CHAPTER FIVE

3.6K 185 23
                                    

Chapter-5

"Kung totoong sa nobya ninyo ito sir baka puwedeng siya ang kumuha. Papuntahin ninyo dito sir maghintay ako."
Umalis ang lalaki para tawagin ang nobya.
"Eula, ano 'yan?" tanong ng kaniyang boss nang makalapit ito.
"Sir, may naiwan kasing shoulder bag ito po 'yon. Sabi kasi ng lalaki sa nobya daw niya."
"O, bakit hindi mo ibinigay?" pagtatakang niya
"E, kasi sir. Parang nagsisinungaling siya e! Kaya sabi ko sa kaniya papuntahin niya dito ang nobya niya. Mahirap na baka maisahan tayo, ibibigay natin tapos hindi pala sa kanila.
Bumalik ang lalaki na may kasama na itong babae, tiningnan ito ni Ula mula ulo hanggang paa. May pag-aalinlangan pa rin siya sa dalawa.
"Hi, ako pala ang may-ari ng bag, ayaw mo raw ibigay sa 'king nobyo." aniya.
Si Giby naman ay nanatiling tahimik at hinihintay kung ano ang gagawin ng kaniyang bagong empleyada.
"Oo, mas mabuti na kasing makasiguro alam naman nating pareho na sa panahon ngayon ay maraming mga manloloko."
"Salamat! Pwede ko na bang makuha ang aking bag?"
"Ummm... hindi pa! Sorry ma'am ha, naninigurado lang ako. Kung ikaw po talaga ang may-ari nitong bag, siguro naman ay alam mo ang laman nito?"
"Yes, of course!" taas-noo nitong sagot.
"Okay! Let's start! Ano ang laman ng bag?" unang tanong ni Eula.
Nagkatinginan ang mag-nobyo bago sumagot ang babae. Agad namang nagduda si Giby sa dalawa.
"Wallet," unang sagot nito.
"Ano pa?"
Biglang nag-ring ang phone sa loob ng bag. "Cellphone," tugon niya.
"Oo nga! Cellphone, kasi tumunog e..." sabi ni Eula. Gustong tumawa ni Giby, ngunit pinigilan lang niya.
"Miss, nagmamadali kami! Pwede bang ibigay mo na sa akin?" eretableng sabi niya. Medyo nainip at nainis na sa ginagawa ni Ula.
"Bilisan po natin ma'am, ano pa ang laman?"
"Haisst! Make-up! Wala ng ng iba." galit na niyang sagot.
"Okay... siguro hindi naman masama kung isa-isahin nating ilabas ang laman. Okay lang po ba?" kalmadong tanong niya.
Muling nagkatinginan ang mag-nobyo na tila kinabahan.
"Wala ka bang tiwala sa amin miss?" hindi nakatiis ang lalaki at nagsalubong ang kilay nito.
"To be honest. Wala po sir!"
Nagkatinginan na naman ang dalawa hindi nila alam na ang katabi niya ay ang may-ari pala ng resorts.
"Sir, okay lang ba kung tingnan natin ang laman ng bag?" paghingi niya ng pahintulot sa kaniyang boss.
"Go ahead Ula," tugon nito.
Inisa-isa niya ang laman ng bag, una niyang nakita ay ang napkin. "Siguro may regla si ma'am," bulong niya. Pero narinig ito ni Giby.
"Ito ma'am hindi mo sinabi," aniya sa napkin
"Syempre! Personal na 'yan eh!" galit nitong tugon.
Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa at ang lahat ng laman ay inilagay niya sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ni Eula ang mamahaling Iphone at ang huli ay ang wallet.
"Akin na ang wallet," biglang sabi ni Giby. Inabot naman niya ito
Nang akmang bubuksan na niya ang wallet ay biglang kumaripas ng tumakbo ang dalawa.
"Damn!" bulalas ni Giby. Dali-dali niyang tinawagan ang guwardya.
