Wakas

53 4 0
                                    


This ends the story of Dyran and Halcyon. Thank you for reading, guys! I really like this story.
I dunno why :(

💠💠

SA DAMING araw, linggo at buwan kong tinagal sa bagong paaralan at sa bagong tirahan, hindi nangyari minsan na hindi ko makita si Halcyon.

I got to see her everyday.

Lagi niya kong kinukulit.

Nakakainis ang bawat ngiti niya. Nakakairita ang mga tawa niya.

Lalo na kapag todo ang ngiti at tawa niya sa mga lalaking nakapaligid sakaniya.

"Halcyon! Patulong naman ako dito. Ganda ng mga drafts na gawa mo eh!"

Isang lalaking gumagawa ng galaw na ubod ang ngisi sakaniya. Habang etong babae naman na 'to walang ginawa kundi tumango at handang- handa na tumulong.

"Sure! San ka ba nahihirapan jan, Lex?"

Nag-iwas naman ako ng tingin saka tumayo na sa pagkakasandal ko sa puno dito sa Oval. Nakakairita 'tong dalawang 'to. Mabuti pang umalis na lang.

"Oh! Dyran, san ka pupunta?" Akmang tatayo na rin siya at di na pinansin un kausap na unggoy.

Nagkibit balikat lang ako saka sumagot. "Jan lang sa tabi tabi."

"Sama ko!"

Ramdam ko naman ang lisik ng tingin sakin ni unggoy. Kaya binigyan ko siya ng isang mapang asar na ngisi bago naunang naglakad.

"Anong ngini-ngiti mo jan?"

Agad ko namang pinigilan ang pagtaas ng sulok ng labi ko. Di ko alam pero ang sarap sa pakiramdam tuwing gagawin ni Halcyon 'yun. Yun tuwing makikita niyang aalis ako agad niyang titigil un ginagawa niya saka susunod sakin. O sasama siya sakin.

Kahit wala siyang kamuwang muwang sa ginagawa niya.

"Kain tayo, Dyran~"

Inabot niya ang t-shirt ko para mapigilan ako sa paglalakad. Kakayari naming gumawa ng special project namin sa isang subject. At di ko rin alam kung bakit at paano kami naging magkagrupo samantalang hindi naman talaga ako sanay na may kagrupo sa ganito.

"Oo na. San mo ba gusto--"

"Hi, Dyran!"

Natigil ako sa pagsasalita. Lumipad ang tingin ko sa harapan namin. Nahinto kaming parehas sa paglalakad nang humarang sa harapan namin ang President ng Student Organization ng CEn (Civil engineering).

Nagtago sa gilid ko si Halcyon. Napansin kong medyo nailang siya at umiwas na makita nang President. Naalala ko nga pala na dahil nakwento niya sakin dati na ayaw niya sa babaeng ito. Lagi siyang sinasamaan ng tingin ng hindi niya alam ang dahilan.

Hindi ko rin naman alam kung bakit sakin nagsusumbong 'tong hibang na babae na 'to.

"Second year na kayo, right? Legal na kayong maging member ng CESO. May orientation na gaganapin mamaya. You want to try?"

Sa akin lang tumingin un babae kahit alam niyang Engineering din si Halcyon. Ako lang ang gusto niyang pasalihin. Hindi un tanong dahil sigurado ako. Kita naman sa interes na binibigay ng Presidente.

Buti na lang ayoko. Ayoko rin naman pasalihin dito 'tong babae na 'to.

"Di ko naman alam 'yang org niyo. Mas lalong di kita kilala. Nag aaksaya ka lang ng oras sakin. We'll leave now."

Kumunot naman ang noo nung babae na di ko alam ang pangalan dahil wala rin akong pakielam. Nataranta siya dahil aalis na talaga kami. Hinila ko ung nasa likod kong parang natuod na. Saka dun niya pa lang tinignan un kasama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carpe Diem [ShortStory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon