Serenity Faye Davis
"Miss Davis!" sigaw ng math teacher ko.
Jusko. Faye you zoned out again!
"Yes, Ma'am?" sabi ko. Kinakabahan ako jusko."Would you mind answering the equation on the board?" sabi niya.
Buti nalang pala math 'to! Kung history patay na ko.
I answered it easily. Simple algebra lang naman kasi.
Biglang nag ring yung bell. Ayooon! Lunch na bes! Konting tiis nalang makakaalis na ko sa prison na 'to.
Pumunta muna ko sa locker ko para kunin yung books ko sa Science at English.
Pero nandoon na pala si Chloe.
Si Chloe ang bestfriend ko ever since i was 5. Magkasama kami for almost 13 years na. Amazing nga e. Siya lang yung nagiisang taong sinasabihan ko ng mga problema ko at mga katarantaduhan sa buhay. Kahit anong mangyari di ko siya kayang iwan.
"Fayeeeee! Kanina pa ko nandito may sasabihin ako!" jusko bunganga naman ng babaeng to. Di kayang manahimik e. Mukhang masaya 'tong gagang to ha? Ano kaya meron?
"Bakit? Ano meron?" tanong ko.
"Bes! Niyaya ako ni Colton mag-dinner tonight!" sabi niya. Di niya basta basta sinabe yon. Oh no! Dyan ka nagkakamali. May matching hampas 'yon ng 3 beses! Jusko ansakit ng braso ko.
"Alam kong happy ka pero seryoso? Kailangan may hampas?" sabi ko sa kanya. Ansakit kasi talaga e.
"Sorry bes. Happy talaga ko. Crush ko yon e!"
Speaking of Colton, dumaan siya sa hallway kasma mga tropa niya. Which consists of himself, Adrian, Carlo and Jaxon. Known sila sa school namin as Badboys. Alam mo yung mga stories sa Wattpad ba yon? Tama ba? Na puro badboys? And nafa-fall sila sa goodgirls? Pero sila iba sila e. Nafa-fall sila sa kapwa nila badboy!
Chos lang. Grabe naman yon hahahaha. Sayang kagwapuhan nila kung mahuhulog din sila sa kapwa nila badboy diba? Hahahaha. Pero they fall for badgirls. No goodgirls. yaw daw nila sa goodgirls kasi feel nila walang fun.
Kami namang magtotropang babae dito sa school sa tingin ng mga estudyante ay 'Badgirls' kaya siguro nagkaroon ng interest si Colton kay Chloe. Sa tropa namin apat lang rin kami. Ako, si Chloe, si Savannah, tsaka si Ashley. Pero thoughts ko kay Colton tsaka kay Chloe? They make a good match though. Maganda naman si Chloe. Gwapo naman si Colton. Hmm. Kfine.
Tumingin si Colton samin ni Chloe. Pero instead na si Chloe ang titigan niya ng matagal, ako tinitigan niya. Problema kaya non? Sapuken ko 'yon e. Char lang. Hahahaz.
"Edi magdinner kayo mamaya. Gusto mo tulungan ka pa namin nila Sav mag ayos e?" sabi ko sa kanya.
"Sige bes! Salamat! Tara na sa canteen though. Baka nandun na sila nagiintay satin." sabi niya.
Naglakad kami ni Chloe papuntang canteen. And as expected nandoon sila Sav. Nakita kong nasa katabing table sila Colton. They usually don't sit to the table next to us. Ang weird. Hmp. Nevermind.
"Guys mag didinner kami ni Col-" tinakpan ko bunganga ni Chloe. Jusko kahit kelan. Bunganga nentong babaeng to. Tinitigan ko siya ng masama.
"Nandyan lang sila sa kabilang table." binulong ko sa kanya. Pagtingin niya sa kabilang table. Tumatawa na yung tatlong tropa ni COlton habang nakatingin kay Chloe.
"Seriously, Colton? Si Chloe pa? E mas maganda pa si Serenity sa kanya e. Mas matino pa. Mas sexy." sabi nung tropa niya. Si Adrian ata?
"It's just for tonight. I'm just really bored yah know? I'll forget her tomorrow." sabi ni Colton.
Aba! Masasapak ko 'to! Ano? One night stand lang kyah? Baka iumpog kita sa pader.
Biglang tumayo si Chloe para mag order ng pagkain.
Tumayo rin si Colton at pumunta sa table namin.
"Problema mo?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw. Ikaw problema ko, may gusto ka ba saken? Kanina ko pa napapansin na sakin ka nakatingin simula kanina dun sa hallway e." sabi niya ng naka-smirk.
Pa-smirk smirk pang nalalaman baka itapon ko to sa ilog e.
"For your information, wala akong gusto sayo. Di porket tinitignan kita, may gusto na ko sayo. Lakas mo naman kung ganon. May standards rin ako no, di ako tulad ng iba na kung sino sino lang pinapatulan. Kaya kung ako sayo, umalis ka na sa harapan ko bago kita isako at itapon sa ilog. Alis!" sabi ko. Jusko he's so full of himself! Kala mo kung sinong gwapo e! Kung makaasta, kala mo hari e. Tsk.
"May standards ka? At ano ano naman yon? Gwapo? Mayaman? Maputi?" sabi naman niya. Putcha. Naka-smirk nanaman siya.
"Di lahat ng babae gusto gwapo, mayaman at maputi. Minsan sapat na samin yung may pinag-aralan, may takot sa Diyos, mapagkumbaba, may respeto sa kababaihan at magalang. You don't have the traits i have said, which translates that i don't like you. Undestand that. Wag mong pilitin ang ayaw." sabi ko.
"Pre, wala ka ng pag asa dyan. Lahat ng sinabi niya wala ka non e." sabi ni Jaxon.
Tumawa naman si Sav tsaka si Ash.
Bumalik naman si Chloe na may dalang pagkain.
"Oh! Nandyan ka pala Col. Why are you here?" tanong naman ni Chloe.
"Bakit? Bawal ba ko dito?" sabi ni Colton at tumayo sa kinauupuan niya. Pagtayo niya, ay binatukan niya naman si Jaxon at umalis na ng canteen. May pahabol pa nga na tingin sakin e. Kung makapagsabi na ako may gusto sa kanya e, baka siya naman may gusto sakin. Kanina pa natingin tsk. Hayaan na nga.