CHAPTER FOUR

3.2K 169 6
                                    

Chapter - 4

Lihim niya itong pinunasan ngunit napansin iyon ni Giby.
"Bakit? May masakit ba sa'yo?" pag-alalang tanong nito.
"Ah, wala po sir. Bigla ko lang naiisip ang aking pamilya at nahihirapan akong sumubo. Kasi ang sasarap ng mga pagkain na nasa aking harapan. Samantalang sila ngayon ay sigurado akong tuyo, bagoong at gulay lang ang kinakain."
Sobrang naawa si, Giby sa kaniya at humahanga ito sa pagmamahal niya sa kaniyang pamilya.
"Hayaan mo balang araw matikman rin nila ito, kaya sa ngayon kumain ka muna." aniya sa dalaga.
"Unang sweldo ko ay ibibili ko sila ng ganitong klaseng pagkain. Para naman matikman rin nila ang masarap na pagkain na una kong natikman." nakangiti niyang saad.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakain si, Giby ng marami.
"Ayaw mo na sir?"
"Oo, ayaw ko na. Sobra akong nabusog."
"P-pero sayang naman ito sir, ang dami pa oh! Puwedeng itabi ko na lang ito para mamayang hapunan?" Nakakahiya man ngunit sinabi pa rin niya, dahil para sa kaniya ay grasya iyon.
"Sure! Walang problema."
"Naku! Salamat talaga sir ha,"
"Sandali, huwag kang gumalaw may kanin." turan ni Giby. Kinuha niya ang kanin sa pisngi nito."
"Salamat po..."
"Welcome!"
"Sir, kailan po ako magsisimula sa trabaho?"
"Sa lunes ka na magsisimula, sa ngayon magpahinga ka muna."
"Okay po. Ah... saan po pala ang magiging kuwarto ko, sir?"
"Ito ang magiging kuwarto mo."
"Huh?! Naku! Baka magalit ang may-ari nito sir. Atsaka masyado pong malaki."
"Private room ko ito pero ang master bedroom ko ay nasa itaas. Kaya walang magagalit.
"Salamat po ulit sir. Ah... isang tanong na lang po. B-baka puwedeng ako na lang ang kunin mong labandera, sir? Magaling po akong maglaba at pulido akong po akong magkuso. Para naman may extra-income ako, sir."
Napangiti ang boss at gusto niya ang ugali nito ang pagiging prangka. "Halata ngang pulido kang magkuso, dahil puno sa gasgas ang kamay mo. Sige, walang problema simula ngayon ikaw na ang maglalaba sa mga damit ko."
"Naku! Maraming salamat, sir... Pangako hindi po kayo magsisisi sa trabaho ko."
"That's good! Magpahinga kana at marami pa akong gagawin sa ngayon. Bukas ng umaga maghanda ka dahil may pupuntahan tayo."
"Okay po, sir. Mga anong oras po?"
"Kahit mga eleven o'clock."
"Okay po, sir. Tandaan ko po iyan, maraming salamat ulit."
"Oh, by the way. Bago ko makalimutan. Halika dito," yaya niy. Isinama niya ang babae sa banyo at itinuro nito kung papaano gamitin ang mga bagay na nasa loob. Pati sa ilaw ay itinuro niya higit sa lahat ang password ng pinto.
Naiwang mag-isa si Eula at iniligpit niya ang kina  inan nila. Pagkatapos ay bahagya siyang sumilip sa labas maganda ang paligid at marami ang mga customers na naliligo sa dagat.
"Balang araw maisama ko rin kayo dito. Pangako pag-iipunan ko 'yon."bulong niya.
Maagang siyang natulog dahil ang totoo'y sobra na siyang antok. Kakahiga pa lang niya ay agad na itong humilik. Kinabukasan ay maaga rin siyang nagising upang ihanda ang sarili sa kanilang lakad. Biglang nag-ring ang telepono at napatitig siya nito. Nagdadalawang isip kung sasagutin ba niya ang tawag. Ngunit naisip niya na hindi ito sa kaniya kaya pinabayaan niyang panay lang ang ring. Hanggang sa tumigil ito. Hindi naman sa hindi siya marunong sumagot ng telepono dahil ay alam naman niya iyon. Sapagkat nakapanood na siya sa mga palabas kung paano sagutin
( HI! HELLO! ). Ganoon lang iyon. Ang sa kaniya lang ay wala siyang pahintulot mula sa may-ari na sagutin niya ang mga tawag. Pagkalipas ng ilang minuto may biglang kumatok sa pinto at alam na niya na ang boss ito.
"Good morning, sir!" bati niya nang mabuksan ang pinto.
"Good morning! Kanina pa ako panay tawag sa'yo pero hindi mo sinasagot."
"Ah... ikaw po pala ang tumawag, sir? Pasensya na po kayo hindi ko kasi alam na kayo ang tumawag. Isa pa, wala po kayong bilin sa akin na sagutin ko kung sakaling may tatawag."
"It's okay... next time na may tatawag ay sagutin mo na. Ready ka na?"
"Opo sir. Kanina pa."
Umalis ang dalawa at nagpunta sa mall. Nagtaka si Eula kung ano ang gagawin nila doon. Hindi siya nakatiis at nagtanong ito.
"Sir, ano po ang gagawin natin dito?"
"Mamili ng mga personal mong gamit."
"Good morning, sir!" bati ng saleslady.
"Good morning! Please paki-assist sa kaniya."
"Okay po, sir."
"Eula, sumama ka sa kaniya pumili ka ng mga damit na gusto mo. Miss, bigyan mo rin siya ng mga pormal dress 'yong babagay sa kaniya."
"Okay po, sir."
