Sam's Point Of View..."Ayan na! Ayan na sila!!" Sigaw ko kay Ate Vinnee habang tumatalon. Tinuro-turo ko pa ang BTS sa laptop ko. Pinsan ko nga pala sya.
Umirap na lang siya. "Alam mo Sam, puro ka sa laptop! Try mong mag-ipon para makita mo sa personal itong si Jungkookie at ang BTS!" Naiirita niyang sabi.
Psh.
Porket nakita niya na ang BTS sa personal! Yabang talaga neto! Pero, tama din naman siya. Kung mag-ipon kaya ako?
O sige na nga! Gagawin ko to para sayo Jungkook!
"Tama ka Ate Vinn. Mag-iipon na talaga ako. Thanks!"
****
Tatlong Linggo na akong nag-iipon. Pinipilit kong magtipid, kahit mahirap. Kasi, pag nakakakita ako ng masasarap na pagkain o kaya, mga merchandise ng BTS para akong ewan na pipikit at didisiplinahin yung sarili ko. Minsan, yung tirang baon ko sa trabaho na bigay ni Mama, nilalagay ko sa alkansya na pinag-iipunan ko para sa ticket at para sa flight.
3 buwan na lang, concert na ng BTS at hindi na ako makapaghintay! Kaya todo work ako!
Nandito ako ngayon katabi ni Ate Vinnee na nakahiga at nagbro-browse sa fb. Ako naman, eto tinititigan ang pictures ni Kookie ko. Pogi!!
"Uy! Kanina ka pa dyan nakatitig, ah. Isang oras na!" Sigaw sa akin ng katabi ko.
"Che!" Sigaw ko sakanya.
"Nga pala, musta pag-iipon?" Tanong niya.
"Eto, medyo madami-dami na ang naipon." Sagot ko. "Kalahati na lang eksakto na." Dagdag ko pa.
"Mukhang pinagbubutihan mo yan ah!"
"Syempre Ate! Para kay Kookie!"
BINABASA MO ANG
Totally In Love With Jungkook
Short StoryThe Girl Named Sam In This Story Is A Huge Fan Of The BTS Group In Korea. Her Favorite Member Of The Group Is Jungkook. A Handsome Korean Boy In The Group. He Really Love This Boy Named Jeon Jungkook. She Is Willing To Give All Her Best Just To Meet...