4: I Love You Jungkook

404 14 0
                                    

Sam's Point Of View...

Omyghad! This is it, pansit!

Pumapasok na ako ngayon sa building kung saan magaganap ang concert!! Yieee!!

Dala ko na ang ginawa kong poster para sa BTS. Ghad. Ang hirap kayang gawin neto. Kung di lang nila makikita, sayang lang effort ko. Ganda ko pa naman masyado.

Napalingon ako sa mga nagsisigawan na tao. Oshit!! Lalabas na sila!!!!

Unang lumabas si Rapmon na nakapogi-sign. Cute!! Sumunod naman si Jin at Jimin na magka-akbay! Hot!! Lumabas si Taehyung na nakangiti. Alien attack na naman!

Lumabas si Suga na naka-cap. At si J-hope na kumikindat-kindat pa. Tuloy-tuloy ang sigawan at mas lumakas ng nakisali ako dahil si Jungkook na! Sya na! Sya na yan!!!! Putres!

"Waaaaaaahhhhh!!!!! Jungkoook!!!!" Sigaw ko at halos mairita na ang katabi ko dahil naiiitulak ko na sya. Napairap na lang ako.

Kumaway sya at tuluyan ng nalusaw ang puso ko. Lumapit lahat sila sa unahan at sinabi, "We all love you!!" Shet!!!!

"I Love You Jungkook!!!!!!!!!" Sigaw ko.

Parang akong ewan pero wala akeng pake! This is my moment! And I'll not waste my time, like duh!

Sigaw pa rin ako ng sigaw ng may kinuha silang roses. Lahat sila may hawak na. Pumili sila ng volunteer. Iaabot nila ang mga roses sa mga volunteers. At todo Sigaw ang mga tao. Pero ako ay nakakibit-balikat lang at hinihintay si Jungkook. Nang si J-hope na , na kasalukuyang katabi ni Jungkook ay hinanda ko na ang sarili ko.

Tapos na si J-hope at si Jungkookie na. Sigaw ako ng sigaw at napapikit na lang ako nang tuturo na ang kamay ni Jungkook sa isang babae. Hindi ko alam at bigla na lang may tumulo na luha sa mata ko.

"You." Sabi ni Jungkook at nakapikit pa rin ako. "You." Ulit niya kaya napamulat na ako dahil nainis ako sa tinawag niya. Syempre. Dapat hindi pinapaghintay ang asawa ko. Palitan ko pa sya.

Pagmulat ko nagulat na lang ako ng nakita kong nakaturo na sa akin si Kookie. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko at may tumulak sa akin para tumakbo at sumigaw habang papalapit sa kanya. Para akong baliw pero no one cares.

Narinig ko ang pagtawa sa mic ni Jungkook. Narinig ko na din ang tawa ng buong grupo.

Niyakap ko si Jungkook. At naramdaman kong tinap niya ang likod ko. Ibinigay niya sa akin yung rose. Agad naman akong nagsalita ng, "Kamsamnida!"

Hanggang matapos ang araw ko isang masayahing mukha ang tumapos nito.

All I Can See, I'm Totally In Love With Jungkook.

The End.



Totally In Love With JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon