Another Day

1 0 0
                                    

Day 2

Isang nakakagulat na pangyayari ang nangyari ngayong araw.

Naloka ako mga bes alam nyo ba kung bakit?? Ireveal ko na ba?

(A/N: cge wag mo ireveal ng matapos na ang kwento mo agad.)

Huwag author maawa ka day 2 pa nga lang ako di pa nangangalahati ang kwento ko. Sige na sasabihin ko na kahit alam mo naman to kasi ikaw ang nagsusulat.

Ipinakilala sa akin ang fiancee ko. Di ba instant sure win na may asawa na agad ako. Hindi ako tatandang dalaga pero infern uso pa pala ngayon yun.

Okay naman sya tall, dark and handsome and smart na din.
Tinitiliin ng mga babae at myembro ng isang banda.

Paano ko nalaman kilala lang naman sya. Si Franco Sy. Half half din sya di ko nga pinapansin yun.

Hindi ko sya naging crush pero di ako lesbian ah. Sadya lang talaga di ko sya type.

Yari na naman ako sa mga girls sa university lalo akong mabubully. Oo narinig nyo tama.

Binubully nga ako dun, mayaman ako pero ganito. Hindi naman kasi ako tulad ng mga nababasa nyo sa wattpad na kwento na bitch kapag mayaman.

Real life to kaya hwag na magtaka pero palaban ako kaya di basta-basta. Hindi rin ako gaya ng damsel and distress na may prince charming na magliligtas.

Kakasabi ko lang matapang to di ko sila kailangan. Sige dito na lang Sui, bukas ulit.

Lights off

Diary ni Sui Where stories live. Discover now