Pamilya

6.5K 5 0
                                    

Mula ng tayo'y pinanganak anjan sila upang tayo'y gabaya at alagaan. Magsakripisyo mailagay ako lamang sa ayos. Sino nga ba sila? Sila ang aking pamilya.

Sakanila ko unang nag aral. Binigyan nila ako ng sapat na kaalaman upang aking matutong umangat at maging mabuti sa kapwa. Sila ang aking una at huling guro. Ang aking pamilya. Hindi ko man nakasama ang aking Ama ngunit ipinaramdam naman ng aking Ina at mga kapatid na ako'y kanilang mahal. Pinunan nila ang pagkukulang ng aling Ama na ni minsan ay di ko pa nakikita. Salamat sa aking Ina na patuloy na nagsasakripisyo maingat lang ako sa bawat pagkakamali na aking nagagawa. Mga pagsubok na dumadaan ay hindi alintana basta nariyan ang aking pamilya. Sila ang naging inspirasyon sa bawat pagsubok na hinaharap. Naging saya sa bawat lungkot ba dinadanas.

Salamat sa magagandang asal na inyong ibinigay. Sa mabuting pangaral na I yong ipinapabaon. Ito' mananatili sa akin at dadalhin san man mapunta. Mahal ko kayo hindi ko man ito naipapahayag at alam ko na ang pagmamahal ng pamilya ay una parin sa lahat.

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon