Chapter 14

38 1 0
                                    

I look to her, she was sleeping now. Ang himbing ayoko pa talagang gisingin sya pero i have no choice, Nandito na kase kami actually 15mins na akong naghihintay na magising sya. Ayoko kaseng madistorbo ko sya.

"Honey." Bulong ko sa kanya. Naramdaman nya na siguro kaya nag-angat ito ng tingin saakin. " Why?" She asked " Honey yung laway mo tumutulo. Sabi ko sa kanya. Kaya ayan nagmadali nyang pinunasan ang bibig nya. "Hahahha. Joke lang" sabi ko at nag peace sign pa sa kanya. " fvck you ka honey" at hinampas nya ako sa braso ko. Ako naman eto tawa ng tawa ang cute nya sobra.

"Nandito naba tayo?" She asked at kinukusot kusot pa nya ang mata nya. "Yes hon, kanina pa." Sagot ko. "Bakit hindi mo ako ginising? Yan tuloy, nag-antay kapa.Sabi nya ng may pagtampo na tono. Tara na nga" yaya nya at bumaba na sya sa sasakyan.

" Wow! Honey is that your Mansion? Wow grabe ang ganda" sabi nya habang naka tulala sa bahay ko. Kaya ko sya dinala dito because i want to tell her about my past, gusto kong sabihin lahat, gusto Kong maging open sa kanya,gusto ko malaman nya ang totoo. " Lets go hon" niyaya ko na sya para pumunta muna sa kusina. Nagluto ako ng pagkain habang sya hinayaan kong malibot muna ang mansion.

Nang maluto ko na sya hinanda kona ang pagkain sa lamesa at pinuntahan sya. " Hon.... honey" tawag ko sa kanya. Pero walang sumasagot. " Honey kakain na" sigaw ko, Nasaan kaya yun? Tanong ko sa sarili ko. Nang makalabas ako ng bahay i saw him on the garden she was staring to the flowers in front of her. Pinagmasdan ko lang sya, hangang sa alisin nya na ang mga bulok na dahon sa halaman.

Mukhang napansin nya ang persensya ko kaya tumingin ito sa direksyo  ko."O-oh hon kanina kapa ba diyan?" Tanong nya. I nodded to her,  pumunta ako sa direksyon nya at tinabihan sya.

" Diko alam mahilig ka pala sa rosas" sabi nya habang patuloy na tinatanggal ang mga bulok na dahon. "A-ahh no hon hindi ako mahilig diyan." Sabi ko at tumingin sa pool. Magkalapit lang kase sila ng pwesto. " Nga pala hon, Sino Mira Ysabelle?" Tanong ko.

                    Cindy Pov

Tutal nag luluto si Jd, hinayaan nya muna ako libutin ang mansion. Inuna kong puntahan ang pool area. Grabe napaka ganda naman dito. Malawak ito at napapaligiran ng mga magaganda at maliliit na halaman pero ang umagaw ng atensyon ko ay ang garden doon. Napaka-dami at napaka ganda ng view very pleasant. Lumapit ako dito at umupo pinagmasdan ko ang mga rosas na ibat-iba ang kulay may puti, pink at pula. Nakakita ako ng maliit na gunting doon kinuha ko iyon at sinimulang alisin ng mga sirang dahon ng halaman.
"O-oh hon, kanina kapa ba dyan?" Sabi ko sa kanya" tumango naman sya at tumabi saakin. Natanong ko sa lanya kung sino si Mira Ysabelle? Kitang kita ko ang pag-kuyom ng palad nya at madiin na pagpikit ng mata nya. "Hon, are you okay?" i asked him, hinawakan ko ang mga kamay nya, " okay lang kung hindi mo sasabihin" sabi ko at niyakap sya.

"She's my ex" putol nya sa katahimikan. "You know hon, i brought you here because i want to tell you about my past. About my f-vcking past" sagot nya at hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.  " Okay hon, tell me about your past" tumayo na sya at kinuha ang kamay ko. " Doon tayo hon" turo nya sa isang bench na kalapit lang din ng garden.

" She's my ex girlfriend, panimula nya. Alam mo hon this house is to her, pinagawa ko itong bahay na ito para sana sa kanya, saamin." Sabi nya na walang kaemo-emosyon ang tono nya. "Saamin?" Tanong ko. "Yes ganito kase yun Honey....

Flashback

"Hello... ah sir okay na po lahat." Sabi saakin ni Aling Belen. "Sige po manang, susunduin kolang po si Yssa" sagot ko sa kanya kakauwi ko lang galing ng Baguio, para sabihan si Aling Belen na ayusin ang bahay. May plano kase ako na ginawa doon. Panigurado ako ngayong gabi to ang pinaka masayang araw ko kapag narinig ko ang matamis nyang Oo.

Ng makarating ako sa harap ng company na pinagta-trabahuan ay agad kong pinarke ang sasakyan di kalayuan sa entrance ng hall. Nagantay ako doon, sabi nya kase may meeting daw sila para sa international ramp modelling. Kaya kailangan nyang pumunta.

Habang iniintay sya, kinuha ko sa bulsa ko ang engagement ring at tiningnan ko iyon nag-practice pa ako ng mga linyang sasabihin ko sa kanya. Ng makita ko na may lumalabas ng mga models ay agad pinasok sa bulsa ko ang singsing at lumabas ng kotse.

Ng mapansing kong nag dadamihan na ang mga lumalabas ay pumunta na ako malapit sa exit. Gusto ko syang salubungin,gusto ko syang sorpresahin.

Yumuko ito at tumingin sa kanyang paanan.

Pero wala, wala akong nakita kahit anino nya wala.

Pumunta ako sa guard para magtanong kung nakita nya si Yssa sabi nya nakita nya daw ito na sinundo ng mamahaling sasakyan, akala nya daw ako yun.
"Pasensya na Sir, akala ko po kayo" sabi ng guard. "Ah Manong paki text nyo nalang po ang number nato, sabay abot ng calling card. Kung sakaling makita nyo sya. Salamat po" Matapos kong sabihin yun ay nagmadali na akong pumunta sa kotse para kunin ang cp ko para tawagan sya.... pero wala disconnected.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng gabing yon. Lahat ng mga kakilala kong mga kaibigan nya tinanong ko kung nasaan sya pero lahat sila sabi wala. Tangina yung araw nayon ba uso ang salitang wala? Bakit? Bakit noong araw na yon pa? At bakit may pagkakataong kung kailan inaasahan mong yung araw nayon ay mahalaga hindi pala. "Expect the Unexpected" ika nga nila.

Simula ng araw na iyon nawalan ako ng gana sa lahat. Lagi akong naglalasing bar at kung sino sinong mga babae ang naikakama ko makalimutan ko lang sya. Ginawa ko na lahat ng makakaya ko mahanap ko lang sya pero wala, kahait text o tawag wala man lang akong natanggap mula sa kanya.

Alam mo yun ginawa mo naman ang lahat na ikakasaya nya pero magugulat at mapapatanong ka nalang sa sarili mo na "Mali ba ako?"

Hindi naman ako bato na kapag iniwan nya parang wala lang, may puso ako Cindy . sabay turo nya sa puso nya gamit ang hintuturo nya. hindi nya nga lang pinahalagahan pero ngayon magsisi sya.

The Man I DesireWhere stories live. Discover now