Bakit heartbreak Girl? Kasi iyon ang soundtrip ko habang tinatype ito walang pakealamanan XD
Mystery's Poin of View
~Dear Diary sana ay mabasa ito ng mga susunod na generasyon at matuto mula dito.. hindi ako sanay sa pagsulat ng diary pero.. gusto ko lang ilabas ang aking saloobin ... Mahal ko siya.. alam mo naman iyon diba? Kapag nakikita ko siya nakakalimutan ko ang galit ko sakanya.. Bakit nga ba ulit ako galit sakanya? Dahil kinukuha niya ang ballpen ko? Hahahahaha.. sabi nila napakababaw ng aking dahilan .. pero ang totoo? Galit ako sakanya dahil.. dahil.. Gusto ko siyang mahalin pero hindi ko kaya .. hahaha ang weird ko. Ngayon na may pagkakataon ngayon pa mawawala.. Ate ellen.. siya ang mahilig sa Diary thingy na ganito.. pero ngayon ako ang nagsusulat ng Diary ko.. bakit? ganoon ba talaga kapag malungkot ang ending? Kailangan.. sa Diary nakasulat.. Sabi ni Ate ellen gumawa ako ng mas maganda kwento.. pero mukhang tragic ang ending ng saakin.. mukhang hindi ko siya makukuha.. Aalis na ako pagkatapos ng School Year.. at wala akong balak ipaalam sakanya kung saan ako pupunta .. sasabihin ko nalang na hindi ko siya minahal.. na ayaw ko sakanya.. para tapos na diba.. masakit pero who cares? Mawawala rin yun diba ? :) ~
***
"Sa wakas... kinausap mo rin ako" Nandito ako sa harap ni Philip ngayon at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin..
"Sandali lang ito" sabi ko .. gusto ko ng matapos ito .. ayaw ko ng magtagal..
hinawakan niya ang kamay ko
"sige, pero pwedeng mauna ako magsabi?" sabi ni Philip
ayaw ko
kung ano mana ng sasabihin niya ayaw kong marinig baka hindi ko siyang magawang iwan kapag narinig ko pa ang mga sasabihin niya
"HINDI" sabi ko
"Ahh sige ikaw na muna"
"Hindi kita gusto Philip.. Never kitang nagustuhan so please.. layuan mo na ako.. di ka ba nandidiri? Magkaaway tayo at hindi tayo dapat ganito" nasabi ko na...
"aalis na ako"
umalis na ako at tumalikod na bago pa niya makita ang mga luha ko...
Philip's Point of View
Hindi ako nagsalita.. tahimik lang ako.. hindi na ako tumuloy sa pagpasok sa klase.. May kailangan pa akong puntahan ngayon..
***
"Nandito ba siya?"
"Hahahaha nako Philip.. sa tingin mo aalis siya dito? Ang laki laki mo na ah.. ngayon ka lang ulit bumisita dito" sabi ni Ate Ynna .. siya ang Ate ko simula bata pa.. ngayon nurse na siya
"Magaling na ba siya?" tanong ko
tahimik lang siya at ngumiti.. "Kung nandito ka para tanungin yan.... Wala siyang sakit.." sabi ni Ate Ynna at hinatid na ako sa Lugar ng Mama ko..
"Clarissa? May bisita ka" sabi ni Ate ynna kay Mama
"Asawa ko?" sabi ni Mama sakin..
namumula ang mga mata niya at mukhang kakagaling lang niya sa iyak.. Ang dumi rin ng katawan niya at may yakap yakap siyang manika..
"Ma.. Si Philip po ito" sabi ko..
"Maiwan ko na muna kayo.. wag kang matakot Nanay mo siya." sabi ni Ate Ynna at umalis
Niyakap ako ni Mama..
"Binalikan mo na ako .. " sabi ni Mama
"Mama si Philip ito hindi ako si Papa!" sigaw ko.. hanggang ngayon..
hanggang ngayon nahihirapan parin siya dahil kay papa..
Dahil pinagpalit ni Papa si Mama para sa ibang babae..
Galit ako sakanila...
Dahil sakanila nawalan ako ng magulang...
tapos si mama ganito pa..
"Phi-lip" sabi ni mama tapos umiyak
ngyaon..
ngayon lang niya sinabi ang pangalan ko.. ngayon lang.
"Mama" sabi ko at niyakap siya...
para akong bata..
bakit ako umiiyak?
"Anak, Wag kang umiyak " sabi ni Mama
naiiyak ako sa tuwa..
napangiti ako sa sinabi niya...
"Mama.. "
"Anak.. hindi ko sinasadya.. hindi"
"Shh. mama wala kang kasalanan"
Noong iniwan kami ni Papa ... tinangka ni Mama na patayin silang dalawa ng babae niya... pero hindi natuloy at napasok dito sa Mental si mama..
Akala ko si Mama ang may kasalanan.. akala ko kaya kami iniwan ni Papa kasi baliw si Mama... pero hindi.. ngayon na naramdaman ko ng maiwan.. Masakit pala..
***
"Alagaan niyo siya babalik ako bukas" sabi ko kay ate Ynna
"Mabuti naman at pupuntahan mo na lagi ang Mama mo.. mas mabilis siyang gagaling kung binibisita mo siya" sabi ni Ate Ynna
"Walang sakit ang Mama ko" sabi ko
mukhang nagulat si ate Ynna sa sinabi ko .. ngumiti siya sakin.
***
Gagawin ko ba talaga ito?
nasa labas ako ng bahay ni Papa... at nakikita ko siya ngayon kasama ang mga anak niya .. nakikipaglaro siya sa mga ito......
"Philip? Philip right? Tama kamukha mo si Carlo eh.. pasok ka" sabi ng Babae
pumasok ako at nakatingin sakin si Papa ngayon.....
"Honey.. may bisita ka" sabi nung babae..
imbis na magsalita.. niyakap ako ni Papa...
nasa sala kami at nahihiya siyang kausapin ako
"So" .. "Kamusta ka na?"
"Mabuti namana ko" sabi ko.. naghihintay ako na kamustahin niya si Mama
"Magaling na ba Mama mo?"
"Wala siyang sakit" sabi ko
ngumiti siya sakin.. ngumiti lang si Papa
BINABASA MO ANG
My Vampire Prince
HumorMystery Casper, a girl who Talks to herself (seriously) She wants a perfect fairy tale but it turns out to be a perfect hell with her Fake Boyfriend which she refers to as her Seatmate.. This annoying feeling magically turns into a strong conn...