Nag ikot-ikot si Giby at naghahanap ng mga sapatos at sandal na babagay sa dalaga..
Kumuha si Giby ng isang paris ng takong na may katamtaman lang ang taas. Kumuha rin siya ng dalawang flat shoes na kulay itim para ito sa kaniyang trabaho at isang nike sports shoes.
"Excuse me, sir." wika ng saleslady.
Lumingon naman si Giby. Bigla itong napatitig sa kasama niya at nakasuot ng isang pulang pormal dress. Hanggang tuhod niya ito at lutang ang hubog ng kaniyang magandang katawan.
Napakagandang tingnan ni Eula, kahit wala itong make-up ay bagay pa rin sa kanya ang suot niya. Ngunit bigla siyang napatawa nang makita niya ang gumang tsinelas na suot nito.
"Eula, halika, umupo ka dito." aniya. Umupo siya, umupo rin si Giby sa kaniyang harapan at isinuot niya rito ang kulay pulang heels na kaniyang napili.
"Wow! Bagay na bagay ma'am," nakangiting sabi ng saleslady.
"Salamat..." halos hindi makatingin si Eula sa kaniyang boss. Sapagkat nakatitig ito sa kaniyang mukha.
"Bagay ba sa akin, sir?" pukaw niya rito.
"Yes! Very nice. Gusto mo bang picturan kita?" dahilan niyang tanong. Pero ang totoo siya talaga ang may gusto dahil very attractive ang kaniyang dating.
Pumayag naman siya para may magandang picture siya. Hanggang sa natapos na sila, tinulungan siya ng boss sa pagdala ng mga pinamili nila.
"Sir, sa akin po itong lahat?"
"Oo, para may magamit ka sa trabaho mo."
"Naku! Ang dami nito sir, wala po akong pambayad sa'yo."
"Hindi ko naman sinabi na bayaran mo."
"Ang ibig mong sabihin, sir, bigay ang lahat ng ito?" paninigurado niyang tanong.
"Oo! Malakas ka kasi sa akin." nakangiti nitong tugon.
"Naku! Ang bait niyo talaga, sir... Huwag po kayong mag-alala suklian ko itong kabutihan mo sa akin. Pangako, magtatrabaho ako ng maayos sa inyo."
"Okay, very good!"
Nang makalabas sila'y saka palang napansin ni Eula na ang pangalan ng mall ay 'LA VARGAS MALL'.
"Sir, sa inyo ba itong mall?"
Napangiti siya bago sumagot. "YES!"
"Talagang ang yaman ninyo, sir 'no?!" aniya. Umiikot ang kaniyang mga mata habang pinagmasdan ang kabuuan ng mall.
"May pinahanda na akong uniporme para sa'yo, pagdating natin mag-lunch ka agad at magpahinga. Ala-una ay sasamahan ka ng manager, ituturo niya sa'yo ang mga gawain. Rotation ang trabaho dito sa resorts, every week ay ililipat ka sa ibang trabaho. Working time, eight o'clock in the morning to five o'clock in the afternoon. Twelve to one noon, lunch break." paliwanag niya.
"Okay po, sir..." simpleng tugon niya.
"Nakuha mo ba?"
"Yes... sir!"
"Are you sure?" panigurado niya. Dahil parang niloloko siya sa sagot nito.
"Opo, sir! Gusto mo bang uulitin ko?" hamon niya sa boss.
"Okay, go ahead."
"May ipinahanda na akong uniporme para sa'yo, pagdating natin mag-lunch ka agad at magpahinga. Ala-una ay sasamahan ka ng manager, ituturo niya sa'yo ang mga gawain. Rotation ang trabaho dito sa resorts, every week ay ililipat ka sa ibang trabaho. Working time, eight o'clock in the morning to five o'clock in the afternoon. Twelve to one noon, lunch break." paliwanag niya.
Napahanga naman ang boss, dahil sa husay ng kaniyang memorya. "Good!" tumango-tango ito.
"Maitanong ko lang po sir, may day off po ba ako?"
"Yes, Every sunday."
"Okay sir, thank you," aniya .
"May isa pa akong ipapagawa sa'yo Eula."
"Ano po 'yan sir?"
"Ikaw ang magiging mata at tainga ko sa buong reports, kung may makita kang hindi kanais-nais ay agad mong i-report sa akin. To remind you, wala kang ibang pagsasabihan."
"Opo sir."
ALA-UNA nagsimula si Eula sa kaniyang briefing, kasama ang manager na ngayon ay parang isang santa. Halatang nag-iingat sa bawat galaw at salita niya. Upang hindi niya makalimutan ang mga schedules at ang regulasyon sa resorts ay isinulat niya ito sa isang maliit na notebook.
Nang matapos ang kaniyang briefing ay umuwi na siya. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may nakita siyang shoulder bag sa isang upuan. Tingin niya ay naiwan ito kaya agad niyang nilapitan at kinuha.
"Excuse me, miss!" boses ng isang lalaki.
"Bakit po?"
"Ah... iyang bag na hawak mo sa nobya ko kasi 'yan." aniya. Tinitignan ni Eula ang mata nito na tila hindi siya naniniwala.
"Sigurado po kayo sir?"
"Oo!"
"Ummm... nasaan po ang nobya ninyo, sir?"
"Nasa labas, akin na 'yan miss, nagmamadali kasi kami."
Iba ang pakiramdam niya lalo na't hindi ito makatingin sa kaniya ng diretso.
Hindi alam ni Ula, nakikita pala sila ng kaniyang boss mula sa teresa. Pilit kinuha ng lalaki ang bag na hawak ng kaniyang empleyada, panay naman ang iwas ni Eula.

I WAS BORN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon