CHAPTER ONE

5.2K 188 10
                                    

CHAPTER - 1

DAHIL sa kahirapan ay natutong mangarap si EULA MANIACAO. Kahit imposible para sa kaniyang mga magulang na matupad ang kaniyang pangarap. Sapagkat ay malayo sila sa kabihasnan nasa isang baryo lamang sila nakatira at malapit sa ilog.aSubalit hindi nawalan ng pag-asa si Eula na may katuparan ang kanyang mga pangarap.
Kung gaano siya kaliit na babae ay kabaliktaran naman sa sobrang taas ng kanyang pangarap.
Matalino siya ngunit hindi nakapagtapos sa kolehiyo hanggang second year college lang ito.
Maganda, maputi, kaakit-akit subalit kulang sa tangkad. Sapagkat 4'9 lamang ang sukat niya. Kaya laging bagsak sa mga inaaplayan niyang mga department stores.
"Lord, dagdagan mo naman ang tangkad ko kahit dalawang pulgada lang."
Ito ang madalas niyang ipinagdarasal sa oras na siya ay bumagsak sa mga inaaplayan.
Gustuhin man niyang magpunta sa siyudad ngunit hindi niya magagawa dahil laging kapos sila sa pera. Sapagkat may dalawa pa siyang nakakabatang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa elementarya.
Sunod sa kaniya ay sampung taong gulang na lalaki at ang bunso naman ay babae at nasa walong taong gulang palang ito
Nagiging katuwang siya ng kaniyang nanay sa paglalabandera. Masipag at ubod na bait si Eula beinte-uno na siya ngunit hindi pa rin nagkanobyo. Ayaw niya dahil dagdag problema lang raw ito.
"Ma'am, puwede ko bang hingiin itong bote? Kung hindi niyo na gagamitin."
"Okay sige, kunin mo Ula."
"Salamat ma'am… aalis na po kami," paalam niya pagkatapos nilang maglaba ng kaniyang Nanay.
"Sandali Eula, may ibibigay pala ako sa'yo kukunin ko lang."
"Hala! May ibibigay daw siya sa akin nanay ano kaya 'yun?"
"Hindi ko alam," inosenteng tugon ng ina.
"Ito Eula, nakabili kasi ako ng bago para sa tindihan." Anang ginang sabay abot sa nokia 3310.
"Ay! Hala… pagka-wow… salamat nito ma'am ha..." aniya.
"Welcome! Bumili ka na lang ng sim card mo."
"Sige po! May sim card kayo ma'am?"
"Meron."
"Magkano?"
"Beinte-singko may kasamang load."
"Naynay, pahingi muna."
"Aanhin mo ba 'yan Ula Wala ka namang tatawagan."
"Nanay, magagamit ko ito sa pag-aply ng trabaho."
Walang nagawa ang kaniyang ina at binigyan ito. Bago sila umuwi ay dumaan muna sa palengke upang bumili ng kanilang panghapuna.
Sa kanilang paglalabada ay kumikita silng dalawa ng apat na daang piso. Suwerte na kung marami ang nagpapalabada sa kanila araw-araw.
Kung wala naman ay pinagtiyagaan nila ang ulam na: tuyo, bagoong at gulay. Suwerte na sa isang buwan kung makabili sila ng karneng baboy o 'di kaya manok. Huwag ng isali ang karneng baka dahil malayo 'yun sa katutuhanan.
Kahit mahirap lamang sila ngunit masaya naman ang kanilang pamilya. Dahil nagkaroon sila ng mga magulang na mapagmahal at maaruga.
Pagkarating nila sa bahay ay agad ng gumawa ng resume si Eula. Ginawa niya ito sa labas ng kanilang bahay dahil maliwanag pa ang paligid. Wala silang ilaw tanging lampara lamang ang kanilang ginagamit sa pagsapit ng gabi. Mahirap, subalit nakapag-survive naman sila.
"Haaay... Thank you Lord! Natapos rin ako," turan niya. At kasalukuyang ipinasok ang puting papel sa loob ng bote.
"Alam mo Ula? Kung ako sa'yo ibinta mo na lang iyang mga bote mo. Sigurado pang makabili tayo ng bagoong..." anito.
"Sus! Nanay... Sa bote na nga lang ako umaasa na may katuparan ang aking pangarap tapos kontrahin mo pa. Puwede bang suportahan mo na lang ako?"
"Paano naman kasi isang taon muna iyang ginagawa tapos may nangyari ba?"
"Nanay… na trapik lang iyong mga resume ko. Malay mo isang araw marami na ang tatawag sa akin."
"Ula… paano ka naman nila tatawagan? Walang phone number ang mga iyun." Napahalakhak siya.
'Yun lang! But this time tatawagan na nila ako nanay dahil may numero na akong inilagay."
"Sana lang."

