sa college. Wala rules nila eh.

Sumakay na kami ni Jake nang tricycle. Bababa kami sa highway at sasakay na naman ang jeep. Fast forward tayo at tadan! Nandito na ako sa harap nang Xavier Academy. Oo na kami na ang walang sasakyan at lahat lahat dito.

“Waaaaaaaaah! AA!!!!!!! I miss you so much” tiningnan ko naman kung sino yung sumigaw at yung bestfriend kong kalog. Yan tuloy pinagtitinginan na kami nang tao.

Siya si Lean Jimenez. Siya yung salutatorian namin. Galing no? Bestfriend ko ang dalawang to ngunit ewan bakit magkaaway silang dalawa sa lahat nang bagay. Palibhasa parehos kasi silang matalino at sa maniwala kayo’t sa hindi eh .1 lang ang lamang ni Jake sa kanya. Ang iikli nang pangalan nila habang ako ang taas-taas.

“Good Morning Lean!” bati sa kanya ni Jake.

“Che! Di ikaw ang kinakausap ko si AA no! Alis ka nga. Nabwisit na yung araw ko eh! Tsupi tsupi!”  may hand gestures pa yan si Lean ha?

“Ang sungit mo talaga sa akin Lean di naman kita inaano” sabi naman ni Jake sa kanya.

“Heh! Alis ka na nga!” sinigawan na siya ni Lean.

“Mauna na ako AA ha?”

“Ah-oo sge Jake! Bye!” at nauna na nga si Jake sa amin. Maaga naman kasi kami dito sa school eh dapat 10 am pa ang pasok namin at dahil nga freshmen kami ay nag-aga na ako. Classmate ko rin tong si Lean gusto naming maging Engineer eh.

“Alam mo Lean huwag ka ngang masungit kay Jake.” Sabi ko sa kanya.

“Eh sa galit ako sa kanya eh! Kung hindi lang siya nagtransfer nung high school ako sana ang valedictorian sa batch natin.” Sagot naman niya sa akin.

“Parang ganun lang? Dapat nga eh tie kayo eh ikaw tong hindi pumayag na mag tie kayo at gusto mo nang last test sa lahat nang subject. Yan tuloy nagkamali kalang nang isa naging salutatorian ka na”

“Ah basta galit ako sa kanya. Tara na nga sa canteen!”

Mayaman si Lean. May business sina Lean yung pamilya niya. An oil company. Kaya nga siguro nag ME siya. Nag-iisang babaeng ana yan ni Don Robert Jimenez. Oo siya na ang mayaman. Kilala ang company nila sa buong mundo at may iba’t ibang branch sila nang gasoline station sa Pilipinas. Alam niyo yung “DIAMONDS” yan yan ang pangalan ng gasoline station nila dito at may branch na rin sila sa ibang parte ng asya. Eh di sila na ang mayaman.

Ngunit kahit mayaman yan si Lean. Sobrang humble niya pa din. Maganda si Lean. Morena. Matangkad at Chinita. Matalino ngunit madali lang talaga ito mainis at ang laki nang bunganga nang babaeng ito!

“ANO BA!!!”

“Ay sorry po!” tapos tinulungan kong makatayo yung babaeng nabangga ko.

“Ughhh! No don’t help me!!!” sabi niya sa akin “Knight Can you please help me up!!!!!” sabi niya sa kasama niyang lalaki.

“Tss” pero tinulungan naman yung babae.

“Now look! You’ll pay for this!” sabi niya sa akin.

“Sorry po talaga  hindi ko naman kasi sinasadya” sabi ko sa babae habang nakayuko lang ako.

“Oyy bestfriend bakit ka ba naiwan dito” habang kinuha ako ni Lean.

“Hey Lean! Is this you friend?” sabi nang babae sa kanya.

“Yes. Is there a problem for that?” sabi naman ni Lean sa kanya.

“Ugh! Pasalamat ka huh?” sabi niya sa akin habang pinandilatan niya ako nang mata. “Come’on Knight!” sumunod naman sa kanya yung Knight. Tapos sabay sabing “Ang tanga kasi”

Di ko nalang pinansin ganyan naman talaga ang mga estudyante dito palibhasa mayayaman.

“Come’on AA! Let’s eat na!” sabi naman ni Lean sa akin kaya sinundan ko nalang siya.

Nag-order na kami. Nanlumo naman ako sa presyo ng mga pagkain dito! Ewan ha pero na-aafford ko yung snack namin nung highschool kasi may c2 doon at sandwiches na simple lang ditto naman! Pizza, Lasagna, fruits at ano ano pa ang mga pagkain! Hindi ko nga kilala ang iba dun eh! Tsaka yung drinks nila tag 150 isa? Eh 100 nga lang baon ko! Ano ba naman yan.

“My treat AA! Huwag kang mag-alaala” sabi naman ni Lean.

“Naku nakakahiya naman sayo”

“Sus okay lang ikaw talaga AA” at yun nga nag-order na kami. Bale 8:30 pa naman kung kaya’t dito na muna kami.

“Ah Lean kilala mo ba yung babae kanina?” tanong ko sa kanya

“Yop! She’s Maria Kayla Xavier and the guy she was with is Knight Castroal Xavier” sagot niya.

“Ahh” W---waaaiiit?? “XAVIERRRR!!!????, eh di sila yung may-ari nang school na ito?”

“Not really. Yung lolo niya ang may ari nito you know the great Castroal Xavier! Nameet mo na yunAA diba?” sabi niya sa akin.

“Oo naman.” Kasi nung graduation siya yung nag-abot sa amin nang scholarship certificate.

So nag-abang nalang kami sa oras kung kalian magsisimula ang klase namin.

SHE'S DIFFERENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon