HAPPY NEW YEAR! 😘
°•○●●○•°
To love
WALA pa akong mahanap na trabaho na malapit dito sa tinutuluyan ko. Ang gusto ko sana ay yung pang-gabi. Para di hassle sa klase. Kaunting units lang naman ang in-enroll ko para di mabigat. 3 minor at 2 major subjects para sa course kong engineering.
Civil Engineering, specifically.
Good to know that they offer my course.
May iba namang na-credit na mga subjects ko na nakuha ko na sa CU dati.
Gusto ni Papa na mag-take ako ng Business related course gaya ng kay Danstyl ngunit di naman yun ang hilig ko. Ayaw kong ma-stuck sa course na hindi ko mapapanindigan.
Gumayak ako sa pang-alas tres na klase. Hapon lang ang klase ko ngayon dahil 'yon lang ang naka-schedule. May mga araw naman na hectic ito.
Himala yata at wala akong naririnig na balugbog sa kabilang apartment. Asan kaya siya?
Nagsuot lang ako ng simpleng puting v-neck tshirt at maong na pants. Hinablot ko ang itim na backpack ko saka lumabas ng kwarto.
Nagtimpla ako ng kape. Wala pa kong pwedeng lutuan dito sa apartment. May heater naman. Wala nga lang gasul ngunit mayroon namang single burner na lutuan. Bale bumibili lang muna ako ng luto na pagkain sa kung saan jan.
2:30 na. 15 minutes lang naman kung sasakay ng jeep papunta sa school.
Lumabas na ako.
Tinignan ko ang pintuan nila Halcyon nang mapalingon ako dito. Pero tahimik pa rin. Ano kayang nangyari?
Agad akong umiling para tanggalin ang iniisip. Hindi dapat ako makialam. Sarilinin ko na lang ang opinyon ko.
Mahirap magsalita kung wala kang karapatang magsalita.
Ni-lock ko ang bahay saka dumiretso na para bumababa.
HINANAP ko ang room kung saan nakalagay sa schedule ko. Hindi naman mahirap maghanap dahil nakahiwalay naman ang engineering building sa iba pang courses. Malaki at marami kasing estudyanteng nag-ti-take nito.
Pumasok ako sa room nang makita ko ang numero na nakasaad sa papel na hawak ko. Ito na nga 'yon.
Maingay.
Rinig na rinig kong magugulo ang mga magiging kaklase ko. Nanahimik naman sila nang mapansin ako. Dahil siguro bagong mukha?
O akala nila Prof?
"Transferee?"
"Nag-simula na ang klase diba?"
"Okay lang 'yan. Pogi naman."
"Shh. Manahimik ka nga."
Umupo ako sa pinakadulo. Hindi ko pinansin ang mga kaklase ko sa kung anong pinagkukumpulan nila sa isang sulok.
Ang iba naman. Nakahiwalay ang grupo at tahimik lang na nag-oobserba sa klase. Gaya ko.
"Yup."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig na sagot na 'yon. Yup? San ko nga ba narinig 'yon?
"Mas madali sana kung sa laptop dahil may autocad naman na app na pwedeng ilagay d'on."
Mas nagsiksikan naman ang mga estudyante d'on, mas partikular na puro lalaki, sa nagsasalita. Kumbaga nasa gitna siya.
Interesadong interesado ang mga nakikinig.
BINABASA MO ANG
Carpe Diem [ShortStory]
Short StoryMay kasabihan tayo na, "Live your life to the fullest", kumbaga, mabuhay tayo sa paraan na gusto natin. Mabuhay kung saan tayo sasaya. Kung saan tayo masaya. The good thing about life is that we can create our own happiness, right? Wala namang tao s...