"Hoy! bumalik kayo dito! Mga manloloko! Akala niyo maisahan ninyo ako?!" sigaw ni Ula.
"Guard! lock the get. Huwag mong palabasin ang isang babae at isang lalaki, tumawag ka agad sa headquarters!"
"Opo sir!" tugon ng guwardya sa kabilang linya.
"Nakita mo sir?"
"Oo, mabuti na lang at hindi mo ibinigay agad. Salamat Eula. Kung hindi dahil sa'yo baka bukas sira na itong resorts natin " turan niya. Napahanga siya sa talas ng isip at paningin nito.
"Baka matagal na nila 'yang ginagawa dito sir."
"Maybe, mamaya malalaman rin natin ang totoo."
Muling nag-ring ang phone.
"Sagutin mo kaya sir, baka ang may-ari na 'yan." suhestyon niya
Hindi nga ito nagkamali dahil ang may-ari ang tumawag. Sobra itong natuwa, nang ibinalita niyang hawak nila ang bag. Ang ng may-ari ay babalik sila after one hour para kunin ang bag.
Agad namang dumating ang mga pulis dahil malapit lang naman ang headquaters, mula sa resort.
Tumawag ang guwardya sa kaniyang amo upang ibalita na dumating na ang mga pulis at nahuli ang dalawa.
"Halika Eula samahan mo ako. Nahuli na 'yong dalawa."
"Agad-agad sir?! Grabe ang lakas talaga ng powers niyo sir," seryoso niyang tanong.
Biglang tumawa ito. "Anong powers 'yang pinagsasabi mo? Powers sa kilikili?" tugon niya. Hindi mapigilan ang halakhak ni Giby, dahil sa tema ng pananalita nito.
"Sir, maawa po kayo sa amin huwag niyo namang kaming ipakulong," pagmamakaawa ng lalaki. Nakaposas na ang mga kamay nila.
"Maraming salamat mr. La Vargas dahil agad ninyong nai-report ang ginawa ng dalawang ito. Actually, mga wanted ito.."
"Really?! Mabuti naman at nahuli na ang mga iyan."
Nakaalis ang mga pulis na bitbit ang dalawang wanted. Natuwa naman si Giby sa kaniyang bagong empleyada, nang dahil sa kaniya ay nahuli ang dalawa.
Dumating ang may-ari ng bag, doon mismo sa bahay niya pinapapunta. Humarap rin si Eula.
"Mr. La Vargas, maraming-maraming salamat talaga at naibalik sa akin ito. Talagang napaka-safe dito sa resorts ninyo. Hayaan niyo bilang pagtanaw ko ng utang na loob, magpapa-interview ako at ibabalita ko itong LA ISLA VARGAS. As a safer resorts yayain ko rin ang aking mga kaibigan na dito sa inyo mag-punta." Pahayag ng babaeng may edad.
"Thank you very much madam. Malaking karangalan po 'yan sa aming lugar." tugon ni Giby. Banaag sa mukha nito ang sobrang kaligayahan..
"Ako ang dapat na magpasalamat, dahil nandito ang lahat kong ATM card. Merong mga alahas rin na nandito sa bulsa."
Nang ilabas ito ng may-ari ay biglang na tulala si Ula, dahil marami ng ito.
"By the way, madam. Sa kaniya po kayo dapat magpapasalamat. Dahil siya ang nakakita niyan muntikan pang makuha ng mga magnanakaw iyan. Buti na lang hindi niya ibinigay, kaya ayon. Nakakulong na ang nagpanggap na may-ari ng iyong nag. She's my new employee her name is Eula.
"Really? Oh...darling... thank you so much! Sana lahat ng empleyada ay katulad mo na tapat sa trabaho." aniya. Niyakap nito si Ula ng mahigpit.
"Walang anuman madam. Mahal ko lang itong trabaho ko, kaya ginawa ko ang tama."