Biglang kumulimlim ang paligid sa tanto ni Ula ay uulan ito ng malakas.
"Naku! Nanay... ito na ito na talaga ang senyales na matatanggap na ako sa trabaho."
Masiglang pahayag ni Eula at namimilog pa ang mga mata sa sobrang saya.
"Aba! Iwan ko sa'yo!" Iniwan siya ng ina at pumasok ito sa loob ng kubo.
Biglang siyang tumakbo sa labas at nagsisisgaw.
"Ulaaan... Ulaan… Bumuhos ka! Buhos ka ng malakas… Please... ngayon lang! One time lang..." sigaw niya.
"Hoy! Eula! Nababaliw ka na ba? Paano tayo makakatulog kung uulan ng malakas?" Reklamo ng kanyang Nanay sapagkat butas-butas ang kanilang bubong.
"Spen, sawayin mo nga 'yang anak mo." aniya sa asawa.
"Hayaan mo na 'yang anak mo Delisia simpleng kaligayahan niya ay kontrahin mo pa."
"Mag-ama nga kayo!"
"Syempre! Tapos ikaw ang nanay."
Biglang bumuhos ang malakas na ulan na tila dininig ang kaniyang pakiusap.
"YES! Ito na talaga! Thank youuu... LORD!"
Malakas na hiyaw ni Eula na walang mapagsidlan sa kaniyang kaligayahan nagtatalon ito na tila batang walang kamuwang-muwang sa mundo. Napangiti ang kaniyang ama habang pinagmasdan ang panganay na anak.
"Panoorin mo na lang ba ang iyong anak Spen? Hindi mo ba 'yan sasawayin?"
"Delisia, hindi ka ba natutuwa sa anak mo? Tingnan mo simple lang ang kaniyang kaligayahan sayang hindi natin siya napag-patapos sa pag-aaral ang talinong bata pa naman."
Hindi napigilan ni Spen ang mapaluha dahil na rin naawa siya sa kaniyang mga anak.
"Bakit ba ako matutuwa Spen? Paano kung magkasakit si Ula? Dahil diyan sa kaniyang ginagawa lam mo naman na kapag magkasakit 'yang anak mo ay matagal gumaling. Mahal ko ang mga anak natin Spen kaya ayaw ko siyang suportahan diyan sa mga pangarap niya. Dahil natatakot ako na baka mabigo siya ang taas kasi ng pangarap niya Spen." Lumuluhang sabi ni Delisia.
"Huwag nating maliitin ang pangarap ni Eula Delisia sapagkat alam natin na kapag ginusto niya ay mas lalo siyang nagpursigi para maabot niya 'yon magtiwala lang tayo sa kaniya Delisia." aniya. Sabay akbay nito at malaya nilang pinagmasdan ang anak.
"Naynay, pwede ba akong maligo sa ulan? Nakakaingit kasi si manang." paalam ng kanilang pangalawang anak na lalaki.
"Huwag na Edmond, hayaan mo na lang ang manang mo."
"Naynay, Tatay, itatapon ko lang ito sa ilog ha." Pasigaw na paalam ni Ula.
"Sige, anak! Pero mag-iingat ka," tugon ng kaniyang ama.
"Opo!" At mabilis na siyang tumakbo.
"Lord, ramdam na ramdam ko na ito na ang simula ng katuparan nang aking mga pangarap para
sa aking pamilya.
"Huwag mo akong biguin Lord ha, hindi naman ito para sa aking sarili para po ito sa kanila. Promise po 'yan Lord." Taimtim na dasal niya bago pinakawalan ang bote sa malakas na baha. Umuwi naman siya agad.
Nang matanaw siya ng kaniyang tatay ay dali-dali itong kumuha ng tuwalya at inabangan ang anak sa may pinto.
"Kumusta ang resume mo anak pumasa ba?" nakangiting tanong nito.
"Kakapasa ko lang Tay tatawagan lang daw ako kapag nabasa na." sakay naman niya sa tanong.
"O, shaa! Magbihis ka na baka magkasakit ka pa."
"Salamat po tatay," sabay kuha sa tuwalya.
-LA ISLA VARGAS-
MATAPOS ang malakas na ulan ay nagtulong-tulong ang mga trabahador sa 'La Isla Vargas' sa paglilinis ng buong paligid. Sapagkat maraming mga basura ang dumagsa sa kanilang dalampasigan.
"Grabe sir Giby, ngayon lang ito nangyari sa ating Isla ano kaya ang nangyari?" Pagtatakang tanong ng isang lalaking trabahador.
"Oo nga, buti na lang natapos na tayo."
"Ummm... sir, mauna na ako may gagwin pa kasi ako."
"Okay go ahead."
Kasalukuyang nasa dalampasigan pa ang binata at nagpalakad-lakad ito. Nasipat ng kaniyang mata ang isang bote na may laman na puting papel naingganyo siyang pulutin ito at agad na binuksan.
"RESUME?"
Napahalakhak siya ng malakas sapagkat ito pa ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng isang nag-aaplay na idinaan sa tubig.
Muli siyang napahalakhak nang mabasa niya ang nakasulat sa height, 4'9 lang ang sukat ng babae. Napa-imagine siya bigla kung sakaling magkatabi silang dalawa dahil 6'5 ang kaniyang tangkad.
"My God!" bulalas niya.
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa at nakaramdam siya ng sobrang awa sa aplikante. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kaniyang naramdaman para dito. Nakita niya ang numero at agad niyang tinawagan ngunit cannot be reach ito. Kaya nag-send na lang siya ng message.
( Good day! I'm Giby La Vargas the owner of 'LA ISLA VARGAS' Beach Resort. I received your RESUME and I want you to know that you're hired. Please report here for your three days training.)  Laman ng kaniyang message.
Tiniklop niya ang papel at inilagay sa kaniyang bulsa.
SAMANTALA kakabukas lang ni Eula sa kaniyang phone dahil naki-charge pa ito sa tindahan na may kalayuan mula sa kanila at nagbayad pa siya ng limang piso.
Biglang tumunog ang kaniyang phone.
"Hala! Sino kaya ang nag-text sa akin? Basahin ko nga..." sabay open sa inbox. (Good day! I'm Giby La Vargas the owner of 'LA ISLA VARGAS' Beach Resort. I received your RESUME and I want you to know that you're hired. Please report here for your three days training.)
Tumawa siya na abot tainga . "Natanggap ako! Natanggap ako... YES! Thank you... LORD!" Sigaw niya at kumaripas ito ng takbo pauwi sa kanila.
"Naaay... Naay… Diyos ko! Naynay… natanggap ako."
"Tataay... Tatay ko! Natanggap po ako!"

I WAS BORN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon