What if Cupid becomes Bitter?
Sabi daw nila, Cupid is the god of desire, erotic love, attraction and affection. He uses bow and arrow that represent his source of power: a person, who is shot by Cupid's arrow is filled with uncontrollable desire.
Kalokohan.
Sino ba ang nagpakalat ng Fake News na iyon at uupakan ni Cupid 02. Hindi lang iisa ang kilala niyong Kupido dahil marami sila. At isa pa, hindi lalaki ang mga Cupid no, dahil mga babae sila!
At si Cupid 02 ang magpapatunay nun. Sawang-sawa na siya sa trabaho niya. Lagi nalang kasi niya nasasaksihan ang madramang buhay pag-ibig ng mga hinayupak na mortal. Tapos siya pa ang sinisisi sa tuwing sila'y magiging sawi sa huli. Kaloka nga naman.
Kaya nakaisip siya ng paraan para matigil na ang kahibangan ng mga tao at para siya naman ang malibang. Imbes na siya ang tutulong para makabuo ng Love sa pagitan ng mga mortal, siya na ngayon ang sisira sa pesteng lovelife na yan! Wala na kasing Forever!
Matapos niyang gawin ang masamang balak niya, nagkagulo na ang lahat, mas naging komplikado ang mundo. Ayan tuloy at ipinadakip siya ng Council para patawan ng parusa. Ipapatapon na siya ng tuluyan sa mundo ng mga tao at tatanggalan ng kapangyarihan. At hindi pa doon nagtatapos dahil kailangan niya paring gawin ang kanyang responsibilidad bilang isang Cupid. Makababalik lang siya kung matatapos niya ang kanyang misyon. Kailangan niyang tulungan ang isang binata na nagngangalang Zero Villamore. Malaki kasi ang atraso nito sa binata.
So in the process of completing her mission,she experience new things into her life. Okay na sana eh kaso parang may mali? Because just like in the tale of Cupid and Psyche, when Cupid was wounded by his own weapons, he experiences the ordeal of love. Isa pa naman din sa pinaka-unang rule ay ang bawal umibig ang katulad niya sa isang mortal. Paano na 'yan?
BINABASA MO ANG
Bitter Cupid's Operation
FantasyWhat if Cupid becomes bitter? --- written by: ladysardonyx covered by: suhoberrie