The Words I Want to Say
Isa lang naman ang aking tinatangi
Yun ay ang makita ka palagi.
Alam kong imposible ang gusto kong mangyari
Pero ikaw lang ang makakakumpleto sa akin,
literal man o hindi,
napakalayo mo sa akin
Na dahilan ng aking pagkahulog
Pero ako'y muling babangon dahil sa ngiti mong nakakahulog
Ang sarap isipin na merong ikaw
ikaw na nagpapasaya sa akin araw-araw
Ngunit ang sakit isipin na walang ako
ako na kailanma'y hindi magiging mundo mo
Dahil sa iyong kasikatan,
Ako'y natatabunan na ng iyong mga tapat na taga hanga
Dahilan na ako'y iyong ipag walang bahala.
Siguro nga'y hanggang tingin nalang ang aking magagawa.
Sa kabila ng lahat,
Pangako'y ako'y magiging tapat.
Lagi kang susuportahan at ipagdarasal,
Na sana'y ika'y mag tagumpay.
Salamat sa iyong ngiti,
Ngiting nagbigigay ligaya sa akin.
Salamat sa iyong awitin,
Awiting nagbibigay lakas sa akin.
Lahat ng ito'y para sa'yo
Mga salitang aking gustong ibahagi sa'yo
Ika'y mananatiling aking inspirasyon
KOIKE TEPPEI, ito'y para sa'yo