11:21 pm
Kanina ko pa gusto matulog sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pero eto ako ngayon , gising na gising ang diwa ko. Ni wala akong maramdaman na antok. Shet , may pasok bukas. Pero mukhang walang tulugan to.
Sariwang sariwa yung sakit. Ang mas masakit pa , eh yung natitiis ka niya. Diba dapat nilalambing mo ko? Diba dapat kinukulit mo ko? Kasi mali ka dba?
Pero asan ka? Nandyan sa kataasan ng ihi mo. Mahirap bang magpakumbaba para sa taong mahal mo?
Ay teka. Mahal nga ba? Hahahahahahahaha. Napakasakit kamo.
Naiisip mo kaya ako? Naiisip mo kaya na baka nalulungkot ako ngayon? Na nasasaktan ako? Na baka kailangan kita? Na baka gusto kita makausap? Na baka namimiss kita? Na baka kailangan ko ng lambing at sorry mo?
Kaso.... wala. Tinitiis mo ko.
Ang manhid mo.
Napakasaket.
YOU ARE READING
Fell Head Over Heels For Her
Historia Cortaher name is karen camille venturina mendoza.