Kalikasan

691 2 0
                                    

Mga puno na kay sarap tignan. Hangin na humahampas sa aking mukha ay tila ba'y nagiging hele upang ako'y patulugin. Langit na kay sarap titigan kasabay ang pag lubog ng araw. Ang mga patag na lupa kung saan may mga paru parong dumadamo sa bawat halaman. Ang bawat paghampas ng alon ba kay sarap pakibggan. Kay sarap maglinay linay kapag ganito ang iyo'ng paligid. Ngunit, anong nangyari? asan na Ang dating ganda ng Kalikasan?

Nung ako'y nasa elementarya pa lamang aking naaalala ang aking pagkahilig sa halaman. Ang matayog na puno na aking kaibigan, madalas ko siyang kinakausap bago ako pumaaok ng eskwela at alam ko na siya'y natutuwa dahil sa tila walang humpay na pagkumpas ng kanyang mga sanga tuwing ako'y titigil sa kanya upang similong mula sa malalago niyang dahon. Naging gawain ko na ang pagtigil sa kanya mula noon, ngunit ng ako'y nalungkot ng isang araw may mga taong unti unting ginagawa ang kanya g pagbagsak. Ang mga sanga at sahon niyang malalago ay unti unti g bumagsak sa lupa, Ang dating napakayabong na puno ay nawalan na ng buhay. Tuminin ako sa paligid at napagtanto ang pagbabago, ang nga patag na luma ay napalitan ng matataas na gusali, ang hangin ay hindi na sariwa dahil sa usok na gawa ng mga sasakyan. Ang mga dagat at ilog ay itim na at tila ba basurahan dahil sa mga nakalutang basura. Nauubos na ang ganda ng ating Inang Kalikasan.

Mahalaga ang pag alaga at pagyayabong sa ating munting kalikasan, paano na lamang tayo kapag ito'y tuluyang masira? Alagaan sana natin ang bibigay ng maykapal, Ang ating munting kalikasan ang siya'ng nagbibigay satin ng hangin upang tayo'y nakahinga, nagbibigay tubig at pagkain sa ating pagkauhaw at pagkagutom. Huwag sana nating pagsamantalahan at ating buuin ulit ang ating Inang Kalikasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon