Part 3

62 1 0
                                    



"Hoy! Babaeng nakainom ng isang boteng vitamins! Saan ka na naman pupunta?!" One moment she was playing some random games in one stall, pagtalikod ko, mabilis pa sa alas dos siyang nawala sa paningin ko.

"Tyler! Maraming pagkain doon oh! Dali!" She popped out from behind me na may hawak-hawak na blue na cotton candy. She smiled brightly na para bang wala nang bukas habang hinihila ako papunta kung saan man kami papunta.

Nang tanungin ko siya kung saan niya gustong pumunta, she pointed us here. We are currently at a seaside fair by the beach. There are many stalls that are selling games and merchandises, maraming ding rides, malaki man o maliit ang nakapalibot dito sa malapad na beach na to. And she has no intention of stopping until we rode all of it.

I realized, to all the stress that accumulated through these past few weeks, mukhang wala namang masamang mag enjoy paminsan-minsan. I envy how she's enjoying it, she's living in the moment. I snapped out of it nang mawala na naman siya ulit sa paningin ko.

Damn. Asan na naman siya? In the swarm of these people, paano ko siya hahanapin? Hindi talaga siya nauubusan ng battery. I smiled at the thought. Napaface palm na lang ako. Nababaliw na ata ako.

"Tyler! Tyler! Tyler!" Sigaw niya na parang nakalunok ng megaphone. Nakita ko siyang nakatayo at masayang nagwave sa akin malapit sa entrance ng isang ride. Naglakad ako papunta sa kanya.

"Don't go shouting my name. Baka may makakilala sa akin." Mahinang bulong ko sa kanya.

"Ay, oo nga pala.Sorry." She said with a peace sign at parang baliw na nakangiti.

"Kamay mo." I said on an impulse.

"Huh?" Nalilito niyang tinignan ang mga kamay niya. I just smiled and grabbed her hands and locked our fingers. I saw a large smiled formed on her lips as she looked at me. My heart skipped a beat nang marealize ko kung anong ginawa ko.

"Mas malikot ka pa kaysa sa kiti-kiti. This is just to make sure hindi ka na naman mawawala." I said defensively habang umiiwas ng tingin.

"Baka mag-isa na lang ako umuwi mamay—"

"—e you, Tyler." Mahina niyang bulong. Napatigil ako. I didn't heard her clearly.

"Ha...anong sabi mo?" Tanong ko.

"Wala, ang sabi ko ang daya mo." Sabi niya habang malapad na nakangiti at nagbelat pa. Ahh! This crazy girl is making me crazy as well.

"Kyaah! Hindi ba si Tyler yun!?" Malakas na sigaw ng isang babae. Ilang metro ang layo sa amin.

"Oo siya nga!" Nabaling ang attensyon ng ilang tao sa amin. Akma silang lalapit nang mamukhaan nila ako. This is bad.

Tinignan ko siya to signal her kung anong nangyayari. She smiled and nodded and held my hands tightly.

"Takbo!" Malakas na sigaw niya.

Tumakbo kami ng mabilis papalayo sa mga babaeng papunta sa amin, like our life's depending on it. I never felt so breathless before but at the same time, I can't deny I am already having fun, all thanks to her. I never noticed that I was still holding her hand tightly. I was already catching my breath nang makalabas kami sa Fair at umabot dito sa dalampasigan.

"Waah. Ang saya nun ah." She broke into laughter at napaupo sa buhangin. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko ding maiwasang hindi matawa. Napaupo din ako sa buhangin kasama siya. Rose quartz and serenity, I stared at the colors emitted by the setting sun in the sky that is slowly engulfed by the beach. I never noticed before that a day could be this fun and beautiful at the same time kasama siya.

"Finally!" Bigla na lang siyang napatalon siya sa tuwa.

"Oh bakit?" Masayahin siyang tao pero hindi ko pa siya nakita ganitong kasaya na parang nanalo ng isang milyon sa lotto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SomedayWhere stories live. Discover now