"Darling, for you! Bilang pasasalamat ko sa'yo." inabot niya ang perang nagkakahalaga ng dalawampung libo.
"Naku! Huwag na po madam. Hindi ko po 'yan matatanggap. Pwede naman tayong gumawa ng kabutihan sa kapwa kahit walang kapalit. Masaya na po ako madam na tangkilikin ninyo ang resort ng aking amo." nakangiti niyang pahayag.
Gulat ang naging reaksyon ni Giby, halos hindi makapaniwala na nagawang tanggihan niya ang malaking halaga.
Kung ang iba ay nagkandarapang nakawin ang bag. Subalit siya'y nagawang tanggihan ang ang bigay.
"GOD BLESS YOU! Darling, Napakabuti mong bata, bihira na lang ang katulad mo ngayon," madamdamin nitong tugon. Hindi napigilan ang sarili at muling yumakap sa kaniya.
"Thank you madam," tugon niya't gumanti ng yakap.
"Mr. La Vargas, huwag mo itong pakawalan hindi ka na makakatagpo nang tulad niya."
"You're right madam." tugon niya na halos abot tainga ang ngiti.
Hanggang sa nag-paalam na ang ginang, naiwan ang dalawa sa teresa.
"Bakit po sir?" pagtatakang tanong niya sa boss. Sapagkat nanatiling nakatitig ito sa kaniya at nakangiti.
"Nevermind it! By the way, maraming salamat sa ginawa mo, alam mo bang napahanga mo ako doon?"
"Naku... wala iyon sir. Ginawa ko lang ang tama, dahil mahal ko itong trabaho."
"Pero, sayang naman 'yong ibinigay sa'yo, dapat tinanggap mo iyon."
"Kung tinanggap ko iyon sir, para na rin akong nagpapabayad sa naitulong ko sa aking kapwa.Kahit mahirap lang ako sir, pero hindi po ako nagpapasilaw sa pera. Lalo na't hindi ko ito pinaghihirapan."
"May punto ka, hmmm... bilang pasasalamat ko sa'yo, sabay tayong mag-dinner at ako ang magluto." presenta niya at hindi pa rin napawi ang kaniyang ngiti.
"Ows? Talaga sir? Marunong kang magluto?" Naku! Ang suwerte naman ng asawa mo sir."
"Anong asawa ang pinagsasabi mo? Wala pa akong asawa."
"Ows? E... suwerte pala ang mapapangasawa mo niyan sir. Biruin mo mayaman na, guwapo pa, higit sa lahat magaling pang magluto."turan niya. Na tila walang pakialam sa mundo.
"Naku! Magaling pala itong mambola."
"Oi! Hindi a! Nagsasabi lang ako ng totoo sir."
"Okay, sige na. Akyat na ako tatawagan na lang kita kapag nakapagluto na ako."
"Okay po... siyanga pala sir, puwede ba akong magluto dito?"
"Oo, naman! Kung gusto mong magluto, umakyat ka lang sa itaas."
"Ay! Nakakahiyan naman sir."
"Huwag ka ng mahiya, simula ngayon may basbas ka na mula sa akin."
"O-okay, salamat po talaga. Kailan pala ako magsimulang maglaba sir?"
"Every saturday na lang, ang araw na iyan ay may sahod ka pa rin at iba sa paglalabada mo."
"Wow! Salamat talaga, sir."
Pumanhik na siya itaas upang magluto. Sa totoo, hindi niya ito ginawa sa ibang tao o kahit sa kaniyang pamilya. Siguro mahigit tatlong taon na rin na hindi siya nagluluto. Ngunit ngayon, bigla na lang namumbalik ang kaniyang sigla sa pagluluto.
Nang matapos siyang makaluto ay agad na niyang tinawagan si Eula sa linya. Dali-dali naman siyang umakyat, sapagkat ay ayaw niyang pahintayin ang boss. Kumatok siya sa pinto kahit nakabukas pa ito.
"Come-in!"

I WAS BORN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon