October 19 , 2017
Tang ina.
Ang sakit.Gusto kong magalit. Gusto kong ipamukha sayo na sobrang sakit ng ginagawa mo. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumuko pero alam kong hindi ko kaya. Gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw sayo na puta hindi na to selos , nasasaktan na ako. Sobrang sakit jo.
Eto na siguro yung sinasabi nilang karma. Karma. Oo nga. Eto na nga.
Kasi diba , nasaktan ko siya dati. Nagkaroon ako ng iba. Nagpakasaya. Ang gago diba?
Ganito pala yung pakiramdam.
Yung sobrang seryoso mo , tapos nagsisinungaling sayo yung mahal mo. Yung nahuhuli mo siyang nagdedelete ng messages sa taong yon. Ganito pala. Ngayon , alam ko na.
Ang hirap huminga. Napakabigat sa dibdib. Nanlalambot ako sa sakit. Nanghihina ako. Nasasaktan ako.
Siguro , kailangan ko na magpahinga.
Magpahinga , oo. Kailangan ko na matulog. Salamat sa sakit.
Ngayon , alam ko na.
Eto na pala yung karma.
Good? Night.
YOU ARE READING
Fell Head Over Heels For Her
Short Storyher name is karen camille venturina mendoza.