Introduction

116 8 5
                                    

Pag-ibig, ano nga ba ang pag-ibig?
Salitang nakakapagbago ng usapan, salitang nakakapagbago ng isang larawan,
salitang hindi mawawala sa araw-araw sa bawat pagharap mo sa kinabukasan.
Sa pag-iyak, pag-tawa, paglapit at paglayo, sa tanong na "bakit pa kami pinagtagpo, kung hindi naman kami para sa isa't-isa?" sa sagot na "siguro para maging mag-kaibigan, sadyang ako lang ang nagbigay kahulugan..."
Paano mo to pinanghahawakan at paano ba to dapat panghawakan?
At sa bawat letrang aking binibitawan,
patuloy na pag-ibig ang tanging dahilan.
Gamit ang papel, ballpen, at bukas na mikropono,
Pag-ibig ang napapahayag ko.
Pag-ibig na pwedeng ako lang ang nakakaramdam,
Pag-ibig na pwedeng hindi ko nga naramdaman.
Bibig sa tinig, kilig at lamig, ito ay pag-ibig.

Spoken Love [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon