Chapter 1

100 5 4
                                    

Hinawakan ni mira ang mic sa harap ng maraming tao "For those who received everything but gave nothing."

naghiyawan ang marami

"Ang title po nito ay lahat, kaso wala"

tumahimik ang mga tao at lahat ng mata'y nasakanya at tumugtog si kris

"Isang araw... nakita kita. Nakita kita hawak mo ang tsokolateng bigay ko sayo, at tumingin ako sa kamay ko. Nakita ko...na wala akong nakita. Isang araw nakita kita. Nakita kita na bitbit mo ang bulaklak na bigay ko sayo, at tumingin ako sa kamay ko. Nakita ko...na wala akong nakita. Isa yang simbolo na sa bawat bigay ko sayo, wala na palang natira para sa sarili ko. Isa rin yang simbolo na ang pagmamahal ko sayo ay di mo kayang pantayan at tila parang ginagamit mo lang ako. Mahal, hindi sa humihingi ako ng kapalit, pero di ko na ramdam pagmamahal mo. Dati, kapag may bigay ako, halik at yakap ang natatanggap ko at ngayon? Thankyou at ngiti lang ang binibigay mo. Ano ako? Manliligaw? Hindi ba, tayo? Alam mo, hindi nako aasa. Hindi nako aasa na mas hihigitan mo pa. Hahayaan nalang kitang umasa kung ibibigay ko pa ba. May sasabihin pako sayo. Pinagpala ka na. Pinagpala ka na na nasayo yung taong ikaw lang ang itinitibok. Oo sinulit mo pero hindi mo pinahalagahan. Ano ba ang pagkukulang ko sayo? Hindi ba, ikaw ang may pagkukulang?? Itataga ko sa bato na balang araw...mapapansin mo rin ang halaga ko, at bakit? Kasi binigay ko na lahat...kaso, wala."

Nagpalakpakan ang mga tao habang nakangiti si mira.

(Flashback)

*sigh* "bagal mo!" Sigaw ni mira habang pagod sa kakatakbo at nakatawa pa.

*hinihingal* "teka san ba tayo?? Di ko na alam to" sagot ni Kris.

"Basta sunod ka lang. Alam ko naman to, di tayo maliligaw" at sabay silang naglakad ng napakalayo hanggang sa naka abot sila sa kanilang destinasyon. Nung pumasok sila sa loob...

"Wow! Nasa studio ba tayo?" Tanong ni kris

"eto ang tinatawag na bukas mikropono, kahit anong gusto mong sabihin, pwede mong ilabas dito, pero sa harap ng maraming tao." Sagot ni mira habang nagtitingin-tingin sa paligid.

"Mm...nakasubok ka na??" Tanong ni kris habang nakahawak sa mikropono

"Hindi pa, pero gusto ko."

"ano namang sasabihin mo??"

"Mga nararamdaman ko, or ng ibang tao, yun naman lagi kong naririnig dito eh."

"Teka...bat walang tao? Bat tayo lang?"

"Gabi lang to nagbubukas"

Mahabang usapan ni mira at kris.

-sa bahay ni kris-
Tumugtog ang piano "matalik na kaibigan...idaan sa maayos na usapan, wag sa-...ano ulet chords nun??" Tugtog ni kris habang kumakanta

"Ang galing mo naman, hanggang tula lang kasi ako eh." Pagpuri ni mira kay kris

"Sa pinuntahan pala natin kanina, pwede ba bata duon?" Tanong ni kris

"Oo...may nakita nga akong bata eh, mas bata pa satin, nagsasalita sa harap." Sagot ni mira

"Tara, punta tayo mamayang gabi" pag-aanyaya ni kris

"Sige, paalam ka muna." Pagsang-ayon ni mira

"Sabi mo diba magaling kang tumula?" Tanong ni kris

"Sakto lang..."

"Sample nga, sample, sample, sample"

"Eto na eto na...depende lang sa naiisip kong sabihin ah.e-hm" paghahanda ni mira "kaibigan, ikaw ang simbolo ng aking kasiyahan. Hindi ko alam, kung pano ko sisimulan na ikay pasalamatan."

"Teka teka...ang drama naman ata nyan." Sabat ni kris

"Hayst...paghahandaan ko nalang. Yung, HINDI madrama."

"Very good"

Nagtawanan ang dalawa

Spoken Love [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon