T W O

24 0 0
                                    

"Damn it!" Napamura na naman si Luke habang masama ang tingin sa harap ng kaniyang computer. Kahit ano kasi ang gawin niya ay hindi talaga niya ma-track ang IP address ng site na nag-post ng isang masamang article tungkol sa Mortis High School.

Luke was one of the best hackers ng kanilang school kaya naman naiinsulto siya kapag hindi niya nagagawa nang maayos ang trabaho niya. It was his job to delete any malicious articles tungko sa school, ang problema mga lang ay hindi niya ma-track ang IP address ng source nito kaya naman sobra ang frustrations niya.

Isang minuto pa lang ang nakararaan nang maipost ito at kung hindi niya ito matanggal agad ay baka mabasa ito ng ibang mga estudyante.

Napasandal na lang siya nang mabigat sa kaniyang swivel chair at hinawi ang kaniyang buhok mula sa kaniya noo.

"Chill, dude." Sabi ni Lev. Ang weirdly tall but enthusiastic na kaibigan niya. "Chocolate cake?" Offer nito sabay lapag ng dessert sa side table ng hacker. Tinitigan lang nito ni Luke pero agad rin niyang kinuha dahil nakakapagpakalma sa kaniya ang mga matatamis na pagkain.

"Ano ba kasi ang pinag-aalala mo?" Concerned na tanong nito sa kaniya. Umupo naman si Lev kay Angelo, ang tahimik at med-addict ng kanilang grupo.

"Someone has read the article." Mahinahon niyang sabi ngunit ramdam ng lahat ang tensiyon sa paligid. "You know how malicious was that article. It frustrates me so much. I can't even stop it."

"Pero hindi naman yun mababasa ng students. Isa pa, wala namang maniniwala doon. Alam ng lahat kung gaano kaganda ang pamamahala dito sa Mortis." Depensa naman ni Lev.

"You won't know."

"Kung ganon, ano ang dapat nating gawin?"

Tiningnan ni Luke si Angelo at agad namang nagsalubong ang kanilang mga mata. "Gelo, find that girl. The one who read the article. Ako na ang bahala sa website."

Bumusangot naman ang mukha ni Angelo. Alam naman kasi ng lahat na introvert ang kanilang kasama. "Why me?"

"Dahil ikaw lang ang makakagawa non. Alam nating hindi mapagkakatiwalaan si Lev."

Napatayo naman si Lev dahil sa narininig. "WHAT? At paano mo naman nasabi yan?"

Seryosong mukha ang ibinigay ni Luke kay Lev. "May mas mahalaga ka pang dapat gawin diba? Kapag pumalpak ka, lagot ka kay Boss." Napaupo naman si Lev sa kaniyang narinig at dumilim ang aura nito na tila ba lumalim ang kaniyang isip at nawala ang ngiti nito sa kaniyang mga labi.

Ibinalik ni Luke ang kaniyang tingin kay Angelo. "Your name's in the article. Clear it. Now." At sa pagtapos ng pagbigkas ng huli nitong mga salita, agad na naglaho si Angelo upang humarap sa babaeng nakabasa ng malicious article tungkol sa Mortis Academy.

————-

Kailanman ay hindi pa nakakita si Nykka ng isang guwapong nilalang na nasa harapan niya ngayon. Kung pupwede lang sanang maihinto niya ang oras upang matitigan niya namg husto ang lalaki ay nagawa na niya. Kaya lang, mukha masyadong malayo ang kaniyang imahinasyon dahil ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay may malalim na titig sa kaniya.

Bilang ganti, tumitig din naman si Nykka kay Angelo. Pilit niyang inuukit ang maamong mukha nito sa kaniya. Mula sa medyo magulong itim na mga buhok nito hanggang sa nakalulunod nitong mga mata. Matangos din ang ilong nito at may maninipis na mga labi. Pansin din niya ang tangkad nito at maputi at makinis na balat.

Napalunok na lang si Nykka sa magandang view. Keep calm.

"Hindi mo ba alam na rude ang pagtitig sa isang taong hindi mo naman kilala? Sabi niya habang pinipilit na kontrolin ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

Grim Contract Series #1 - ANGELO FESTIN (The Blood Seeker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon